Chapter 13 - The Date

3.4K 97 0
                                    

Today… kami ni Jirou… ay may DATE. And I’m excited about it. Yay! Ganito pala yung feeling… Yung makakasama ko siya tapos yung time na yun ay para sa amin lang dalawa at hindi ko muna iisipin ang iba. Sweet~

“Saan kayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Tricia

“Hindi pa namin sure pero dyan lang sa malapit.”

Confused pa rin si Tricia… “Alam niyo may kakaiba sa inyong dalawa. May na-miss ba ako kagabi?”

“Kagabi? Wala naman. Kaninang madaling araw siguro may konti.” pabirong sagot ni Jirou

“Teka nga-”

“Wag kang mag-alala Tricia, mag-iingat naman ako eh. Hindi ako pupunta sa mga crowded places. Ikaw muna ang bahala kay Naru ha?” putol ko kay Tricia “Naru magpakabait ka…” sabi ko naman kay Naru sabay pat ko sa head niya “Bye bestie.”

“Okay, fine. Jirou ingatan mo ang bestfriend ko ha…” paalam ni Tricia

“Lagi naman eh.” sagot ni Jirou

Tapos ay naglakad na kami paalis para di na makapagtanong pa si Tricia. Pag nagtanong kasi siya, daig pa ang nasa talkshow.

“Alam mo nagseselos na talaga ako dyan sa pusang yon.” bigla niyang sabi

“Bakit? Dahil si Ace ang nagbigay kay Naru?”

“Oo.” diretso niyang sagot “At saka…”

“May other reason pa?”

“Masyado mo kasing inaalagaan yung pusang yon. Pag umaalis ka, lagi mong ipinagbibilin. Samantalang ako, iniiwan mo lang basta. Mas maraming attention pa ang binibigay mo sa pusang yon eh.” sagot niya

“Wag mo siyang tawaging ‘pusang yon’… may name siya… NARU.”

“Ang weird kaya ng name… Naru? Ano yun?” pang-aasar niya

Napatigil ako sa paglalakad tapos sumimangot ako.

“Oh bakit?” tanong niya

“Galing kaya sa pinagsamang names natin yung name ni Naru…” sabi ko “… NAyumi plus JiRoU… kaya Na-Ru.”

“Ha? Ah… ganun ba…” Biglang hinwakan ni Jirou yung kamay ko… tapos ay naglakad na ulit kami

“Eh di para palang… anak natin siya.” sabi niya

“Huh?”

“Pinagsama mo yung names natin eh… edi parang baby pala natin siya.”

“Pfft.” natatawa tuloy ako sa kanya…

“Oh bakit ka natatawa?”

“Wala lang.” … bigla nalang siyang naging sweet kay Naru.

Tapos naisipan namin na pumunta sa isang ‘lakeside park’ dito… Minsan na kaming nagpunta nila Tricia at Nash dito, at nagustuhan ko talaga yung place. Eco-friendly kasi, maganda ang view, tahimik at pwedeng mag-unwind.

Naglakadlakad kami tapos may nakita kaming mga cosplayers na parang nagfu-fund raising. Nakakatuwa nga sila eh, ang cute tapos in character talaga sila. Pati si Jirou natuwa ring panoorin sila. Pagkatapos ay pinanood namin yung mga nakasakay sa boat, tapos ay nagpakain din kami ng mga isda.

I Met A Ghost [COMPLETED]Where stories live. Discover now