Chapter Thirty-One: "Replacement"

6.8K 106 2
                                    

A/N: Sorry po at limang araw akong hindi nakapag'update, nasira ang computer e! Ta's nag-aaral rin naman ako. Hahaha, nilalagnat pa nga ako ngayon e. pshhh =)) ENJOY! :D

--

Para siyang panaginip na nangyayari sa harap ko ngayon. Nandito siya. Sa harapan ko mismo. Ang matagal ko nang hinihintay. Ang lagi kong iniisip for the past 3 years. The girl who broke my heart---but also the girl who can mend it.


"Leux Alexander, did you miss me? Bumalik na ako!" She's smiling like it never happened. Nararamdaman ko na naman 'to..yung pagmamahal ko sa kanya. Eto naman ang gusto ko diba?


She's here, right in front of me. Feeling ko kumpleto na ako.


"Leux, sinong dumating?" Narinig ko ang boses ni Mom na papalapit sa aming dalawa. 


Then she saw her. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Mom, parang may gusto siyang sabihin pero bigla na lang siyang ngumiti. I know it's not real. My mom knows how to fake smiles. Lumapit siya kay Zairene.


"Hija..are you here to win Leux back again?" Direct to the point. Oo nga naman, gusto ko rin malaman.


"Yes, maa'm." She smiled. "Mahal ko po ang anak niyo. I never meant to leave him miserable.." Nakayuko si Zairene. I wanted to hug her and tell her she already won me back. Pero may pumipigil sa akin. "Leux, I love you. You know that right? Tiniis ko lahat para sayo. I just want you back.." Bigla siyang lumuhod. "Kung kailangan ko lumuhod hanggang bukas, luluhod ako.. I want you back."


Lumapit ako sa kanya at inalalayan ko siyang tumayo. I hugged her. Tight.


"Mahal pa rin kita. Okay? Hindi yon nawala, Zai. I still love you." Niyakap niya rin ako. I feel...contented once again. Parang nabalewala lahat ng pagka'miserable ko for the past 3 years. Nandito na ang rason kung ba't pa rin ako humihinga.


Si Zairene.


"I won't let you go ever..again." I felt her hug me back tighter.

"Akala ko hindi mo ko tatanggapin ulit.. I was beginning to lose hope when I saw you just stare at me.. Akala ko hindi mo na ako mahal.." Naramdaman kong umiyak siya sa balikat ko. "Akala ko..akala ko.."


"I love you." Nakita kong ngumiti siya. Ngumiti rin ako. Umalis na si Mom sa kinatatayuan niya, baka sasabihin niya na kay Erina. Oo nga pala, si Erina... "Gusto mo bang umupo?" Hinila ko si Zairene papasok ng bahay. We both sat in the couch. Nakatingin lang kami sa isa't isa.


Gusto kong ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon pero parang wala akong mahanap na tamang mga salita. Gustung-gusto kong isigaw yung nararamdaman ko ngayon pero ano nga 'bang isisigaw ko? Hindi lang kasi ako makapaniwala e. 4 months ago she told me she would be back. Alam mo ba yung pakiramdam ko nun?


Para akong nabunutan ng tinik.


Yun bang umaasa ka na babalik ang isang tao kahit sa likod ng isipan mo nag-aalala ka na baka makalimutan ka niya o baka hindi ka niya mahal. I'm trying to live my life right once again. Hindi naman talaga ako ganito noon e. I don't drink. I don't smoke. I don't go to clubs. Pero nung umalis siya, parang gumulo ang buhay ko, nawalan ng direksyon.



But now she's here in my arms again.


I pull Zairene and laid my lips on hers.


--


Erina POV


Ako na lang mag-isang kumakain sa dining area. Antagal ko kasi kumain. E andami kaya ng pagkain dito, pano na lang kung masasayang? Tsaka isa'isa ring natapos kumain lahat ng kasama kong kumain kanina. Nauna si Leux, sumunod si Ate Hera, then si Siena, tapos si Tita Serisa.


"Tapos ka na ba kumain, maa'm?" Oo, maa'm tawag sa akin dito, di ako sanay. Gusto ko Erina lang. Ah, ewan.


