Chapter Eighteen: "His Lips"

7.3K 110 0
                                    

A/N: Para sa bestfriend kong loka-loka at sa kanyang mga kabaliwan na talagang mapapatawa ka. Salamat sa lahat ng pagpapatawa, sa libre, sa katangahan, sa sikreto, sa tiwala, sa pagmamahal, sa friendship. Makahanap ka man ng ibang kaibigan, I don't care. I know I'm better than them. Wahaha, joke. Edi maghanap ka. Love pa rin kita. Kahit na ang sungit mo na at kahit ang kikay mo at ang boyish ko. I will miss you Krim. :-*

Also to Paola, Pat, Khanna, Kim, Angela, Queenie, Victoria, Kristin. :)

Trina POV

Tinawagan ako ni Auntie Rowena kanina lang. Sabi niya naaksidente daw si Erina. Forever tanga na talaga kasi that girl, e. Kaya pupuntahan ko siya ngayon. Baka kasi malala, ako lang makapag-pagaling sa kanya. Ahaha, parang doktor lang..

"Sa'n ka pupunta, Trina?" Si Dad. In'adjust ang hearing aid niya.

"Sa friend ko po, naaksidente daw." Nag'nod si Dad tapos bumalik sa pagbabasa ng newspaper. Okay. Ready to go na ako.

 Lumabas na ako ng house at pinara yung taxi na kadadaan lang. Hindi huminto. Urgh. May taxi ulit na dumaan, and this time, before pa siya makadaan sa harap ko, pinara ko na. Huminto..tapos tumakbo papunta sa harap ko. Nice.

"Maa'm, san po tayo?" Tanong ni manong nung nakasakay na ako.

"Sa Ruiz Doctors Hospital." Sabi ko tapos umandar na yung taxi.

"Maa'm, medyo ma'traffic na po kasi kung sa highway tayo dadaan. Baka po sa--"

"Wherever, manong." Pag-eepal ko. "Basta makaabot agad tayo doon, okay?" Kung saan-saang shortcuts dumaan yung taxi hanggang sa huminto sa isang kanto, nawalan ng gasolina?

"Naku po. Nasira po ata ang sasakyan." Lumabas si manong tapos binuksan yung hood. Umusok yung hood. Tsss, ngayon pa ako masisiraan kung kailan gusto ko ng bisitahin yung loka-lokang yun. Kainis namen.

"Sige na lang po. Bababa na lang ako." Bumaba ako at naglakad papunta malapit sa isang bar. Or a club? Wait. Dito kami sinama nila Echo at Leux before! Ayz. Ano 'to? Sign?

Ta's may narinig akong kumakanta mula sa loob ng bar, ang aga naman magbukas neto..

'At yayakapin kita, ng walang hanggan
Bumuhos man ang ulan na walang hanggan
Bumuhos man ang ulan
Hindi na
Hindi na
Bumuhos man ang ulan'

Teka, sa Green Rose 'to diba? Kinanta ni Jericho Rosales... Urgh, e nickname niya, Echo diba?

"So ano 'to Lord? Sign na naman?" Ano ba meron? Wala naman akong hinihingi ah.

"Miss, nawawala ka ba?" May huminto na lalaki sa harap ko.

"Ah, hinde.. Naghihintay lang ako ng masasakyan." Gwapo siya huh.. Ngumiti siya bigla.

"Gusto mo, ihatid kita?" Tinuro niya yung sasakyan na nakapark malapit sa isang puno. "I have my car just right there. I can take you wherever you want to go." Umiling ako.

"Hindi na. Okay lang." Pakipot pa Trina, para naman di ako easy to get 'no. Mamaya baka rapist pala 'to. Gwapo lang. Hehe

"Sige, maiwan na kita. May gagawin pa ako." Sabi niya tapos umalis na. What! Ganun lang yun? Ano ba yan. Andali mag give up. Bibigay na sana ako, e. Sus, chicken naman pala yun e.

"So, ako na lang ang maghahatid sayo?"

"Ay, palaka!" Napasigaw ako. =__=

"So, we meet again huh? Ano ba yan? Lagi ka na lang nagpapahatid saken?"

"Ang feeler mo. Lumayas ka nga, maghihintay pa ako ng taxi."

