Chapter Seventeen: "Love"

7.1K 100 0
                                    

C H A P T E R   S E V E N T E E N : Pagmamahal.

Recap:

"ERINA!" Bumukas ang pinto at tumakbo ang nanay ko sa loob. Alangan sa labas. =__= Okay, stop the biro. Conyo, ganun? "ANO KA BANG BATA KA, HA?! SAN KA BA NAGSUSUSUOT! AYAN! BALI-BALING BUTO! SAN TAYO KUKUHA NG PERA PARA SA OSPITAL MO! MAHIRAP LANG TAYO! AFFORD KO LANG ANG SINIGANG! JUSKO!"

"Sorry na po..." Di ko dapat sabihin ang rason kung ba't ako nandito. Secret lang dapat.. Hehe "Nasabit lang po ako sa alambre malapit sa park ta's gumulong-gulong ako sa kanal." Sagot ko. Sinungaling ako, e. Ngayon lang.

"Kahit kailan talag--"

"Ako na pong bahala kay Erina. Pasensya na po, Nanay." Ha?! Pumasok bigla si Leux sa kwarto ko, may sugat siya sa ulo.

***

"Ay, Leux! Anong nangyari diyan sa ulo mo, hijo? Masakit ba? Okay ka lang ba?" Kainis. Ako na may bali-baling buto, hindi man lang kinamusta..

"Okay lang po." Sabi ni Leux sabay ngiti sa nanay ko. Huh? Ngumiti si Leux Luciano? Weh?

"Sige, maiwan ko na muna kayong dalawa--" Tinignan ako ni Mama ng matalim. "--wag kayong mag-aaway." Tapos sinarado na yung pinto.

Awkward silence... Ano namang sasabihin ko? Okay lang ba siya? Kamusta na siya? Nasan na sila Wayne? Sinong nagligtas sakin? Urgh. Andami kong gustong itanong, kaso ayokong mauna ako.. Adik lang. Tsssss!

"Kamusta na ang mga buto mo?" Tanong niya sakin sabay upo sa tabi ng kama ko.

"Eto...mula sa 12, 8 na lang." Umiling siya tapos napatingin sa ibang direksyon. "E ikaw? Okay na ba yang ulo mo at napadalaw ka dito, huh?"

"Ewan ko kung ba't ako nandito." Sabi niya sabay tingin sakin. "Ni hindi ko nga alam kung bakit pa kita kinakamusta e. Ikaw naman may kasalanan kung ba't ka nandiyan." Ano?! Ako pa may kasalanan?!

"E sino bang may kaaway na frat? Ako ba, ha?!" Kainis lang. "O sige na! Ako na may kasalanan! Sorry ha! Sana di mo na lang ako iniligtas. Edi sana wala kang kinakamusta ngayon!" Nakatingin pa rin siya sakin.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Tumayo siya. "Hindi mo alam kung pano ako nag-alala sayo!" Tapos napatigil siya na parang nagulat sa sinabi niya. "Huh...wala."

"Anong sinabi mo...?" Tanong ko. Parang...parang may narinig akong alala.. Siya, nag-alala? Ewan. Di ko masyado narinig ang sinabi niya.

"Walang ulitan sa mga bingi." Tumalikod na siya at naglakad palabas.

Pagkasarado niya ng pinto, dumaan ang nakakabingi na katahimikan. Si Leux, nag-alala para sakin? Huh, kailan pa? Tugdug. Tugdug. Bakit naman siya mag-aalala para sakin? Di naman kami close... O baka naman crush niya ako? AYNAKO, ang ilusyunada mo talaga Erina.

May kumatok ulit sa pinto tapos pagkatapos ng ilang segundo, bumukas ito.

"Wayne...?" Naramdaman ko ang takot na bumalot sakin nung nakita ko siya, pero hindi lang takot...pati pag-aalala.

"Erina." Nakatulala lang ako sa kanya dahil hindi makagalaw yung katawan ko. Para akong nakadikit sa higaan ko. "Alam kong kahit mag'sorry ako, hindi mo 'ko mapapatawad sa ginawa ko sayo..." Yumuko si Wayne. "Hindi ko naman sinasadya, e..." Nakita kong tumulo ang luha ni Wayne. Hala, umiyak... Bakit siya umiiyak? "Sorry. Ginagawa ko lang naman 'to para sa Kuya ko, e. Pinatay ni Luciano ang Kuya ko..ni wala akong nagawa...kaya inisip ko, pag nakaganti ako sa kanya gamit ang mahal niya sa buhay, maybe I could feel satisfaction...pero hindi rin..dahil sinaktan ko rin...ang mahal ko..." Ano raw...mahal? "Mahal kita." Lumapit si Wayne saken. "Pero..kailangan ko nang lumayo sayo Erina, I'm not good for you.. I almost..killed you. I'm so sorry.." Lumayo na siya sa akin at naglakad palabas.. Tuluyan na siyang lumabas..at ako, tumulo na ang luha ko sa narinig ko..

Mahal ako ni Wayne..

Napabangon ako sa kama ko at tinanggal ang nakatusok sa akin na dextrose. Hindi ako papayag na umalis lang siya ng ganun ganun lang. Tumayo ako at nagsimulang maglakad kahit nararamdaman kong parang umaapoy sa sakit ang kalamnan ko..

Binuksan ko ang pinto at tumakbo palabas. Kailangan kong mahabol si Wayne. Kailangan. Bahala na. Walang pipigil sakin. Hindi ko pinansin ang mga tingin ng mga tao sa akin..

Nakita ko siyang naglalakad palabas ng ospital.

"Wayne! Sandali lang! Aray.." Napahawak ako malapit dun sa ribs ko. Parang nawawalan na ako ng lakas. "Please, Wayne! Sandali lang!" Pero hindi man lang siya lumingon..

"Maa'm, bakit po kayo lumabas?!" Inalalayan ako ng nurse. Nawawala ng unti-unti ang paningin ko. Hindi..hindi siya pwede umalis.. "Maa'm, bumalik na po tayo sa ward niyo."

"Hindi..si Wayne..." Sabi ko na parang batang hinihingal. Bakit hindi siya lumingon?

"Erina! Loka, ba't ka lumabas?!" Si Trina, tumakbo siya papasok ng ospital at papunta sa akin. Kasama niya si Echo.

Tuluyan ng dumilim ang paningin ko..


I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon