Chapter Twelve: "Revenge & A Cake"

7.6K 113 7
                                    

A/N: Weeeeh, wag kayo maniwala sa end of the world na yan. =)) May sardinas pa kami na next week pa mag-eexpire. Pero if ever man, sana na'enjoy niyong basahin ang storyang ito na wala nang ibang ginawa kundi umasang mapasaya kayo. :'3

Erina POV

Bakit ganun?! Bakit ba tuwing vulnerable ako ay wala akong magawa pag hinahalikan niya ako?! Puro lang naman siya looks, e. Puro kagwapuhan. Bakit nakakabaliw ang kiss niya?! Bakittttt?!

Nasa bahay na ako ngayon, yung totoo kong bahay. Umuwi ako ng wala sa oras kagabi. Hindi ko na siya nagawang masampal kagabi dahil magsasayang lang ako ng energy. Gusto ko na nga maiyak kagabi, e. Ano bang ginawa ko sa kanya? Wala naman diba. Bakit parang andali lang sa kanyang kunin ang first kiss ko like it was nothing

At bakit lagi ko na siyang iniisip lately?

"Aray ko." Nasambit ko nang naramdaman kong may nagtapon ng kung ano man sa ulo ko. Napatingin ako sa bintana, kasi nga naka-upo ako sa bintana, anobey.

"Busy ka ba?" Si Wayne! At paano niya naman nalaman ang bahay ko? "Tara, labas tayo."

"At paano mo naman nalaman ang bahay ko, Mr. Wayne?" Di ko alam ang apelyido e. Sorry na.

"Hindi ko nalaman ang bahay mo, ang address mo." At pinilosopo pa ako? "Bakit parang malungkot ka?"

"Wala."

"Anong wala? Bumaba ka na lang nga dito." Naka'lean lang siya sa kotse niya. Hindi ko nga namalayan na nandun siya. "Bilis na, I only have 30 minutes, Erina." At dali-dali naman akong bumaba, kahit na alam kong naka'pajamas lang ako.

"Anong gagawin natin?" May kung ano siyang kinuha mula sa kotse niya, at pagbalik niya, may dala na siyang malaking box ng Goldilocks.

"Gusto mo?" Binuksan niya ang box. "Cake."

"Baka maumay pa tayong dalawa niyan, kawawa naman tayo."

"Ikaw lang naman kakain nito, e." Tapos ngumiti siya. Loko 'to, ako lang ang mauumay?!

"So gusto mong ako lang ang maumay mag-isa?" Hindi na siya nagsalita at kinuha ang isang piraso ng cake, naka'cut na yun isa-isa at naka'plastik para mahawakan. Tinanggap ko naman. "Baka may lason to 'ha?"

"Trust me." Sabi niya sakin at hindi ko namalayan na nakatingin na ako sa mga mata niya. "Ano, sobra pa akong gwapo?" I stuck my tongue at him at kinain na lang yung cake.

"So pano mo nga pala nalaman ang address ko? Stalker ka ba?"

"Pinagtanong-tanong ko lang."

"So anong sinabi nila sayo? Yung mukhang binombang bahay ni Rizal?" Tumawa siya.

"Hindi naman. Sabi nila yung pinaka odd na bahay sa lahat."

"Okay. Sige na, kami na yung puro kahoy lang ang bahay, sila na ang de-semento!" Kumuha pa ako ng isang slice.

"That's not too bad." Ngumiti siya sakin. "Mas unique naman ang babaeng nasa tabi ko." Okay so I iz kilig ryt naoooo.

"Korni mo." Ngumiti siya ulit. Nauulanan na ata ako ng ngiti dito dahil sa kanya. "Banatero ka na, ganun?"

"Ikaw kasi, e. Ikaw lang ata yung babaeng nagsabing korni ako."

"Korni naman kasi talaga."

"Di mo pa nga sinasabi kung ba't ka malungkot." Tsk, kala ko pa naman nakatakas na ako dun. Psh. "Hindi mo naman kailangan sabihin kung ayaw mo, diba?" Tumingin siya sa relo niya at tumingin sa akin with a sad look on his face. "Looks like kailangan ko nang umalis."

"Ah, ganun..." Yun na lang nasabi ko. Sayang, akala ko makakausap ko pa siya ng mas matagal. Mas masarap pala siyang kausap kung nasa matinong lugar kami. At dinalhan niya pa ako ng cake. "Salamat sa cake."

"No prob. Bigay saken yan ng isa sa mga..." Tumingala muna siya sa langit bago tumingin saken. "admirers ko. Ayoko naman itapon...kaya ibinigay ko na lang sayo. Na'enjoy mo naman, diba?" Siguro kung si Leux ang nagsasalita ngayon, mayayabangan ako. Pero pag si Wayne...it feels natural.

"Ah, oo. Thanks sa admirers mo.."

"Good mornight, Erina. Sweet dreams, sleep tight.." At pumasok na siya sa kotse niya. He sped off after a few seconds at naiwan ulit akong mag-isa. Hawak-hawak pa rin ang box ng Goldilocks.

"Bukas ko na lang 'to uubusin." Sabi ko sa sarili ko bago ako pumasok sa loob.

--

Wayne POV

"San ka na naman ba nagpunta, ha? Alam mo bang kanina pa namin hinahanap?!" Hero scolded me through my phone.

"I was doing something, alright." Palusot ko.

"Pumunta ka na dito."

"Palapit na ako." And I pressed the end call button. I parked my car inside the garage. "Oh, pasensiya na talaga."

"San ka ba nagpunta?" Jace asked me. I shrugged.

"Somewhere."

"Where the fck is somewhere, Wayne?"

"Hindi naman big deal kung san ako nagpunta, nandito na ako, okay?" They all rolled their eyes at me. "Sige na, ano bang susunod?"

"Let's kidnap his loved one." Hero spoke. "Tapos patayin natin kahit na magpunta pa siya o hindi." I smiled. That was what I was thinking.

"At sino naman ang kikidnapin natin?" Alex asked Hero.

"May papakasalan siyang babae in less than 5 months. We'll kidnap the girl. I'm sure importante ang babaeng yun sa kanya." Tinignan ako ni Hero. "You will be the one who'll kidnap the girl, k?" Tumango ako.

"Then it's settled." Jace said.

"Maipaghihiganti na natin ang pagkamatay ni Rafael." Said by Alex. Ngumiti siya sa akin. "Mararanasan na niya kung pano mawalan ng mahal sa buhay."

"Leux Luciano better be ready."

I'm YoursWhere stories live. Discover now