"My car looks free, you know? Hatid na kita."

"Kahit wag na. Lagi na lang ganito ang scenario pag nandiyan ka."

"Kasi nga, kung ngayon, sa ospital pa kita dadalhin, sa susunod, sa puso ko naman." Korni talaga. Pft.

"San mo naman yan natutunan? At pano mo naman nalaman na sa ospital ako pupunta?"

"I know you quite well." He smiled. Jusko po, wag niyo naman ako ibigay sa lalaking 'to! Lagi na lang niya akong nahahagilap sa kalye! Urrrrgh.

"You just think you do." He shrugged. Tapos hinila niya bigla ang kamay ko. "Hey!" Tuluyan na niya akong hinila papunta sa kotse niya.

"Yeah, I think I do." Sabi niya sabay bukas ng passenger seat. "Get in."

At para akong robot na sumunod sa sinabi niya. Hey?! At kailan pa ako naging sunud-sunuran niya?! Oh my God. Trina Seves never obeys orders!

Pumasok na rin siya sa driver's seat at pinaandar ang kotse.

"Mabuti na lang pala, natakot ko yung lalaki na hindi ka ihatid sa kotse niya." Tumawa siya.

"Sana pala, hindi na lang ako nagpakipot." Bulong ko. Kainis. Hindi naman pala natakot yung guy na ihatid ako. Natakot siya kay Echo. Urrrgh.

"What? Haha! Nagpapakipot ka pala? I never knew you do that to guys, huh." Di ko siya pinansin. "Trina Pakipot." Sabi niya sabay tawa.

"Shut up."

"You can't get guys when you're being hard to get."

"Who said I was getting guys, ha?" Tinignan niya ako.

"Hindi mo na kailangan gawin yun, nakuha mo na ako."

"Ano?!" Tanong ko. Tumawa siya.

"Walang ulitan sa mga bingi."

"Whatever, Echo." Huminto na ang sasakyan at mabilis akong bumaba.

May guy na dumaan before ako nakapasok sa door ng ospital. Pagpasok ko, nakita ko si Erina na  nagst'struggle na makatayo na parang may hinahabol. A nurse tried to stop her. Pero parang ayaw niya magpapigil. Bakit siya nandito sa labas?!

"Erina! Loka, ba't ka lumabas?!" Tumakbo ako papunta sa kanya at inalalayan siya. Echo followed after me.

Tapos nahimatay siya on the nurse's arms.

"Kami na po ang bahala." Sabi nung nurse, at inalagay si Erina sa isang stretcher. Sinundan ko yung nurse at pumasok kami sa isang room. Must be Erina's. "Kailangan po namin maitahi ulit ang kanyang mga sugat. Babalik po ako agad. Pakibantayan na lang po. Tatawag lang po ako ng doktor." Lumabas na yung nurse at umupo ako sa tabi ni Erina.

"Loka-loka ka talaga. Sino bang hinahabol mo?" Sabi ko kahit alam kong nakapikit ang mga mata niya. "San ba si Leux? He should visit her."

"Busy yun." Sagot ni Echo sa akin.

"She's his fiance, even a 5 minute visit could help."

"You don't know what you're saying." Pagsabat ni Echo sa akin.

"Bakit, ano bang ginagawa niya?" Tanong ko.

"tama na yan..." Narinig kong sabi ni Erina beside me. Mahina lang ang boses niya. "Ang sakit ng kalamnan ko..." Ungol niya. Tapos hinawakan niya ang kamay ko. "Si Wayne... Si Wayne..Trina." Paulit-ulit niyang sabi.

"Sino ba yan?" Tanong ko. At sino na naman yang Wayne na yan?

"Lumabas na po muna kayo.." Pumasok ulit yung nurse at kasama niya ang isang doktor.

Tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto. I sat on the chairs beside the room. Nalulungkot ako.. Para kasing behind those words na sabi ni Auntie Rowena sakin, I smell something fishy. Parang may tinatago si Erina saken. Kung nahulog man siya, bakit may Wayne? Sino yun? She should at least tell me.. Right?

Naramdaman kong may humila sa akin and within 3 seconds, I felt my lips crushed onto someone's.

Si Echo.

I'm YoursWhere stories live. Discover now