Final Chapter

5.4K 182 41
                                    

"Ang sama niya no? Sana mapatawad mo siya... Miss mo na ba siya? Kasi ikaw..." Lumapit siya sakin "...miss na miss ko na eh. Miss na kita Nayumi."

Kaya ba niya alam lahat yon? Siya nga ba si...

"Jirou?"

"Nayumi..." nakasmile na sabi niya sakin

Hinawakan ko siya sa face niya.

"Jirou ikaw ba talaga yan?"mangiyak-ngiyak kong sabi

"May iba pa ba?" pabiro niyang sagot

Ibinaba ko yung kamay ko.

Siya nga si Jirou...

*sniff* "Jirou..." *sniff*

"Hmmm?"

"JIROU!" sabay hug ko ng mahigpit sa kanya "Ikaw nga Jirou. Huhuhu... Akala ko hindi na kita makikita. Jirou... Jirou..." sabi ko habang nakayakap sa kanya at umiiyak

"Teka Nayumi, baka akala ng mga tao pinapa-iyak kita."biro niya

Humiwalay naman ako sa kanya, pinilit kong kumalma at pinunasan ang mga luha ko. Tapos PINALO KO SIYA SA DIBDIB.

"Aray. Bakit?"nagtatakang tanong niya

"Ikaw kasi eh." nagtatampo kong sabi "Pinaglaruan mo pa ko... pinasunod-sunod mo pa ko sayo. Para kong stalker kanina. Nakakainis ka."

"Hindi ka ba masaya na nakita mo ulit ako?"

"Masaya... masayang masaya, pero... paano ka ba nakabalik? Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin? Paano ka nakikita at nakakausap ni Tifa? Hindi ba siya natakot kahit multo ka na?"

Umiling si Jirou.

"Buhay ako Nayumi." sabi niya "Buhay na buhay."

"Ha? Pero Jirou, that's impossible. Yung... yung... Diba hindi naman pwede na-"

Bigla niya kong hinalikan sa lips. Yung mabilis na kiss. Yung smack.

"Oh yan naniniwala ka na?"

Nagulat ako kaya hindi ako makapagsalita. Hinawakan niya yung hand ko tapos ay idinikit niya sa dibdib niya.

Teka... nararamdaman ko... ang kanyang HEARTBEAT.

"Jirou... tumitibok ang puso mo." gulat na sabi ko

"Diba sabi ko naman sayo."

"Buhay ka nga Jirou." sabi ko sabay yakap ko sa kanya.

Buhay nga si Jirou. Ang init ng yakap niya. At habang yakap ko siya, nararamdaman ko pa rin ang heart beat niya. Buhay nga siya... buhay si Jirou!

"Eh nagkita na pala kayo eh."

Napatingin kami sa nagsalita, si Ace... Kasama niya si Tifa, at holding hands pa sila.

"Ace? Tifa?" Okay na pala silang dalawa??

"Isusurprise ka sana namin kaso naunahan mo na kami" si Tricia

"Kasama ka rin Tricia?"

So magkakasabwat pala sila?

"Siguro guys sa ibang place nalang tayo magkwentuhan." sabi ni Tifa

Napatingin naman kami sa paligid... may ilan na pala kasing nakikinood samin.

Fast Food Restaurant...

"I still don't get it. Paano nangyaring buhay ka Jirou?" I mean... I'm happy na buhay siya pero paano nangyari yon? Eh ghost na siya dati eh.

"...After maaksidente ni Jirou, na-coma siya." explanation ni Tifa "Sabi ng mga doctor napakaliit na daw ang chance na maka-recover pa si Jirou... possible na ganun na lang daw siya habang buhay. Several months na rin siyang nasa ganung condition kaya naman nawalan kami ng pag-asa at sinisisi namin ang mga sarili namin."

I Met A Ghost [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon