I Met A Ghost

13.6K 235 10
                                    

“Nayumi Anderson. You’re beautiful, rich and popular. Maraming nagmamahal sayo. Nag-aaral ka pa lang pero may career ka na rin. Isa na lang ang kulang sayo… LOVE LIFE.”

Yan ang madalas sabihin sakin ng mga friends ko.

Well totoo naman… Marami ang nagsasabi na maganda daw ako. Kaya nga ako nagmodel eh… para i-share ang beauty ko sa mundo. Hahaha… just kidding.

Pero model talaga ko, I’m the image model of Elise which is the top brand of apparel in our country. Also, nasali ako sa mga modeling competitions international kaya naman medyo popular na rin ako.

Mayaman? Haha… depende. Lolo ko talaga ang mayaman, kaya naman sunod ang luho ko sa kanya.

Pero love life… ewan ko ba. Siguro I’m still waiting for that special guy. Pero nakikipag-date naman ako but hanggang date lang. Wala kasi akong ma-feel na something sa mga nakaka-date ko eh.

And speaking of date, lately nakipag-date ako kay Chace Padilla… isa lang naman siyang hearthrob star. Nakasama ko siya sa isang photoshoot and then we had dinner together. And dahil sikat siya, may mga paparazzi na nakakita samin and pinakalat ang balita na “we’re dating”.

Ngayon mas lalo pa kong naging popular. May paparazzo na rin na sumusunod sakin. Maganda yun para sa career ko pero it is also tiring.

At isa lang ang sagot dito… I need a VACATION.

-----

A/N: First time kong gumawa ng ganitong type ng story (yung may halong fantasy) kaya pasensya na dahil wala akong firm na plot. Comment na lang kung may reactions kayo..

I Met A Ghost [COMPLETED]Where stories live. Discover now