CHAPTER 21

2K 48 3
                                    

CHAPTER 21

Nagising ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko.

Bampira ako tapos nagugutom?

Half human half vampire pala ako.

Lumabas ako ng silid para mapaghanap ng makakain,habang naglalakad patuloy nanaman sa pag ikot ang mata ko.

Hanggang sa makarating ako sa Gold na pintuan na gusto kung malaman kung anung meron sa loob.

Luminga linga ako sa paligid baka may makakita sakin dahil sabi ni Nikita ipinagbabawal ng hari ng pasukin ang kwartong ito.

Agad kung hinawakan ang siradura tyaka dahan dahang binuksan,papasok ng sana ako ng may kumalabit sa likod ko.

PATAY!

"Diba sinabi ni Nikita na bawal pasukin ang kwartong yan?"sabi ni Danvie.

"Nahulog kasi ang pakaw ng hikaw ko,gumulong sa loob ng kwartong to."pagpalusot ko pero tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Ang sino mang lumalabag sa ipinagbabawal ng hari ay may kaparusahan na maaasam."seryong aniya kaya kinabahan ako.

"Wag mo naman ako isumbong sa hari Danvie,friends na tayo diba?"pang uuto ko pero tinalikuran na nya ako.

HALA!IM DOOMED!

Patuloy lang ako sa pag sunod kay Danvie,deretso lang talaga sya hanggang sa pakapasok kung saan naroon ang hari at reyna.

"Kamahalan kasama ko na po sya ngayon."sabi ni Danvie.

Waaaah ang lakas ng tibok ng puso ko,isusumbong na nya ako,may pagka sipsip pala 'tong si Danvie.

"Ihanda mo na ang iyong sarili iha."sabi ng hari.

Ipinaghahanda na ako ng hari para sa parusa ata huhuhu.

"Bakit po?"kinakabahang tanong ko,tiningnan nila ako ng seryoso kaya mas lalo akung kinabahan paksheet.

"Ikaw ay kelangang pumasok sa paaralan ng Stoudesvalle para malaman mo na kung paano gamitin ang iyong kapangyarihan,kasama mo sina Danvie,Ysiad at si Nikita."nakangiting aniya kaya nawala ang kaba ko.

"Graduate na ako ng high school mag aaral na naman?"sagot ko kaya tinawanan nila ako.

"Mag aaral ka para mailabas at matutunan mo ang tamang pag gamit ng kapangyarihan mo iha,at kelangan mo ring matutong humawak ng sandata para sa nalalapit na digmaan."mahabang usal ng hari.

May digmaan namagaganap?

Bumalik na ako sa kwarto ko,kinulit kulit ko si Danvie sa pagpapasalamat dahil hindi nya ako isinumbong sa hari,akala ko pa naman may pagka sipsip si Danvie hindi pala.

Nang sumapit ang alas syete ng gabe nag ayos na ako ng sarili ko dahil papasok na daw kami sabi ni Nikita kanina ng dumaan sya dito,magkita nalang daw kami sa labas ng palasyo.

"Ayusan na kita"sabi ni Ysiad ng makapasok sya.

"Bakit ko pa kelangan mag ayos?"takang tanong ko.

"Iba ang kulay ng mukha mo samin,kapag may makahalatang bampira na isa kang half human hindi kana maabutan ng araw kinabukasan."aniya tyaka kinuha ang foundation sabay lagay sa mukha ko.
"Ayan ok na,tara na."tumango nalang ako.

Ang sexy talaga ni Ysiad,parehas kami kasi kaming naka fit na black legings na kumikintab,tapos naka black fitted na damit.

Ang hilig nila sa black.

"Wala tayong sasakayan?"tanong ko sa kanilang tatlo ng mapansin kung naglalakad lang kami.

"We can teleport if we wan't,stupid"sabi ni Danvie.

Maka stupid to sakin,sipain ko kaya sya ng stupid.

