EPILOGUE

3.4K 86 7
                                    

Lahat ng dumadaang unos sa buhay natin ay isa lamang itong trials na ibinigay ng d'yos para malampasan natin at maging isang taong matatag  tayo kahit na lugmok na tayo sa sakit. Katulad na lamang ni Emy, ang reyna ng kadilaman na ginawa ang lahat at naging masamang nilalang sa kadahilanang nabigo at nasaktan ito sa pag-ibig.

Nananalangin ako na sana malampasan nya ang pagsubok na ibinigay ng d'yos sa kaniya at sana makakahanap din siya ng lalaking magpapasaya sa kaniya at tatanggapin siya ng buo kahit masama pa siya.

Kami ni Rhei? Gano'n pa rin, masaya ang buhay namin ngayon dahil wala ng humahadlang sa pagmamahalan namin.

"Mommy tara sa garden may ipapakita ako," napalingon ako sa anak ko na hinila-hila ang kamay ko.

Umakbay ako sa kaniya tyaka sabay kaming pumunta sa garden dahil may ipapakita nga daw siya.

"Ano ba kasi 'yong ipapakita mo?" tanong ko sa kaniya. Nagkibit balikat lang siya sa tanong ko.

Pagkarating namin sa garden ay gulat akong inilibot ang paningin ko sa buong garden. Maraming nakakalat na baloons na kulay violet at pink sa paligid tyaka may nakalatag na pulang karpet at may nakakalat na maraming rose petals. Mayroon ding lamesa na may nakapatong na kandila, 'yong upuan at gilid ng lamesa ay napapalibutan ng mga lobo.

Biglang sumulpot si Rhei sa harap ko na naka porma, naglalakad siya papalapit sa pwesto ko na ngiting ngiti. Napahawak kaagad ako sa bibig ko ng bigla itong lumuhod sa harapan ko. May dinukot siya na pulang kahita sa bulsa niya.

Myghad! alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig kaya naman  kinikilig na ako sa mga moves niya.

"Will you marry me?" Kaagad na tanong niya sa akin.

"Yes!" nakangiting sagot ko. Hindi na ako nagpakipot dahil gusto kung mapanindigan sa kanila na may forever.Tyaka mahal ko si Rhei,ito lang naman ang isa sa mga gusto ko kaya bakit magpapakipot pa ako?Pabebe lang?

Agad syang tumayo at hinalikan ako sa labi,nakarinig naman ako ng palakpakan sa paligid namin kaya napabitaw agad ako sa kanya.

 "Nahiya kapa,ito lang naman ang gusto mo eh."pang aasar sakin ni Rhei kaya kinurot ko ang tagiliran nya,humalakhak naman sya sa inasta ko.

 "Malandi ako Rhei pag dating lang sayo,pero pag nasa harap ng iba may kahihiyan din ako."asar na bulong ko sa kanya. Tawa lang sya ng tawa na parang tanga,kung hindi ko lang to mahal sinapak ko na sya.

 -*- 

 Dalawang buwan na ang lumipas at ngayon abala kami sa pag aasikaso ng kasal namin ni Rhei dahil bukas na gaganapin ang kasal namin. Excited ba ako? Syempre naman dahil isa ito sa mga pangarap ko na makasal sa taong mahal ko.

 "Handa kanaba sa honeymoon natin honey?Ako kasi excited na eh,hihihi"pang aasar ko sa kanya.

 "Gusto mo yatang e advance natin ang honeymoon?Nagpaparinig ka na eh."Aniya kaya napahalakhak ako.

 "Ay gusto ko yan honey,tara na"saka ako humiga sa kama at bumukaka,agad nya naman akong sinaan ng tingin kaya napabangon ako agad. 

 "Napakalandi mo talaga ano?"tanong nya.

 "Sayo malandi ako hihihi."sagot ko at lumapit sa kinaruruonan nya.Agad akong umupo sa binti nya at pinulupot ang braso ko sa leeg nya.

"Gusto mo ng example honey?"bulong ko sa tenga nya,lumunok lunok naman sya na parang pinipigilan na matangay ng kalandian ko. Dahan dahan kung nilapit ang mukha ko sa mukha nya at hinalikan sya tinanggap nya naman ang halik ko kaya napangisi ako. 

 *BLAAAG* 

 Napakalas agad ako sa paghahalikan namin ng Rhei ng bumukas ang pinto ng ubod na lakas.

My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now