"Ah, oo.." Tumango ako tapos tumayo na para kunin sana yung pinakainan ko.


"Ako na po! Sige na po." Ngumiti na lang ako tapos hinayaan ko siyang ligpitin yung pinagkainan ko.


"Ah ano..Jaymee, tama? Pwede bang ako na lang yung maghugas ng pinggan?" Umiling si Jaymee.


"Kami na po. Mapapagalitan po kami e."


"Ganun ba.." Naglakad na siya papunta sa kusina at naiwan na naman ako mag-isa. Nakakalungkot naman sa bahay na 'to. =___= Laging naiiwan lahat ng taong mahina kumain. "Ay, anak ng!" Tumunog bigla yung cellphone na nasa bulsa ko.


Oo, may cellphone na ako. Ay ewan! Binilhan ako ni Ate Hera kahapon, kaya lang di ako sanay na may tumutunog sa bulsa ko e! Kinuha ko na yung cellphone at sinagot yung tawag.


Habang naririnig kong nagsasalita si Trina sa tenga ko---sinasabi niya na okay na raw si Echo at tapos na raw yung operation niya---naglalakad ako papuntang hagdanan para umakyat sa kwarto ko. Bigla akong napahinto.


Nakita ko si Leux na nakatayo at nakayakap sa isang babae. Medyo matangkad yung babae pero mas matangkad pa din si Leux, nakayakap rin siya sa kanya at ngiting-ngiti siya. Bigla silang bumitaw tapos hinalikan ni Leux yung babae sa noo.


Ouch.


Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na sila tinignan. Nagsasalita pa rin si Trina pero hindi na nakatapat ang cellphone sa tenga ko. Ewan ko kung ano nang sinasabi niya. Basta umakyat lang ako nang umakyat hanggang umabot ako sa kwarto ko.


Humiga ako sa kama at tinapat ulit yung cellphone sa tenga ko.


"Nandiyan ka pa ba, Erina?"


"Oo." Mahina kong sagot. Pero ewan parang sinagot ko lang. Ang labo, sorry.


"Okay ka lang ba..? May nangyari ba?" Ano, sasabihin ko ba nakita ko? Parang ayokong sabihin sa kanya yung nakita ko. Feeling ko kasi para akong mababasag o kung ano ba..


"Trina..bumalik na siya.." Ngumiti ako na parang masaya yung sinasabi ko. "Bumalik na yung...ex ni Leux.." Mahina lang yung Leux pero alam kong narinig yun ni Trina.


"H-ha..? Sinong ex?"


"Si Zairene.."


"Teka, paan---" Pinindot ko na yung end button at tinakpan ang ulo ko ng unan. 


"Ah, anak ng tipaklong palaka adobo sinigang baboy! Bakit ang sakit sakit?!" Hinigpitan ko ang pagyakap sa unan na hawak hawak ko. Bakit nga ba ang sakit sakit?


Paano ba yan, Erina..mapapaalis ka na ata sa trono ng pansamantalang palasyo mo.. So ano na mangyayari..? Di na tuloy yung deal? Huhulog-hulogan ko na lang yung 90 milyon? Kailangan na ba akong bumalik sa bahay ko at magpatuloy sa buhay na dinistorbo ng deal na 'to?


Wala ng rason.


Wala ng rason para hawakan ko pa si Leux. Wala ng rason para ituloy yung kasal. Nandiyan na yung hinihintay niya e.. Nandiyan na siya. Siya yung gusto niya. Hindi ako. E simula pa lang, hindi naman talaga ako. Alam ko naman talaga sa sarili ko na isa akong singitera sa tahimik na paghihintay ni Leux. Ako yung harang. Ako yung bato na nakaharang sa daan kung saan magkikita dapat sila ni Zairene.


Pero bakit parang ang sakit tanggapin?


Kasi hindi ako yung pinili niya? Kasi maiiwan na naman ulit ako? Lagi naman e.


"Hay..panahon na ata para magbalot-balot na ako.." Bumangon ako sa kinahihigaan ko at nilabas lahat ng damit ko na nasa cabinet. Nilapag ko lahat sa kama.


Kailangan ko nang umalis.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon