Chapter 9.1 - Tiffany Espia

3.1K 91 3
                                    

“♪I feel so free, it’s like a fantasy, heaven you next to me, suddenly it’s magic…♪” [lyrics of Suddenly It’s Magic]

Nakirinig ko kanina itong song sa tv at dahil maganda, paulit-ulit ko tuloy kinakanta.

“Wag ka na ngang kumanta.” Biglang sabi ni Jirou

“Bakit ba?”

“Ang panget mo kumanta eh.”

“Hmmf…”marami kaya nagsasabi sakin na maganda raw ang voice ko at may talent ako sa singing. “Nagsalita, akala mo naman kung sinong talented.”

“Hinahamon mo ba ko?”

“Go.”

“♪HAWAKAN MOOO~ ANG AHH-KING KAMAY~~ AT TAYONG DALA-♪” [lyrics of Kay Tagal Kitang Hinitay]

“Stop!” My gosh! May sarili siyang tono.. “Hahaha… Ang yabang mo, eh ikaw nga wala sa tono kumanta…”

“Wala ka lang kasing alam sa music.” Proud pa niyang sabi

“Ang yabang talaga.”

“Ay nako tama na yan…” saway ni Tricia “Kaya kayo nagkaka-developan eh.”

Si Tricia talaga pinaalala na naman yung kahapon… Ang awkward na nga eh.

“Oh paano guys, hanggang dito na lang ako. Basta Nayumi once napansin mong nakikilala ka na nila umalis ka na agad ha…” bilin ni Tricia

“Don’t worry mag-iingat ako.”

“Jirou ikaw na bahala sa bestfriend ko ha…”

Then nagpaalam na nga si Tricia, at dumeretso naman kami sa school ni Tifa…

St.Fatima University…

Mabuti na lang at summer kaya hindi nakauniform ang mga students dito… konti lang din ang pumapasok… Mabilis lang din kaming nakalampas sa guard.

“Okay… saan natin hahanapin si Tifa?”

“Diba sabi mo kahapon Accountancy ang course niya… Hanapin muna natin yung building ng accountancy.” Sabi ni Jirou

“Right.”

Halos inikot na namin ang buong university sa paghahanap. Hindi rin naman namin makita yung map ng campus nila. At ito namang si Jirou, ang bagal bagal pang maglakad, parang nananadya lang eh. Hindi rin naman ako makapagtanong kasi baka may makakilala sakin and I don’t want to take the risk.

Kaya naman we end up sa cafeteria nila…

“My gosh… I’m exhausted na. Paikot-ikot tayo pero wala naman tayong nakita.” sabi ko.

“Pffft.”

“Bakit?” anong kaya nakakatawa?

“Wala lang… para kasing mas interesado ka pang makita si Tifa kesa sakin eh.”

“Ang sabihin mo tamad ka lang. Masyado ka ng umaasa sakin.”

“Siguro nga…”

Huh? Ano yun, nag-agree siya? Pinaglalaruan niya ba ko?

“Nayumi…” seryoso siyang nakatingin sakin “…pag ba natapos na to at wala nako… mamimiss mo ba ko?”

I Met A Ghost [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon