Chapter 16.2 - Goodbye

3.1K 93 13
                                    

[A/N: Itong next na chapter pala ay ina-narrate ko na lang. Continuation pa rin to ng naunang scene, pero magiging 3rd person’s point of view itong part na to.]

[ Third Person’s POV ]

Mga na-9:00 na ng gabi. Naka-upo pa rin sila sa may bench sa veranda.  Nakasandal sila sa isa’t isa habang nakatingin sa labas.

“Alam mo, hindi ko alam kung matutuwa ba akong namatay ako o maiinis eh.” Sabi ni Jirou.

“Ano ka ba naman, syempre hindi nakakatuwa na namatay ka…” sagot ni Nayumi “…na patay ka na.” mahina niyang dugtong.

“Hindi rin.” Masaya sabi ni Jirou “Kasi kung hindi nangyari sakin to, eh di hindi kita nakilala.”

“Right.” sang-ayon ni Nayumi, nakangiti siya pero namumuo na ang luha sa kanyang mga mata “Kung hindi kita nakilala, eh di sana hindi ko ma-eexperience yung happiness na nararanasan ko ngayon.”

“Hindi mo rin sana ma-eexperience ang sakit at lungkot.” Bulong ni Jirou.

Narinig ito ni Nayumi, hindi niya alam kung ano ang sasabihin “Jirou.” Napayakap na lang siya dito at pinipigil ang kanyang paghikbi.

“Gusto ko pang magtagal dito sa mundo.” Mababakas sa tono ni Jirou ang lungkot “Gusto pa kitang makasama. Gusto pa kitang makilala. Gusto ko pang pasayahin ka… mahalin ka...” Namumuo na rin ang luha sa mga mata niya “…Gusto kong mabuhay.”

Di na napigilan ni Nayumi ang mga luha at tuluyan na siyang umiyak. Niyakap niya ng mahigpit si Jirou.

Nagpatuloy si Jirou sa pagsasalita “Alam mo maswerte pa yung mga may sakit eh, yung may mga taning na ang buhay. At least pwedeng magkaroon ng milagro, pwedeng magkahimala na gumaling sila at mabuhay pa. Eh ako…” Tumulo na rin ang mga luha niya pero agad niyang pinunasan ang mga ito “…wala na kong pag-asa. Kaluluwa na lang ako eh. Isa na lang akong multo na naggugulo sa buhay mo.”

“That’s not true.”

“I’m sorry Nayumi kung nasasaktan kita.”

“Tama na Jirou. Hindi yan totoo.” Ini-angat na ni Nayumi ang mukha niya at hinarap si Jirou.

Nag-smile sa kanya si Jirou “Sana makakita ka ng iba na magmamahal sayo, at syempre yung mamahalin mo rin. Dapat yung katulad ko ha… o hihigit pa.” nagbiro pa siya “Teka, wala na palang hihigit sakin.” Pagyayabang na biro niya.

Medyo natawa si Nayumi habang umiiyak “Jirou naman eh.”

“Alam ko na, hanapin mo na lang yung reincarnation ko. Siguro medyo mag-iiba lang yung itsura ko, o kaya yung ugali ko… o kaya…”

“Ayoko!” natigilan si Jirou sa sinabi ni Nayumi “Ayoko ng iba… Hindi ko kailangan ng katulad mo… o ng hihigit sayo. O kahit pa ng reincarnation mo…” umiiyak pa rin siya “Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw mismo, walang mababago.”

“Sorry.” Niyakap ni Jirou si Nayumi na patuloy ang pag-iyak.

Mahigit alas-onse na ng gabi… Nakatulog na rin si Nayumi sa pag-iyak. Ini-ayos siya ni Jirou ng pwesto… kukuha sana siya ng kumot dahil medyo malamig na. Tumayo si Jirou ng hinawakan siya sa kamay ni Nayumi.

“Don’t leave.” sabi ni Nayumi sa inaantok na boses.

“Kukuha lang ako ng blanket, baka kasi…”

I Met A Ghost [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon