Chapter 1 - First Meeting

7.7K 171 3
                                    

Minsan kahit gaano mo kagusto ang trabaho mo o kaya ang course na tinetake mo, hindi mo pa rin maiiwasan na mapagod. Kaya naman since katatapos lang ng one semester ko sa college, nagbreak din muna ko sa work. Kailangan kong magrelax. Hindi naman ako naghahanap ng vacation sa malalayong lugar, gusto ko lang muna na wala akong iniintindi, para walang stress.

So nagdecide ako na magpunta dito sa Laguna. Magstay muna ko sa isang hotel dito na malapit kina Tricia, tapos bahala na kung anong maisipan kong gawin.

First day. Room 308. Ayos na ang mga gamit ko. Maglilibot na lang muna ko dito…

Binuksan ko yung pinto. May lalaki na nakatayo sa tapat ng door ko, at hindi lang basta sa tapat… nakaharang siya sa daanan ko.

Hindi siya umaalis kaya nagsalita na ko.. “Excuse me…”

“Ako ba kinakausap mo?”  Nagulat naman ako sa response niya.

“Ah… oo eh. Dadaan kasi ako, so excuse lang…”

“You mean… nakikita mo ko?”

Ano daw? Ang weird naman ng pinagsasasabi niya.

“Oo. Kaya excuse na ha… di kasi ako makalampas.”

Umalis naman siya sa daanan ko at lumabas na rin ako.

Wala pang one hour bumalik na rin ako. Nandoon pa rin siya… at nakatayo pa rin sa TAPAT ng room ko. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ko sa loob.

Lunch na. Lalabas na ulit ako para kumain…

At hindi ko alam kung magugulat ba ko o ano… dahil paglabas ko ay nandoon pa rin siya… So nilapitan ko siya at tinanong…

“Pwede bang magtanong… may kailangan ka ba sakin?”

“Ha?”

“Eh kasi… kanina ka pa nakatayo sa tapat ng room ko eh… sa tapat ng door ko to be exact. Do you need anything?”

Hindi siya sumagot… at mukhang wala naman siyang balak sumagot…

“Oh sige mauna na ko ha…” …kaya umalis na rin ako.

Pagbalik ko…

This time ewan ko na talaga… Dapat na ba kong kabahan? Eh kasi nandoon pa rin siya sa pwestong iyon.

Hindi naman siya mukhang guard. At ang alam ko, wala namang guard ang hotel na to na nagbabantay sa mga rooms. And if ever meron nga… BAKIT SA TAPAT NG ROOM KO?

Pumasok na ako sa loob… at isinara ko na ang pinto ng…

“Arrgg!” may narinig akong sigaw.

Binuksan ko ulit ito at nakita kong nakahawak sa ulo niya yung lalaki. Kinabahan ako, baka kung ano ng nangyayari sa kanya. Nilapitan ko siya…

“Anong nangyayari sayo? May masakit ba sayo? Do you want me to call a doctor? Ano?”

“Hinde…” tumingin siya sakin “hinde… okay lang ako…”

“Sure ka ba?”

I Met A Ghost [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon