Chapter Seven: "100 Dates"

8.4K 140 1
                                    

A/N: Infairness, naka'4 votes ako. Aynako, love na love ko na talaga kayo! Kuntento na ako na may nagbabasa nito. Heehee, pero ang pangarap ko talaga, makita man lang 'to sa Home ng Wattpad. Wala lang, ang taas ko mangarap, chapter 7 pa lang nga 'to e. Ang layo pa. Sorry naman. THANK YOOOOOU GUYS! Hayaan niyo, pagka'chapter 10 nito, ide'dedicate ko isa-isa sa fans ko.

At oo nga pala, favorite chapter ko ang CHAPTER SIX. Wala lang, share. =))))

C H A P T E R S E V E N : 100 DATES

Bakit na naman bumalik yung ugok na yun dito?! Alam niya bang mainit pa ang dugo ko sa kanya?! Ano na naman ang gagawin niya?! Ano na namang sasabihin niya? Na ang taba ng nanay ko at puro cholesterol ang katawan niya? Na ang pangit ng taste ko at wala akong fashion sense? Na bakit nag-aaral pa ako e wala naman akong utak? ANOOOO PAAAAAAAAAA.

"Mama, ang sakit ng ulo kooooo, grabe! Pwede bang sabihin mo bukas na lang? O sa susunod na buwan? Parang brain tumor na ata! Di ko na kaya tumayo.. huuuu." Pag-iinarte ko kay Mama. Humiga ako para masakitin effect.

"Manahimik ka nga diyan! Para sa halik, brain tumor na? Tigilan mo ako ha. Baka i'wrestling kita palabas ng kwarto mo!" Pumasok si Mama sa kwarto ko at ayun nga, wala ng choice.

"Oo na tabachoy, lalabas na, layas na sa kwarto ko." Tinakpan ko ang ulo ko ng unan tapos humiga ulit.

"Erina, bilisan mo nga diyan, nagmamadali ata 'to si Leux kaya bilisan mo!" Sino ba kasi yan para bumangon ang Prinsesa Erina? Pssssss. Bumangon na lang ako at nagtungo sa sala. Nakaupo si Leux dun sa sofa at halatang naiirita na.

"Kailangan ba talagang magka'appointment para lang kausapin ka?" Tanong niya saken nung humarap na ako sa kanya.

"Oo, prinsesa ako e." Gusto ko sanang isagot. "Sino ka ba para bumangon ako? Isa ka lang hamak na mayamang gwaping na walang ibang ginagawa kundi lumandi!" Gusto ko rin sanang isagot.

"Anong kailangan mo?" Yun na lang sinagot ko, baka magkagulo ulit, mahalikan pa ako ulit..

"Nandito sana ako para humingi ng sorry." Tumayo siya tapos tinignan ako. "Pero dahil antagal mong lumabas, hindi na ako hihingi ng sorry." He smirked. "You deserve it. Pasalamat ka, hinalikan pa kita. Alam mo bang only a few girls gets a kiss from me?" Tapos tumawa siya. "Because they always kiss me first."

"Ang yabang mo. Pwede ba, kahit hindi ka mag'sorry, hindi pa rin kita patatawarin." Tinignan ko siya from head to toe. "Dahil...first kiss ko yon." Natigilan si Leux.

Tapos he grinned.

"So?" Tanong niya na para bang wala lang yung sinabi ko.

"Anong so?! Baliw ka ba?!" Napaupo ako sa sofa. "Baliw ka na talaga!" Naramdaman kong tumulo yung luha ko. Bwisit. Ang manhid! Di pa siya hihingi ng tawad?! Oo nga pala, hindi ko pa rin siya patatawarin, lalo na dahil a kiss in the rain ang gusto ko, at sa taong mahal ko 'to gustong gawin.

"Anong gusto mong gawin ko? Bawiin ko sayo?"

"Umalis ka na!"

"Hindi lang naman yang ang pinunta ko dito, e." ANO PA?!

"ANO PA?! NA ANO?! ANG SAYA SAYA MO DAHIL NAKUHA MO NA FIRST KISS KO?! NA ANG SWERTE-SWERTE KO DAHIL ISANG LEUX LUCIANO PA ANG FIRST KISS KO?!" He frowned a bit.

"Wala naman akong sinabing ganyan, ah." Umupo na rin siya sa sofa. "Bakit ba? Alam ko bang wala ka pa palang nahahalikan na lalaki? Do I look like I know?"

"Pero rude ang ginawa mo saken. You should at least say sorry!"

"Bakit pa? Hindi mo rin naman ako patatawarin. What's the point?"

"Point mo mukha mo! Lumayas ka na nga! Baka ipakain pa kita ng buhay!" Magwa'walk out sana ako nung bigla siyang nagsalita.

"Erina Nievera, you will have 100 dates with me." Natigil ako sa paglalakad. Hinarap ko siya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Anong 100 dates? Ni makausap ka ayaw ko, date pa?!" Tumayo siya at naglakad palapit saken. Napa'atras ako ng napa'atras dahil palapit naman siya ng palapit! Hanggang pader na ang nasa likuran ko, at siya naman ang lapit lapit na sa akin, then he put his hands on either sides of my head. Nilapit niya ang mukha niya sa akin, halos isang metro na lang, mahahalikan na niya ako, at ang tangkad niya ha para idungo pababa yung mukha niya saken, pasensya na, maliit ako e.

"May magagawa ba ako, ha? Ni makita nga ang mukha mo, ayaw ko, tapos date pa?" Ganun na ba talaga siya ka'harsh at 'mukha' ang ginamit niyang term?

"Yun naman pala, e. E ba't pa natin gagawin?"

"Walang natin dito, remember that. It's only you." Oo nga pala, ginagawa ko 'to for myself. Walang natin, walang kami. Kailangan ko na ata mag-aral ng tagalog. Nilayo na niya ang mukha niya sakin at naglakad papunta sa pinto. "Yung lang pinunta ko dito." Tapos lumabas. Hindi talaga nag'sorry ang ugok. Deserve ko daw yun, hala. Kapal ng mukha. Ang yabang.

Pero infairness, ang gwapo niya mag'smirk at mag'grin. Pero yung simpleng smile ba, hindi niya kaya? Hindi pa ata ngumingiti yun. ATA lang naman. E andami nung babae, sus naman, imposible. Napangiti na siguro siya ng isa sa kanila. Kahit kailan kaya....may sineryoso pa kaya yun?

Nakalimutan ko ata yung nanay ko, ah.

"Ma?" Tawag ko, pero walang sumagot. Umalis ata papuntang kapitbahay. Tsismosa kasi yun.

Baka alam na din ni Mama yung tungkol sa 100 dates. Kajirits naman, 100 dates? Nakakainis na, ha. May kasal na, may dates pa? Ano sila, sinuswerte? Hindi ko na nga matagalan ang ugali ni Leux sakin, e. Hindi siya mabait! Ang sungit niya. Ang yabang pa. Tapos kung makatingin siya sa bahay namin kanina, para bang nandidiri. OA naman.

Hayaan mo Leux, gagawin kong impiyerno buhay mo. Hehe

-----------------------------------------------------------------------------------------------

VOTE, COMMENT & FAN! ♥

I'm YoursWhere stories live. Discover now