Chapter Three: "Leux"

11.3K 150 2
                                    

Na'bored na rin ako kaka'POV sa POV ni Erina, kaya kay Leux muna. Let's have a peek on whos is Leux Luciano. HAHAHAHAHA

Leux POV

♪ ♫ Wanted, future girlfriend. 

Medyo mahaba ang buhok 

Maputi, magaling manamit 

Huwag lang mga babaeng sosyal 

Simple, manonood ng sine 

Magkakape diyan sa tabi-tabi 

Siya pa ang manlilibre ♪ ♫

"Leux Alexander! Hinaan mo nga yan!" Narinig kong sigaw ni Mama mula sa ground floor. Hininaan ko na ang volume at humiga sa kama ko. Nakakainis na buhay naman, oo. Ipapakasal na daw ako.

Ini'enjoy ko pa nga buhay ko, e. Ayoko pa ng kabiyak sa buhay. At kung may magpapatino man sa pagiging playboy ko, hindi pa siya pinapanganak. Kasal? Hah, it ain't stopping me. Edi I'll cheat. Hanggang sa ma'annul ang kasal, edi I'm free.

"Hoy." Si Ate Hera.

"Uy, Heracross, ba't ka nandito?"

"Heracross ka diyan. Kumain tayo ng ice cream, libre mo 'ko. Gutom ako, e."

"May date pa ako mamaya."

"Leuxxxxxx, mamaya na yang babae mo! I thought I was the only woman you ever loved! Your sister!" I rolled my eyes, nandito na naman 'tong usapan na 'to.

"Of course you are. Pero maganda kasi siya Ate. Okay? And besides, you know you love me." Nag'puppy eyes pa ako sa kanya para bitawan na niya ang ice cream.

"Ayoko. You're going to meet your fiance tomorrow, don't be late ha. I heard mom say na maganda daw itong girl. I'm sure you'll like her."

"I'm not ready to settle any commitments!"

"I'm sure this time, Leux. Ito na yung babaeng magpapatino sayo; ang asawa mo." Tapos nag'evil laugh na siya. Evil talaga.

"Oo na, lumabas ka na. Bibilhan na kita ng ice cream para matahimik ka na."

"Yipee! You really love me, brother. Sige na, yung Reeces ha? Ayoko ng ibang flavor." Tapos lumabas na siya sa kwarto ko. Kainis. Kasal daw. Hah.

Tumayo na ako para umalis, baka pumasok na naman yung babaeng yun. Well, sige na nga, ibibili ko na siya ng ice cream, gutom rin naman ako. Fair enough. Kaya umalis na ako ng bahay at nag'kotse papuntang convenience store. Ayoko maglakad ng malayo, ayoko sa alikabok, ayoko ng usok, ayoko ng dirt, at higit sa lahat, ayokong tinititigan ako sa mata ng mga tao. Kaya mabuti nang mag'kotse ako, at least mabilis, walang abala.

Mamaya-maya, nakarating na ako sa convenience store malapit sa house. Well, 10 minute walk lang naman yun galing sa bahay. Ayoko lang talaga maglakad. Binili ko na ang request ni Ate hEra at bumili na rin ng cigarette. Nung nilapag ko na sa counter, ngumiti yung cashier girl saken.

"Ang gwapo.." Narinig kong bulong niya sa sarili. Nginitian ko siya. "Ang gwapo talaga..!" Binilisan niya ang pag'laser sa mga binili ko at pinasok sa cellophane, kasama ang receipt at ang number niya. "Sun yan, text mo ko ah? Hihi." Kinuha ko na yun at umalis, sabay wink sa kanya.

Mga babae talaga..andaling mauto, porke't gwapo na ang lalaki, ibibigay agad ang number. Maganda naman siya, e. But, she's not like those girls I dated before, yung marunong magdala ng itsura. I want girls who make themselves pretty for me. FOR ME and nobody else. Madami na rin akong na'date pero lahat sila, tapos lang sa isang gabi, I get their v-card, and then poof...babalaan ko na sila na lumayo saken or else hindi na nila ako makikita. Simple lang, diba?

Kaya ayoko pa magpakasal. I still like girls who throw themselves at me. Ayoko pang matali sa isang babaeng panghabambuhay. A girl who dates me only lasts 2 months. Kapag nag'extend ng 1 month..........hindi mangyayari yon, no extension. 2 months, tapos.

Binilisan ko na ang pag-uwi ko dahil naalala kong may assignment pa palang binigay yung Prof. namin sa amin. Well, kahit ganito naman ako, I am pretty good at my studies. Hindi ko naman pinapabayaan yung pag-aaral ko. Kaya kong maging rank 1, I can even achieve to be a valedictorian. Mayaman ako, gwapo, matalino. At oo, mayabang ako, dahil may maipagyayabang ako.

"Leux, bilisan mo! Matutunaw na yang Reeces ko!" Hinila na ako ni Ate at tumawa siya bigla.

"Anong tinatawa mo diyan?"

"Wala. Ini-imagine ko lang, pano kong asawa mo na ang hihila sayo? How good would that be! Diba?" I glared at her.

"Hindi ako mag-aasawa. That will never happen." Binuksan na niya ang container at sinimulang nilamon ang ice cream. My sister's a pig.

"Waf ka nga mafado congfishent dan!" Sabi niya ng may laman pa ang bibig niya. "Tomorrow's the meet and greet! I can finally have a permanent sister-in-law! Pati na rin si Siena!" Si Siena ang younger sister ko. She's 7 years old. Medyo maaga nag-asawa si Mom at Dad kaya ganyan. Hera is 4th year college right now, ako, 2nd year college at si Siena, Grade 2. Malayo-layo rin ang years namin ni Hera kay Siena, antagal kasi bumuo nila Mom at Dad.

"Kuya Lus?" I heard my sister's voice. I jogged to her and smiled.

"Hey, baby girl. Ice cream, you want?" Siena rubbed her eyes and smiled.

"Meron pa po ba?" Mahina niyang sabi tapos biglang nahiya. "Ate...can I make hingi your ice cream..?" Kinarga ko na siya papunta sa table at sinubuan ng Reeses ni Ate Hera.

"Sayo na lang 'tong ice cream ko, okay?" Sabi ko sa kanya para hindi na siya humingi. Nilagay ko na yun sa isang bowl at binigay sa kanya. "Kuya will be out muna, okay?"

"Will you smoke again...Kuya?" Napatigil ako. Matagal na ring alam ni Siena na naninigarilyo na ako pero ngayon niya lang ako tinanong tungkol dun.

"Yeah..baby, why?"

"Smoking is bad for your body....right? Wag ka na smoke. Bad yan." Ngumiti ako.

"No, Siena..I won't smoke anymore, just a little more..okay?" Tumango lang siya at kinain na ang ice cream niya.

Lumabas na ako at nanigarilyo. Nagsinungaling ako kay Siena, I won't smoke just a little more...hindi ko mapigilan ang paninigarilyo. It's more of a habit than an addiction. Ayoko kasi nang hindi ako nakakalanghap ng sigarilyo.

"Sabi mo, just a little more? Mukhang pangalawa mo na yan, ah." Narinig kong sabi ni Ate Hera.

"Isa pa lang 'to. At isa pa, hindi ko pa kayang tigilan."

"Adik ka talaga." Natigilan si Ate Hera. "Ah, nasa living room yung nanay nung pakakasalan mo, kakausapin ka daw. Bumaba ka na."

Ugh, why now. Sht.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon