CHAPTER 16

2K 59 0
                                    

CHAPTER 16

Napakadaming tao este bampira pala sa bulwagan.

Lahat nakasuot ng magagandang damit mapa babae at mapa lalake man yan.

Pansin ko lahat ng bampirang babae mahahaba ang buhok at nakakaingit ang ganda nila.

"Rhei wag mo ko iwan dito ha baka mawala ako."sabay kapit ko sa braso ni Rhei hihihi,mahirap na baka maagaw sya ng mga malalanding bampira isa na doon si Ysiad.

Nakita ko namang napalingon si Ysiad sa dereksyon namin.

Waaaah narinig pa niya yun e ang layo layo nya?

Nilakihan ko agad sya ng mata at nginitian nya nanaman ako.

Feeling maganda,eh maganda naman talaga sya nakakainis.

"Tanggalin mo nga yang kamay mo sa braso ko.Naglalandi kananaman ba?tigilan mo na baka ipalapa kita sa mga kapwa ko bampira."aniya tyaka tinanggal ang kamay ko sa braso nya.

"Ang sama mo talaga,ikaw nalang ang lalapa sakin pwede pa mag ienjoy pa ako hihihi."sabi ko kaya inirapan nya ako tyaka padarag na tinanggal ang kamay ko sa braso nya.

"Hanap ka ng landiin mo wag ako hindi kita type."ang sama nya talaga.

"Hi bago ka lang yata dito?"napalingon ako sa lalakeng nag salita,ang gwapo din nya.

Hindi ko pinansin ang lalake dahil nagtatampo ako sa pag taboy sakin ni doc huhuhu.

"Anong pangalan mo?"tanong ulit nya,ang kulit nya naman.

"Kim"sagot ko pero nakatingin parin ako kay doc na nasa gilid ko na parang wala man lang pakialam talaga sakin.

"Mahal na hari pwede ko bang maisayaw itong si Kim?"napalingon ako sa lalake at ngiting ngiti naman ito.

"Tara sayaw tayo,wag kang magpaalam dyan hindi ko naman yan kilala."sabay kapit ko sa braso ng lalake.

Kung ayaw mo sakin doc edi sa iba nalang,gwapo din naman to eh hihihi.

Niyaya nya naman ako sa gitna,bigla akong nahiya dahil andaming nakatingin samin na parang sinusuri kami.

"Wag mo na silang pansinin nagagandahan lang yan sila sayo"aniya kaya napatawa ako.

Naalala ko sa kanya ang dating Rhei na hindi pa masungit.

Nagusap lang kami ng kung ano,panay ang tawa ko dahil nagpapatawa sya,ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

"Khaela right?"tumango naman at ngumiti.

 "May boyfriend ka?"tanong agad ni Khaela.

"Wala pero may anak na ako."sagot ko na ikinagulat nya.

"Ha?hindi halata na may anak kana."gulat na sabi nya.

"Meron na talaga akong anak."nakangiting sabi ko sa kanya.

"Sino ang ama?"

"Huh?ahmm ano basta comlicated pa eh."nahihiyan sagot ko.

"Ayy ganun ba?"napapahiyang sagot nya din.Hindi na sya ulit nag tanong pa.

Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw,mamaya lang nagulat ako ng biglang nilagay ni Khaela ang buhok ko sa tenga,bigla akong namula sa ginawa nya.

"Ahhm ano sala--"

"Yang kalandian mo kahit saan saan mo dinadala,asikasuhin mo ang anak mo."saka nya ako hinatak pa alis sa gitna ng sayawan.

Hindi ko na tuloy magawang mag paalam ng maayos kay Khaela dahil bigla akong hinila ni doc.

"Ano ba!bitawan mo nga ako,hindi pa ako nakapag paalam kay Khaela."pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa braso ko.

"Makapag paalam o makipaglandian?"bulyaw nya sakin na ikinagulat ko.

"Bat kaba nagagalit ha?ikaw narin naman ang nagsabi na maghanap ako ng lalandiing iba"

 "Talagang pinanindigan mo ang pigiging malandi mo."sigaw na sakin,parang maiiyak naku sa bawat panlalaki ng mata nya sakin.

"So malandi na agad ang tingin mo sakin?"

"Yun ang pinapakita mo!"sigaw nya ulit kaya tumingala ako sa langit at kinurapkurap ang mata ko para hindi bumagsak ang luha ko.

"Ay sorry ha?sorry sa pagiging malandi,sorry kung palagi kitang nilalandi.Pasensya na talaga,pangako hindi na mauulit."saka ako tumalikod sa kanya at dun na bumagsak ang luha ko.

"Kim come back here!"tawag nya pero hindi ko sya nilingon pa,nasaktan ako sa sinabi nyang malandi ako.

Malandi na agad kapag nakikipag sayaw lang sa ibang tao?

Tae sya,kung malandi pala ako sa paningin nya mas mabuti pang lumayo sa kanya.

"Kim"nilingon ko sya sa pag hablot nya ng braso ko.

"Bitawan mo ko"cold na pagkakasabi ko sa kanya,nabigla sya sa inasta ko."Pagod nakung magparamdam ng pagmamahal ko sayo,ayoko na Rhei,suko na ako."saka ko kinalas ang kamay nya sa braso ko.

Napahinto ako sa paglalakad when he hug me from behind.

 "Kim"bulong nya sa tenga ko,kinalas ko ulit ang braso nyang nakapulupot sa bewang ko.

"Let me go please?i don't want to hear your explanations"walang emosyong sabi ko sa kanya,lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko.

Bweset na lalakeng to kung kelan nag eemo ako saka naman sya mag lalambing.

Pero bwahahaha kinikilig ako eehhhkkk tumatalab na yata ang karisma ko kay doc hihihi.

"Bitawan mo na ako."seryoso kunwaring sabi ko at lalo nya pa akong niyakap.

Eehhhkkk anebeneyen parang mangingisay naku hahahaha.

"I'm sorry"bulong nya sa tenga ko kaya napapakagat labi ako sa subrang kiliti na nararamdaman ko.

"Sorry na nga sabi"aniya

"Wala akong paki sa sorry mo!sayo nalang yan at ibulsa mo."bigla nya akung hinarap sa kanya,pero nakayakap parin ang mga braso nya sa bewang ko.

"Ikaw naman kasi nakikipaglandian kapa sa iba."seryosong sabi nya tyaka ako tiningnan sa mata."Sorry na,ako nalang ang landiin mo ha.AKO LANG AT AKO LANG DAPAT."tyaka bumaba ang mukha nya sa mukha ko,im excited hihi

"Mommy"

Parang gusto kung batukan ang anak ko sa pagtawag nya sakin.

Yun na eh,yun yung part na matagal ko ng inaasam na udlot pa.

"Nasan ba ang nag babantay sayo ba't sulpot ka ng sulpot?"biglang sigaw ko kay Rheim.

"Uwaaaah"biglang iyak nya kaya nataranta ako,takte naman napaka iyakin.

Binuhat naman agad ni Rhei si Rheim na umiiyak parin sa balikat nya,bigla akong tinapunan ng masamang tingin ni Rhei dahil sa pag sigaw ko sa bata.

"Lets go inside"sabi nya sakin.

"Ituloy natin mamaya ang naudlot nating paghahalikan ha?hihihi"bulong ko at sinamaan nya agad ako ng tingin.

Sabi nya sya nalang landiin ko tapos sasamaan nya ako ng tingin?

Psh bipolar doctor nga talaga sya.

Nahulog na kaya sya sakin?

Bwahaha excited na tuloy ako sa mga pamatay nyang linya pag nagkataon.

My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now