Chapter 10 - Bestfriend

3.2K 87 2
                                    

“Tricia I need your help. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.”

“Why? What happened?”

Kung may lugar man na maraming ordinaryong tao na pwede akong puntahan ng hindi ako nagtatago or nagdi-disguise… yun ay ang school na pinapasukan namin ni Tricia.

May ilang celebrities rin kasi ang pumapasok dito at normal na lang yun sa mga students dito. At hindi rin sila masyadong naniniwala sa mga showbiz issues.

“So Nayumi… ano bang nangyari? Bakit napasugod ka dito?” tanong ni Tricia

“I think I’m going crazy. Si Jirou kasi-”

“Wait!” putol niya sakin “Oh gosh!”

“Wha-what?” nagulat naman ako kay Tricia

“Nayumi! Hindi ko na siya nakikita! Hindi ko rin siya nararamdaman!”

“Wait, ano ba yun? Ba’t ka nagpapanic?”

“Si Jirou, hindi ko na siya nakikita!”

“Relax ka nga lang Tricia. Hindi mo talaga siya makikita kasi hindi ko kasama.”

“Eh?” bigla naman siyang napatigil “Well that’s better. Akala ko kasi hindi ko na siya nakikita, then naisip ko makakalimutan ko na siya.”

“Makakalimutan?"

“Oo parang si manong Fred, nakakalimutan niya rin si Jirou agad.”

Napaisip naman ako bigla sa sinabi ni Tricia.

“Teka ba’t hindi mo nga pala kasama si Jirou?”

“Ha? Eh… Naiwan siya sa hotel.”

“Pumayag siyang magpaiwan?”

“Tinakasan ko siya.”

“What? Bakit?”

“Yun nga eh… kasi pag kasama ko siya para kong mababaliw.”

“Ha?”

“Pagkasama ko siya hindi ko macontrol yung feelings ko. Ang bilis kong madala sa mga paglalambing niya. Nagseselos ako when he cares too much for Tifa. Pati sa pagtulog ko nasa dreams ko siya. Tapos bigla na lang bumibilis ang heartbeat ko pag naiisip ko siya. Feeling ko lagi niya kong pinagmamasdan o kaya pinapanood niya ko habang natutulog. Para na kong paranoid.”

“Base sa sinasabi mo, does it mean… nagkakagusto ka na kay Jirou?”

“Hindi.” I said firmly. Huminga ako ng malalim. “…I mean… oo pero, hindi pwede. Alam natin pareho yun.”

“Eh ano ng balak mo?”

“Hindi ko alam. Hindi ko nga rin alam kung paano ko magrereact noong sinabi niya sakin na mahal niya ko.”

Biglang na-excite si Tricia. “Sinabi ni Jirou na mahal ka niya?!”

“Ewan. Yun ang narinig kong sinabi niya pero… I’m not really sure. Naguguluhan na ako. Tell me Trish, possible ba na magkagusto pa ang tao sa multo?”

“Umm… ilang beses pa lang naman akong nakakita ng ghosts eh. And wala pa kong na-encounter na ganyan.”

Napahinga na lang ako ng malalim.

“Pero Nayumi tandaan mo, ang mga ghost ay nandito lang dahil meron pa silang unfinished business. Pero once na nagawa na nila ang dapat nilang gawin, kailangan na nilang pumunta sa dapat nilang puntahan. In Jirou’s case, wala siyang memory sa kanyang past pero pag naalala na niya yun lahat……”

“…kakailanganin niya ring umalis.” Dugtong ko sa sinabi ni Tricia.

“Kung talagang mahal mo na si Jirou, wala na tayong magagawa. Basta maging handa sa lahat ng possible na mangyari sa huli.”

Right. After all, iiwan niya rin naman kami in the end.

“Tricia… ayako pang bumalik sa Laguna. Pwede bang dito muna ko?”

“Syempre naman. Tara sa condo, doon tayo magbonding.”

“What about your classes?”

“What is college kung walang cutting classes. Hahaha. Di ko naman ikamamatay ang pagabsent paminsan-minsan. And bestfriend ko ang humiling kaya dapat i-grant ko.”

“Aww. Thanks talaga Tricia. Salamat lagi kang nasa tabi ko.”

So ayun, nagpunta  kami ni Tricia sa condo niya at doon nagpalipas ng oras.

.

.

.

Pagbalik ko sa hotel, tahimik akong pumasok sa room ko.

Nasaan kaya siya? Sana hindi siya galit… Baka pag nakita niya ko ngayon pagalitan agad ako nun. Biglang bumulaga sakin si Jirou at… MAHIGPIT niya kong niyakap.

“Nayumi!”

Nagulat ako pero may napansin ako. Tumatagos siya sa pader at sa iba pang bagay, pati sa ibang tao pero… ako, nagagawa niya kong hawakan at yakapin.

Habang yakap niya ko ramdam kong malamig siya. It feels weird, but I like it.

Humiwalay siya sa pagyakap sakin “Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka man lang ba nagsabi sakin na aalis ka? Alam mo bang alalang-alala ko sayo… Akala ko…”

“Akala mo tinakasan na kita?” biro ko pero serious pa rin siya

“Akala ko hindi na ulit kita makikita.” Sabi niya

Kita kong nag-alala talaga siya sakin. He really cares for me. Ibig sabihin totoo din kayang… mahal niya ko?

“Wag mo na ulit gagawin yun.”

“Ang pagpunta kay Tricia?”

“Ang pag-alis ng hindi man lang nagpapaalam.”

“Uh… okay. I’m sorry pinag-alala kita.”

“Hindi kita pipigilan kung gusto mo ng umalis pero… at least magpaalam ka sakin.”

“Okay.”

Pagkatapos nun ay hindi na ulit kami ng usap hanggang gumabi.

I Met A Ghost [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon