Chapter 4 - Getting to know each other

4.4K 116 2
                                    

Kinabukasan...

“I’ll play detective today.” Excited na sabi Tricia.

“Parang detective Conan?”

“Detective conan? Ang baduy mo naman. Si L na lang.” sabi Jirou.

“Sinong L?” tanong ni Tricia. Wala siyang idea, di kasi siya mahilig sa anime eh.

“Si L ng Death Note.” Sagot naman agad ni Jirou.

“Yuck, ang pangit kaya ni L.” Ang itim kaya ng eyebags niya. And kahit genius siya, ang weird ng look niya.

“Eh ang corny naman ni Conan.” Sagot naman niya sakin.

“Gwapo kaya siya pag si Shinichi siya.”

“Pero mas matalino si L.” Ayaw talaga niyang magpatalo.

“Teka nga guys, ano ba ang pinagsasasabi nyo?” Awat sa amin ni Tricia. “Sinong L at Conan at Shinichi ba yon? Ang sinasabi ko ay si Sherlock Holmes.”  Si Sherlock Homes pala, the greatest detective of all time.

“Wait Tricia… what are we doing here ba?”Ang tinutukoy ko lang naman eh ang kinatatayuan namin.

Paano ba naman, bigla siyang dumating tapos pinilit kami, I mean ako na magbihis (ewan ko lang si Jirou). At ngayon nga ay nandito kami sa… ewan ko ba kung saan to. Basta maraming trees tapos wala kang makikitang lupa, puro green grass ang matatapakan mo. Yung setting niya ay pang picnic. Siguro kaya rin kami may dalang foods.

“Picnic. Isn’t it obvious?” sagot niya.

“Ayan ka na naman eh… pinipilosopo mo na rin ako.”

“Basta, trust me. Di ba gusto mo magrelax? Kaya eto… Nagpromise din ako na tutulong ako sa pagsolve sa lost memory ni Jirou kaya naman I’ll make a move na. So guys… buh-bye na, mauna na ko.”

“Wait, hindi ka namin kasama sa picnic na to?”

“Para sa inyo yan. Para magkapalagayan kayo ng loob… magka-ayos kayo.”

“Pero-”

“Sige bye na…” At sumakay na nga si Tricia sa kotse niya at umalis na.

Na-upo kami ni Jirou sa picnic mat. Nakatingala lang si Jirou sa langit.

“Ba’t hindi ka kumakain?” tanong ko sa kanya.

“Di naman ako gutom eh.”

“Kailan ka pa ba huling kumain?”

“Hmmm… Siguro bago ako mamatay.”

Nagta-try ba siyang mag-joke?

Silence…

Ano ba yan… Bakit parang ang tahimik naman niya ngayon? Parang ang lalim ng iniisip niya…

Napansin ko lang, tama nga si Tricia... gwapo nga si Jirou. Mukha rin siyang matalino. Siguro siya yung type na campus crush slash genius slash boss, parang si Nash. Yun ang tingin ko sa kanya… Sayang nga lang, he’s dead na.

Tanong ko lang… “Anong feeling?”

“Ng?”

“Anong feeling na… multo ka na?”

I Met A Ghost [COMPLETED]Where stories live. Discover now