Chapter Twenty-Eight: "Sorry"

6.6K 107 4
                                    

Erina POV

Ayun naman pala e. Gigising rin si Echo, kailangan lang ng inspirasyon para buksan ang mga mata. ^_^ At ako naman, naka-upo lang ako dun sa mga upuan sa labas ng room ni Echo. Mag isa lang ako dun. Malayo-layo rin kasi yung inuupuan ko e. Nararamdaman ko yung OP e. Di naman talaga ako parte ng pamilyang yun. Dinala ko lang naman si Trina. Yun lang.

"A-ano..biik.." Nakita kong nakatayo si Leux sa harap ko pero medyo malayo-layo. Nakakunot ang noo niya.

"Pagagalitan mo ba ako? Ang ingay ko na naman ba? Ayaw mo bang tignan kita? Ayaw mo bang tignan ka bilang mahina na---"

"Sorry." Pagkasabi na pagkasabi niya nun, na'blanko na ang utak ko. Wala na akong maisip na ibang sasabihin. Bakit ba siya nagso'sorry?

"Huh?" Kinagat niya ang labi niya habang nilalaro niya ang mga kamay niya. Ano siya, bata? =__= "Ano bang pinagsasabi mo? High ka ba?" Bigla niyang sinipa yung upuan sa tabi ko. Baliw ba 'to?! "Hoy, ano bang ginagawa mo?! Adik ka---"

"Sorry, okay?! Ah basta sorry! Wag ka na magsalita! Ang ingay mo! Tsaka thank you!" Tapos naglakad na siya palayo sa akin.

Process...

Process...

Process...

Ano raw nangyari? Di ko na'gets. Sorry raw? Ang brutal naman ng sorry niya huh. Bakit kailangan pa ng mga masasakit na salita. =__= Sungit talaga forever. Uh-oh..teka wait sandali..si Leux Luciano...nagso'sorry sa akin..? Kailan nga ba yun nag'sorry? First time ah.

"H-hoy! Sandali nga!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumigaw. Anong ginagawa mo, Erina Nievera?! Ugh, baliw rin ako. Baliw kaming lahat! Baliw din kayo! Baliiwwwww.

Lumingon siya saken pero ngayon hindi na nakakunot ang noo niya, parang ngumiti siya pero nakatago na. Tapos na. Wala na. Ah..okay? Ano yun..?

"Sorry din!" Para lang kaming mga bata. =___= "Ah, whatever! Sorry na nga!" Tumalikod na ako at naglakad papuntang exit. Uuwi na ako.

Parang yun lang naman ata ang hinihintay mangyari ng katawan ko e. Baliw na katawan. Baliw na author. Baliw na characters. Baliw na POV. Baliw, baliw. Baliw. Ba't nga ba ako nandito sa role na 'to? Kabaliwan!~

Pagkalabas ko sa exit, tinuloy-tuloy ko ang paglalakad kahit umuulan. Kanina pa umuulan. At oo, magpapa-ulan ako. Worth it mabasa sa ulan dahil para ka na ring nagpaparaya sa sarili mo.. Minsan na nga lang ako nagpapa-ulan e. Nalulungkot ako bigla pag nababasa ako.

Pero ngayon, ang saya ko.

Ang saya saya ko..

"Do you want to be the next patient, pig huh?!" Nakatayo si Leux malapit sa pinto ng exit door. Nakatingin siya saken.

"E ano ngayon?!" Sigaw ko mula sa malakas na ulan. Binehlatan ko siya at nagpatuloy sa pagpapabasa sa sarili ko. "Kung maligo ka rin kaya sa ulan! Ang saya kaya 'no!" He rolled his eyes at me. Nakatayo pa rin siya sa malapit sa pinto.

"I don't like the rain." Tumigil ako sa pag ikot-ikot sa sarili ko at tinignan siya.

"Bakit naman?" Ngumiti siya bigla.

"If I tell you..would you let me kiss you?"

--

Echo POV

"You're quiet, huh?" Nakaupo lang si Trina sa harapan ko. But she's not saying anything. It was an awful silence. Nakakabingi rin yung katahimikan na yon. "Di ako sanay."

"Narinig mo ba yung sinabi ko kanina?" Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. Nakayuko lang siya. "Yung mga bagay na sinabi ko about...how...I... Basta, narinig mo ba?"

"Pano kung oo, will you look at me now?" Tinaas niya ang ulo niya at tumingin saken.

"Tell me about it, Echo." Nakatingin siya sa mga mata ko. Tell her about what?

"About what I heard?" I quickly smiled. Inalala ko lahat ng sinabi niya kanina-nina lang.

"Echo..gumising ka na diyan! Bakit ka ba nakapikit ha?! Alam mo bang bawal..pumikit pag kausap ako? Gumising ka na kasi.. I-explain mo yung card na binigay mo at yung sinabi mo sa huling stanza nun.. Sabihin mo saken, in love ka na saken 'no? Gusto ko sayo manggaling.." I hear an achingly familiar voice trying to wake me up. Trina..? "Gusto ko sabihin mo saken na nai-inlove ka na saken. Gumising ka na diyan tapos magsalita ka na! Ayoko ng tutulog-tulog! Gumising ka na please.." I felt her hand squeeze mine. She's here.. huh, she's really here.. "Ano ba! Gigising ka ba o hindi?! Gusto mo bang sagutin ko si Erik, huh?! Liligawan niya ako, alam mo ba?! Akala ko ba boyfriend pa rin kita?! 9th day pa lang oh! May isang araw pa.. Dapat gumising ka na.." Gusto ko nang imulat yung mata ko at yakapin siya..pero pano..parang nanghihina ako.. No, Echo. You need to wake up and tell her what you feel. Gusto mo bang maging huli ang lahat? Ayokong mapunta siya sa Erik na yon..

No.

I slowly opened my eyes and saw a girl lying by my bedside..

"Wag ka ngang ngingiti-ngiti diyan, just tell me what you heard." She bit her lip. "Sabihin mo lang saken kung ano yung---"

"Sabi mo saken mahal mo ko." It came out on my mouth without hesitation. Ba't pa ako magsisinungaling sa sarili ko? "You told me to explain the card I gave you, right?" Tumango siya. "Hmm, di ko na kailangan i'explain yun Trina Seves.." I looked at her. "Ano pa bang gusto mong sabihin ko?"

"Tell me what you feel about me, Echo." I took a deep breath and sighed. Kailangan ko nang sabihin ang mga salitang dapat sinabi ko na noon..

Kapag hindi ko pa 'to nasabi baka mahuli pa. Baka maagaw pa siya. Baka mawala pa siya. I wouldn't dare let her go. Baka kapag di ko pa sinabi ngayon, di ko na masabi pa sa susunod. Ngayon lang ako nakaramdam nito, it's really making me crazy ever since then..

I slowly reached for her hand and squeezed it.

"Mahal kita, Trina Seves. Mahal na mahal kita."

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon