Chapter Thirteen: "Revenge & First Dates"

7.8K 103 5
                                    

                                  C H A P T E R    T H I R T E E N : Revenge and First Dates.

"Erina, gumising ka na! Tanghalian na!" Minulat ko ang mga mata ko at tinignan yung wall clock na nakasabit sa may pinto ko; 8 am. May bago na palang oras ng tanghalian. O----KAY.

Tumayo ako at naramdaman ang oozy feeling sa tiyan ko, parang umiikot ang tiyan ko. Uwaaaaa. Ano nga bang kinain ko kagabi?! Ah---tama. Cake. Maraming-maraming cake. Parang wala akong gana kumain...I feel like ugh.

"Ma, may gamot ka sa umay?" Tinignan ako ni mama taas hanggang baba.

"Bakit, ano bang kinain mo?" Naniningkit niyang tanong.

"Cake."

"Sinong may birthday?" Sus, inintindi pa ang may birthday kaysa sa tiyan ko.

"Ano kasi....may dumating akong bisita kagabi tapos binigyan ako ng cake."

"Uminom ka ng mainit na tubig tapos kumain ka na." Yun lang ang sinabi niya tapos bumalik ulit siya sa paglilinis ng cabinets. "At oo nga pala, darating si Leux mamaya, date niyo raw."

"Ah okay." Binuhos ko ang maaligamgam na tubig sa baso at uminom. Naglakad ako papunta kay Mama at humarap sa kanya. Teka....

....

....

....

"ANO RAW NAMIN?!" Lumabas lahat ng tubig sa bibig ko at nagsipuntahan lahat kay Mama. Para siyang basang baboy ng madatnan ko ang itsura niya. "Ano..sorry po."

"First date niyo para sa 100 dates......." Nakasimangot siyang umalis sa harapan ko at pumasok sa loob ng kwarto niya. Sorry naman 'no. Gulatin ba naman ako habang umiinom ng tubig.

At syet lang, bakit ngayon pa? Ayokong makita siya. Ni pangalan niya ayokong marinig. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya saken? Tapos may date pa. Sinuswerte ata siya. No way ever. Psh.

"Magbihis ka na Erina, darating na siya within 1 hour! Ke-payat-payat mo na bata ang kupad kumilos!" Padabog akong pumasok ulit sa kwarto ko para maligo at magbihis. E ano pa bang magagawa ko? Edi magbibihis na lang. Sino bang mae'excite para makita siya? =__=

Nagsuot na lang ako ng Blue checkered na polo na may t-shirt na black sa loob at tsaka skinny jeans. Havaianas na lang ang sinuot ko kasi di naman ako pala'heels at ang init ng doll shoes. Hindi naman kasi mala'porma, at sa kasamaang palad, wala akong fashion sense. Huhuhuhu.

At ang dami-dami ko pang sinabi. Blahblahblahblah~

Isang oras na din ang lumipas. Sabi ni mama within 1 hour?! Sinungaling talaga yung mataba na yun! Tapos 30 minutes...tapos another 30 minutes...edi 2 hours na...

"Tsk, papasok na ako ng kwarto ko, wala na 'tong date na 'to." Kainis, wala palang date! Pinaghihintay lang ata ako sa wala e. 11 am na. It's not like gusto ko rin 'to.. pffft.

Magwa'walk out na sana ako papuntang kwarto ko nang may marinig akong steps na papasok sa bahay. Crap, edi mas lalong kailangan kong kumaripas papunta sa kwarto ko!

"Hoy." Nasabi niya bago ko pa natulak ang pinto ko. (Oo, de-tulak na ang pinto ni Erina XD) "San ka pupunta?" Napatayo na lang ako sa harap ng pinto ko. Nakatalikod ako sa kanya.

"Sa impiyerno, gusto mo sumama?"

"Nakakatawa, Erina." Tugdug. Tugdug. Bakit parang bumibilis ang tibok ng puso ko nung sinabi niya ang pangalan ko? Mamatay na ba ako? "Halika na." Naglakad siya palabas tapos huminto, humarap ulit siya sakin. "At bilisan mo, turtle." Grrr, kainis. Sabi na nga ba. 

I'm YoursWhere stories live. Discover now