Chapter Five: "It Will Always Be Her"

9.5K 119 5
                                    

A/N: PAKINGGAN NIYO YUNG VIDEO SA SIDE. :)

C H A P T E R F I V E : IT WILL ALWAYS BE HER.

Leux POV

"Magbihis ka na daw. Pupunta na kayo sa bahay ng fiancee mo." I groaned. Nakatayo si Ate Hera sa may pintuan ko at hinihintay akong tumayo. "Leux, bilisan mo nga! Such a turtle." Pumasok na talaga siya at tinapunan ako ng unan.

"Oo na, sandali lang.. 5 minutes." She rolled her eyes at me at lumabas ng kwarto ko. I should lock my door sometime. Nakakainis. Oo, ayoko ng mga taong dinidistorbo ako pag natutulog.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at naligo, bago pa pumasok ulit si Ate. Ayoko pa naman na pinapaulit-ulit ang mga sinasabi. Ayoko ng paulit-ulit. Nakakairita sa tenga. Binilisan ko ng maligo at lumabas. What should I wear? Casual clothes? A v-neck shirt should be good. And jeans, at siguro a pair of Vans shoes. Okay na yan. Makikita ko lang naman yung babae, not a big deal to get dressed to kill.

"Leux Alexander! Are you done? Let's go!" Pinihit ko na ang pinto at lumabas. I haven't even had my breakfast. Tapos aalis na agad? Ganun ba talaga ka'importante yung babaeng yun para magising ako ng 7 am? Ugh. And it's Sunday.

"Nandiyan na po." Bumaba na ako sa hagdanan. Nakita ko si Siena na kumakain and patted her head. "Good morning, baby." She smiled at me then waved.

"Bye bye Kuya." Tapos lumabas na ako ng bahay. I head on the car, nandun na sila mom at dad. Then I felt my phone beep on my pocket.

'I'm going back in 1 month! Aren't you excited 'Der? I love you.'

Ngumiti ako. She's back. Matagal ko rin 'tong hinintay.

"Medyo may kalayuan ang bahay nila, pero malapit lang sa school mo."

"Okay."

"Treat her nice."

"I won't promise anything."

"Leux..."

"You know I don't like this." I saw my Mom's eyes, her eyes went sad. "I'm sorry. I was just telling the truth." Kahit alam ko ang rason kung bakit ginagawa ko 'to, it still pissed me off. I didn't like it. Ayokong pinipilit saken ang bagay na ayoko.

"Okay lang. I just wanted you to do this for me. Just for me, anak. I love my bestfriend." Ngumiti siya for a second then nawala ang ngiti niya. "Do this also for your lolo, para may magmamana na ng company niya pagdating ng panahon."

"I'm just a 2nd year college student, ma."

"I know. Malapit ka na ring maging 3rd year, and by then, you'll turn 19, then yung anak ni Rowena, she'll be 18 by then." She smiled at me. "Tapos after both of you graduate, we'll have the church wedding." Hindi na ako nagsalita.

20 minutes later, dumating na din kami sa bahay nila. It's kinda old and somewhat big. Gawa sa kahoy. As in yung paisa-isang binuo para makagawa ng bahay. Pang-mahirap na bahay. Andami sigurong alikabok diyan. I got out of the car and explored more of the house's appearance. Parang bahay ni Rizal, pero medium-sized. Mas malaki pa bahay namin, 5x more bigger. Ang yabang ko, alam ko.

Kumatok na si Mom sa pinto, 1 minute later, binusan ito ng isang matandang mataba na babae. Ito na ata yung Aling Rowena. Pinapasok kaming lahat sa salas niya. Umupo lang si Dad, si Mom at tumabi ako sa kanya. Hindi nagsasalita si Dad 'cause he knows how I feel. Kaya go with the flow lang siya. He respects my emotions. Kaya tahimik lang siya.

"Rowena, ang lusog lusog mo na, ah!" Sabi ni Mom.

"Oo nga Serisa, e. Malusog pa rin at maganda!"

I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon