Chapter 5

130K 2.5K 659
                                    

Lady's note:

Ang susubod na mga eksena ay hindi angkop sa edad 16 pababa. Wag kang makulit bata, i-skip mo na. Hahahaha

Basahin pero wag i-report.

Wag mong basahin kung ayaw mo.

Wag kang mag-report kung nabastusan ka.

Kung nabastusan ka, lumayas ka.

Binabalaan ko na kayong lahat. BE OPEN-MINDED.

READ AT YOUR OWN RISK!

=================================================

Scarlett's POV

"Whaaaat?!" histerikal na tanong sakin ni Chloe

"Kalma ka, bessy." saway ko sa kanya

Nasa garden kami ngayon ng school at naikwento ko sa kanya ang nangyari. Pati na rin ang pagiging step-brothers ni Leo at Jack.

"Masasapak ko talaga ang Leo na iyon. Hindi lang sinabi satin ang tungkol sa kanila ni Jack! Nakakainis!" lintanya ni Chloe

Hindi ko nalang siya pinansin at pinag-tuunan ko nalang ang rosas at maliit na teddy bear na nilagay ni Jack sa mesa ko.

"Itapon mo nga iyan! You need to stop loving him, bessy! Sasaktan ka lang niya! Hindi man niya sabihin pero obvious naman na nanliligaw siya sayo! Wag mong paabutin pa sa punto na paglaruan ka niya at iwan sa huli!"

Napayuko ako sa sinabi ni bessy. Ganoon ba ako kapanget bilang Isabelle?

"Cheer up, bessy. Marami ka pang mahahanap na lalaki na mamahalin ka ng totoo." nakangiting sabi nito

Pero hindi ko sila magagawang mahalin dahil si Jack ang mahal ko.

Nagpunta na kami sa next class namin. Noong lunch naman, dating gawi. Kasama namin si Leo sa lunch pero ang pinagkaiba alam namin ang pagiging magkapatid nila ni Jack. Pero hindu namin pinahalata na alam na namin.

"May shoot kami ni Scarlett this weekend. Gusto niyong sumama para ma-meet niyo siya? She's nice."

Nagkatinginan kami ni Chloe at sabay na umiling sa kanya.

"Gagala kami ni bessy this weekend." palusot ni Chloe

"Sayang naman. Dibale, may susunod pa naman siguro."

Tumango nalang kami sa kanya at kumain. Hinatid niya kami ni Chloe sa last subject namin. So far. So good. Hindi ko pa kasi nakikita ngayong araw na ito si Jack maliban nalang sa rosas at maliit na teddy bear. I wonder why.

"Bessy, sabay ka na sakin." sabi ni Chloe

"Wag na, bessy. May dadaanan pa ako."

"Sige. Ihahatid ka naman ulit ni Leo, diba?"

I nodded my head kahit na hindi ako maihahatid ni Leo. Nagpaalam na siya sakin at umalis na. Dadaan pa kasi ako sa Dean para i-check ang grades ko dahil scholar ako sa school na ito. I'm hiding nga, diba?

Malapit na ako sa office ng Dean nang may humarang sakin na tatlong lalaki. Parang pamilyar sila sakin pero di ko maalala kung saan ko sila nakita.

"Ikaw ba si Isabelle?"

Tumango ako sa kanila kahit na nagtataka ako. Pinasadahan nila ang katawan ko mula ulo hanggang paa. Napataas naman ang kilay ko sa ginawa nila.

The Casanova Got Me PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon