Chapter 11 - Special Someone

3.2K 86 1
                                    

Kinabukasan dumeretso agad ako sa Manila for an interview para linawin na ang issue tungkol sa amin ni Chace. Syempre kasama ko rin si Jirou pero tahimik pa rin siya at hindi pa rin kami masyadong naguusap.

Backstage…

“15 minutes na lang magla-live na… ready ka na ba Nayumi?” tanong ng manager ko.

Nag-nod naman ako. But the truth is kinakabahan talaga ako. What if may mali akong masabi? What if ma-missinterpret nila ko? Isang mali lang masisira ang career ko. Gosh.. sino ba naman ang hindi kakabahan.

“Wag kang kabahan, magiging okay ka lang.” sabi ni Jirou

Nginitian ko lang siya.

“Nayumi!” napatingin naman ako sa tumawag sakin na nakatayo sa likuran ni Jirou

“Nash!” tapos ay tumakbo ako sa kanya at hinug ko siya “Akala ko di ka pupunta eh.”

“Kamusta ka?” tanong niya

“I’m nervous.” pag-amin ko

“Maging totoo ka lang.” sabi ni Nash “Basta kahit anong mangyari, nandito naman ako eh.”

Thankful talaga ko at dumating si Nash. Kahit papaano nawala ng konti yung kaba ko.

“Miss Nayumi standby nalang po kayo.” sabi sakin ng isang staff tapos saka ko lang napansin na nakatingin pala sakin si Jirou.

“Tara na.” sabay alok sakin ni Nash ng kamay niya. Humawak naman ako kay Nash, comfortable kasi ako pag nasa tabi ko siya. Tapos ay naglakad siya ng diretso, akala ko lalapitan niya si Jirou pero tumagos lang si Jirou kay Nash.

So hindi pala nakikita ni Nash si Jirou… Gusto ko mang kausapin muna si Jirou, ayoko naman basta bumitaw kay Nash lalo’t magsisimula na ang program.

“Ngayon ay may makakasama tayong isang pretty lady, let’s welcome her… ang model na si Nayumi Anderson!” sabi ng host

Nagpalakpakan naman ang studio audience at nagpunta na ako sa stage.

“Hello.” bati ko sa host “Hello po sa inyo.” bati ko naman sa camera habang nakasmile

“Welcome sayo Nayumi.” bati niya sakin “…and congratulations pala, nakakuha ka ng award international diba?”

“Yes. Isa ako sa napili na representative ng country sa international modeling competition. And thankfully nakakuha ako ng award.” sagot ko

“So aside sa pagsali sa competitions, model ka rin ng isang brand ng clothing line…” sabi niya. Of course hindi niya pwedeng sabihin mismo ang Elise apparel. “…and kasama mo si Chace Padilla.”

Okay, ito na… nagstart na niyang banggitin si Chace.

“Yes. Image model ako ng isang apparel, pero lately lang kami nagkasama ni Chace.” sagot ko

“Kamusta ang makatrabaho ang isang Chace Padilla? Marami ang nagsasabi na suplado daw si Chace.”

“Okay naman. For me hindi naman siya suplado, tahimik lang siya at mukhang serious pero mabait siya and palabiro din.” sagot ko

“Yieeh.” Biglang nagreact ang audience. Wow. Para naman kaming loveteam nito.

“Ayan kinilig ang audience natin.” sabi niya “Alam mo marami kasi talaga ang nagtatanong, ano kayo ni Chace?”

I Met A Ghost [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon