Chapter One: "Erina"

24K 224 2
                                    

Ako si Erina Nievera. Isang magandang *ehem* dilag na 17 years old. No boyfriend since birth. Dahil? Wala. Ayaw ni nanay, e. Masunurin akong anak. Tsaka isa pa, nag-aaral pa ako. Anyway, nandito ako ngayon sa kwarto ko, ayaw ko lumabas, kulungan ko na nga 'to e. Walang lock ang pinto ko, kaya basta na lang pumapasok yung mga tao diyan. Nawalan na yan ng silbi. 

"Ina, kain ka na. Mamayang alas-dose ang klase mo, diba?"

"Oo na, kakain na. Sus, kung magpakain kayo.....e 9 am pa naman." Hindi ako pinakinggan ng nanay ko at pumasok na sa kwarto ko.

"Bakit ka pa nagpipinto? Wala naman 'tong lock."

"Alam ko."

"Kung makasagot ka, parang di mo 'ko nanay ah."

"Kung makasabi ka, parang di mo ko anak ah."

"Kain na tayo."

"K."

Yun lang. Hindi naman kami masyadong close ng nanay ko 'no? Hindi naman ako only child, e . As you can see, my sister is currently dealing with her work at the United States. May balak nga rin siyang dalhin ako roon pero ayaw ni Nanay. 

"You know what, Ina? You should eat now." Kinuha ko na ang kutsara ko at tinidor.

"Don't English me, I'm not graduation." Hinila ko na yung sinigang. "Sinigang na naman? Magiging Sinigang na tayo kakakain nito ah!"

"Wag ka nga reklamo ng reklamo, yung iba diyan, walang makain."

"So kapag kinain ko 'to, mabubusog sila?" Hindi na naman ako pinansin. Kumain na lang ako at ninamnam ang maasim na lasa ng Sinigang, magiging Datu Puti na ako nito. "Paki-explain Nay? Labyu."

"Ay, nag'ring yung telepono! Kunin mo nga, Ina." Aba, kung maka'utos, akala mo katulong ako!

"E nasa tabi mo lang naman yung telepono ah." Dinilaan lang ako ng tabachoy, sus kung hindi ko 'to nanay. HMPPPPPPPPPPPPH. "Magbibihis na po ako. Sige bye."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumasok sa kwarto ko. Pagkatapos kong maligo, magbihis, magsipilyo at magsuklay, lumayas na ako sa bahay namin. Ngayon araw na 'to kasi, hapon lang ang klase ko. Medyo okay na rin yun.

*

"Inaaaaaaaaaaaa~ ang tagal mo naman nakarating! Alam mo bang Mayo na!" Sabi ni Trina.

"Galing akong Abril." Tinignan ko yung iba kong kaklase at nakita ko silang may ginagawa sa papel. "Trins, ano yang ginagawa nila? Assignment ba yan sa Bio?" Nagkibit-balikat lang si Trina. "Wag mo nga akong kinikibit balikat diyan! Baka ma-minus tayo!"

"Hayaan mo na, malay mo, diary lang nila."

"Diary?! May diary bang may kinalaman sa CELLS ARE THE BASIC UNITS OF LIFE?!" Napakamot si Trina sa ulo. Kinuha ko agad ang notebook ko sa Biology, at dahang-dahan na lumapit dun sa mga kaklase kong may assignment.

"Huy, anong ginagawa mo?" Bulong ni Trina saken.

"Mangongopya! Obvious?"

"Oo."

"Ha?!"

"Nandiyan na si Sir Diaz, nakatingin pa nga sayo e."

"E ba't ka bumubulong?!"

"E bumubulong ka din, e!"

"Excuse me, Miss Nievera and Miss Seves? May problema ba kayo at nakatingin kayo sa notebook ng kaklase niyo?" Lumingon samin yung kaklase namin at napakunot ang noo.

"Ah, wala naman sir. Nakatingin lang ako, baka diary sinusulat niya........."

Pinalabas kami ni Sir Diaz dahil wala kaming assignment. Nakakaloka. Naglakad-lakad na lang kami ni Trina, walang imik.

"Bagsak na kaya tayo sa Bio?"

"Hindi naman siguro."

Tapos naglakad-lakad ulit kami. Nag'bell na nung narating na namin yung exit gate. Wala na akong klase. Yun lang. Biology. Ayoko ng pumasok, wala rin akong assignment, bakit pa? Papalabasin naman ako, e. Nag-aalala lang ako kay Trina, kasi maluha-luha niyang hinablot ang cellphone niya at tinawagan ang Daddy niya.

"Daddy?" Umiiyak pa siya. "Daddy, wala akong assignment!!!" Tinadyak niya ang paa ko nung sinabi niya yun, bruha. "DADDY PANO NA 'TO?! WALA AKONG ASSIGNMENT! BAGSAK NA AKO SA BIO!!!!!!! MALAKING PERCENT ANG ASSIGNMENT!!!" Tinadyakan niya ulit ako.

"Hoy Trina ang sakit na ha----" Tadyak ulit. Umiiyak pa rin ang bruha.

"Daddy, babagsak na ako, hindi na ako makakasunod kay Ate....yung promise niya sa akin na Forever 21 clothes! Daddyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...." Tadyak. "Daddy?" Binagsakan ata ng telepono.

"Ano raw sabi?" Umiyak lalo si Trina.

"Hindi niya raw ako narinig! Hindi niya suot ang hearing aid niya."

"Ay, anak ng.............." Akma ko na sana siyang sasapakin pero wag na lang.

"Halika na, libre kita sa McDo." Ngumisi ako, libre daw. HEHEHEHE.

At ayun nga, nilibre niya ako sa McDo nang...makita ko ang nanay ko, may kausap na isang babae at lalaki. May inabot na envelope.

"MA!" Tinawag ko. Hindi niya ako narinig. Pupuntahan ko sana pero hinila na ako ni Trina paalis. Mamaya ko na lang tatanungin. Bakit siya andito? Wala naman akong alam na raket niya rito. At hindi siya rumaraket. Hindi pa naman kami ganun kahirap. Diba? 

"Anong iniisip mo?" Nadistract ako ni Trina. Nakasakay na kami ng jeep pauwi.

"Wala." 

"Look? Yung sa Bio? Pwede natin mabawi points natin dun. Ako na ang bahala kay Sir Diaz." Nakita ko ang kinang sa mata ni Trina at nanlamig ako. 

"Trina..."

"Shut up."


Hindi na ulit ako nagsalita. Bumaba kami at naglakad na. Nakita ko ulit si Nanay. Ang bilis niyang nakauwi. Nagtaxi ba siya? Nakita niya ako. 

"Erina!" Naku po.

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon