Chapter 15

135K 2.3K 1.1K
                                    

Scarlett's POV

"SCARLETT! WAKE UP!"

"Fuck." I silently muttered

A dream. FUCKIN' DREAM.

Napasapo ako sa dibdib ko habang mabilis ang paghinga na ginagawa ko. It was a dream. A fuckin' dream.

Napatingin ako kay Edward at namula ang pisngi ko nang maalala ang panaginip na iyon.

"Okay ka lang, hon?"

Tumango ako sa kanya at bumaba na ng kotse dahil nasa tapat na pala kami ng bahay. Damn. Am I having wet dreams?

Pagkatapos ng shoot ay umuwi kami agad dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe at naniginip ng hindi kanais nais na bagay.

What the hell? I need to pull myself together.

Jack's POV

Summer na summer umiinit ang ulo ko. Paanong hindi iinit ang ulo ko? Marami akong pina-cancel na meetings para magpunta sa States dahil sa t*ng-*n*ng business meeting na ito pero ang ka-meeting ko nagpunta sa Pilipinas! Sino ang hindi iinit ang ulo?!

Nagdecide nalang ako na magpunta sa mall para lumamig ang ulo ko. Nababanas talaga ako. Buti nalang at may saysay ang punta ko rito dahil inimbitahan nila ako sa isang party. Dadalo raw ang ilang sikat na artista at modelo. Syempre hindi mawawala ang mga mayayamang business tycoons.

Dadalo rin daw ang so-called Business Couple Sikat sila rito sa States bilang young business tycoons. Mag-kasintahan raw sila pero ang iba sinasabing mag-asawa sila. Pake ko ba sa kanila? Marami pa akong iniisip na mas importante.

"Ouch!"

Napahinto ako sa paglalakad nang naramdaman ko na may bumunggo sakin. Yumuko ako para makita ang batang nabunggo ko o binunggo ako. Alam kong bata dahil sa boses niya.

"Adam!" sigaw ng isang tumatakbong bata

Tinulungan kong tumayo ang bata at nang makalapit ang isang bata ay sabay silang tumingin sakin. Nanlaki ang mata ko nang makitang identical twins sila. Magkamukhang-magkamukha sila.

"Hey mister! Say sorry to my brother!" masungit na sabi noong isa

"Huh?" takang tanong ko

"You bumped me!" akusa sakin noong isa

Sh*t! Sino ba sa kanila yung Adam? Yun yung nabunggo ko eh.

"You are Adam." sabi ko sa nasa kanan ko na tinulungan kong tumayo kanina

"No. I am Adam." sabi noong isa

"I am." sabi naman nung isa

"Nah. It's me."

"Bro, it's me!"

"Tsk. Shut up. It's me."

"Stop it! I am Adam!"

Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Nalilito ako sa kanila. Sino ba ang nagsasabi ng totoo?

"Hey! Stop fighting." saway ko sa kanila

Sabay silang tumingin sakin at sabay rin silang humalukipkip sa harap ko. Nakatitig sila sa mukha ko at maya maya magtitinginan sila.

"He's familiar." sabi noong nasa kanan

"I know." sabi noong nasa kaliwa

Mas tinitigan pa nila ako pero maya maya ay lumungkot ang mata nila at may.....galit. What happened to them?

The Casanova Got Me PregnantWhere stories live. Discover now