Chapter 12 - Jirou is missing!

3.1K 92 3
                                    

“Nayumi? Saan ka pupunta?! Delikado nang lumabas ngayon! Nayumi!” sigaw sakin ni Tricia pero diretso pa rin ako

Hindi ko kayang mag-antay lang… hahanapin ko siya.

Walang dumadaan na taxi o kahit anong sasakyan kaya diretso lang ako sa pagtakbo.

Please.

Please…

Hindi pa naman nabalik lahat ng memories niya ah… Sabi niya pag bumalik ang memories niya, saka lang siya makakaalis ng tuluyan.

Hindi kaya may limit lang nag pagstay niya dito sa mundo?

O kaya ginusto niya talagang umalis?

Dahil ba nagalit siya sakin? Dahil iniiwasan ko siya?

No.

Hindi pwede…

HINDI PA SIYA PWEDENG MAWALA.

Dahil sa kung ano-anong naiisip ko. Hindi ko na napigilang umiyak.

Para na kong baliw dito sa daan na nagtatatakbo habang umiiyak. Ang sakit na din ng mga paa ko.

*sniff*

Jirou.

*sniff*

Jirou…

Bakit ba kasi umiwas pa ko? Bakit ba kasi itinago ko pa? Sana… Sana sinabi ko sa kanyang…

“Nayumi?”

Napatingin ako sa nagsalita na papalapit sakin.

“Ji-Jirou?” sabi ko

Tumigil siya sa harapan ko.

“Bakit nandi-” may sinasabi pa siya pero tumakbo agad ako at niyakap siya.

“Akala ko nawala ka na…” sniff “…akala ko iniwan mo na ko… akala ko…” sniff “akala ko… hindi na kita makikita ulit.” sabi ko habang umiiyak

“Ibig sabihin hinahanap mo pala ako?”

Bumitaw ako sa pagyakap sa kanya pero di ko pa rin mapigil na umiyak. “Nag-alala ko na iniwan mo ko dahil galit ka sakin. Sorry kung lately iniiwasan kita, naguguluhan pa kasi ako eh. Promise hindi ko ulit gagawin yon. Basta i-promise mo rin na hindi ka na ulit biglang mawawala… hindi ko kasi kakayanin.”

“Sorry kung pinagalala kita. Hindi ko naman kasi alam na mapapansin mong wala ako eh.” sabi niya

.

.

.

Noong medyo okay na ko bumalik na kami sa bahay nila Tricia. And of course sinermonan niya kami ni Jirou.

“Nayumi! Jirou!” sabi niya makita niya kami “Nag-alala ko sa inyo. Lalo ka na Nayumi, anong naisipan mo ang lumabas ng bahay?? Hating gabi na tapos mag-isa ka pa. What if may mangyari sayo?? Pati ikaw Jirou. Bakit ba kasi bigla ka na lang nawawala?? Tinataranta mo kami eh. Hayy… nakakaloka kayong dalawa. Pati ako magkaka-eyebags sa inyo. Matulog na nga tayo.”

Grabe hindi man lang kami nakapagsalita.

“Matulog ka na rin. Kaya ang putla mo na eh, kulang ka sa tulog.” sabi niya

I Met A Ghost [COMPLETED]Where stories live. Discover now