 "Ikaw na ang hindi stupid Danvie"sarkastikong sabi sa kanya na ikinatawa nila.

"Wow!sigurado ba kayong dito tayo mag aaral?"manghang tanong ko,tumango lang sila sanhi ng pag sangayon."Grabe naman ang laki at ang lawak.Yung paaralang pinapasukan ko dati wala pang bente ang mga silid tapos dito ganito kalaki?gaganahan ako mag aral nito hehehe,pero teka wala tayong papel at ballpen."

"Nasa loob ang lahat ng kakailanganin sa pag-aaral"sagot ni Nikita.

Nang makalapit kami sa gate pinapila kami ng gwardya.
Kasunod ako ni Ysiad,ayaw ko kasi mauna gusto ko munang tingnan ang gagawin ni Ysiad.

"Pangalan?"tanong ng gwardya.

"Ysiad Tomenio"sagot nya tyaka may lumabas sa machine na nasa gilid ni Ysiad na parang ID.ANG GALING

"Pangalan?"tanong sakin ng gwardya.

"Kim Leewitzkie"tapos may lumabas na ID,kinuha ko agad yun at tiningnan.Wala pang picture pero nakasulat na ang pangalan mo.

Sinabi din nila Nikita at Danvie ang mga pangalan nila at katulad samin din ang ID nila.

"Teka bakit parehas ng kulay ang id nyo?"

 "New student ka kasi tyaka hindi mo pa alam gamitin ang kapangyarihan mo,kami alam na namin,nag aral lang kami ulit para may kasama ka"sagot ni Nikita,nag 'Ah' nalang ako sa kanya.

Naglakad ulit kami tapos lumiko tyaka pumasok sa isang room ng picturebooth ata.

"Waaaah ang ganda naman ng mata mo ate kulay orange."sabi ko sa babaeng nag aassists samin,naiingit ako sa mata nya dahil sakin itim.

Pumwesto si Ysiad sa parang bilog,nakapatong sya,nilagay nya yung id sa may butas tapos nag smile sya at nag flash agad.Kinuha nya agad yung nilagay nyang id.

"Pwede ba akong mag wacky?"tanong ko,umiling naman sila huhu mas trip ko kasing mag wacky para naman kakaiba.Ginaya ko din ang ginawa ni Ysiad tyaka ako nag smile na labas ang giligid tapos biglang nag flash kaya nagulat ako.

Kinuha ko agad yung id tyaka tininggan ang picture ko at waaaah ang panget ko,nanlalaki kasi ang mata ko na halatang gulat na gulat.

Lumabas kami tyaka pumasok nanaman sa panibagong room,kinuha namin ang mga gamit na nakapangalan samin.

Nang ma kompleto na namin lahat pumasok kami sa isang buildin na sobrang laki.

"Dito na ba tayo mag aaral?"tanong ko ulit sa kanila,ako na si matanong haha.

"Ito ang dorm natin,doon tayo papasok."turo ni Ysiad sa mas malaking building.

"Hala,you mean dito tayo titira?hindi pwede walang magbabantay sa anak ko,mag drop nako."

"Nasa palasyo sya kaya hindi mo kailangang mag alala,marami syang bantay doon."sagot ni Nikita.

"Kelan ang uwi natin?"nilinga linga ko ang mata ko sa paligid ng may makita ang mata ko."Rhei?"usal ko agad tyaka tumakbo palabas ng building para makasiguradong sya ba ang nakita ko pero nanlumo agad ako ng madaming bampira ang mga dumaan.

Hayy!na miss ko tuloy si Rhei,paano ko ba naman sya makikita eh patay na pala sya.
Pinahid ko agad ang luhang tumulo sa pesngi ko,nakainis ito nanaman ako sa pagiging emosyonal ko.

Sumunod nalang ulit ako sa kanila.Kada room may apat na kwarto,sakto lang samin,pinili ko agad ang pinakadulo na tanaw ang field sarap kasi tumitig doon kapag naiinip ako.



My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon