CHAPTER 30

2.3K 54 0
                                    

 CHAPTER 30

"Well sorry ka dahil ang empyernong ginawa mo sa isang tulad ko ay hindi ako tinanggap,ikaw siguro ang dapat na masunog sa impyerong ginawa mo."ngising ngising sabi ko sa kanya na ikinasama ng mukha nya.

"Mayabang ka."galit na usal nya.

"Ganyan talaga,mayabang lang ako pero hindi ako kasing sama mo."pang aasar ko sa kanya,alam kung pikon sya kaya paniguradong magagalit sya kapag sa ganitong paraan.

Tumayo ako sa pagkakasalampak sa lupa saka kinuha agad ang espada ko.

"May paraan pa naman para matigil itong kaguluhan,sumama ka sa'kin Kim,ako ang asawahin mo,magiging masaya tayo"aniya na parang maamong tupa.

"Talaga ba na magiging masaya tayo?"tanong ko sa kanya at tinggal ang pagkakangisi sa labi ko.

"Oo naman,maniwala ka sa'kin basta't sa'kin kalang,tayo ang magpapakasal."sagot nya.

"Ahmm,anong akala mo sa'kin tanga?parang kumuha lang din ako ng bato para ipampokpok sa ulo ko.Hindi ako tanga Gerard,hindi ako kasing tanga mo.Pakasalan mo ang kaluluwa mo'ng demonyo"bigla nya akong inatake.

 "Woah easy,masyado kang high"saad kung ng walang tigil nya akong inaatake gamit ng espada nya.

"I kill you"saka ito patalong tumalon at malakas na inihampas sa gawi ko ang espada nya,inihampas ko din ang espada ko para masangga ang atake nya.

"Good luck,sana mapatay mo nga ako"ngising saad ko,agad syang sumipa kaya umatras ako.

Hampas sya ng hampas at atras lang ang ginagawa ko habang nakasangga parin ang espada ko sa espada nya kada atake nya.

Nang makahanap ako ng tyempo malakas kung hinataw ang espada ko kaya tumalsik ang hawak nya.

Sinugod nya ako ng sipa at suntok,itinapon ko sa gilid ang hawak kung espada para patas ang labanan.

Biglang syang gumawa ng apoy sa kamay nya at tinapon sa dereksyon ko kaya umiwas ako.Tapon lang sya ng tapon,iwas lang ako ng iwas.Patakbo ulit nya akung inatake at tumalon sa likod ko at malakas akong sinipa,ngunit agad akong nag dive at ginamit ang kanan kung paa sa pagsipa kaya nagkasanggaan ang mga paa namin.

Sinipa nya ang isa nyang paa kaya malakas ko syang sinapak.

 Nasapo nya agad ang panga nya natamaan ko.Galit nya akong sinugod tyaka sunod sunod na inatake gamit ang suntok at sipa.

Hindi narin ako nagpaligoy ligoy pa,buong lakas ko syang inatake.Sinipa ko sya ng ubod ng lakas at tinamaan ito sa mukha,hindi ko na hinintay na makatayo pa sya,inatake ko sya ng sunod sunod na sipa at suntok.

Tatayo na sana sya kaso agad akong patalon na sumipa kaya napahiga agad ito sa lupa.

Agad itong nag dive patayo tyaka sinugod ako.
Sinuntok nya ako kaya inunahan ko agad sya,hinawakan nya ang kamay ko at iniikot iyon na sinabayan ko ng talon para hindi nya magawa ang gusto nyang mangyari.

Agad na nag iba ang kulay ng mata nya tyaka lumabas na ang mga pangil nya,ganon din ang ginawa ko,naging pula na ang mata ko.

Mabilis syang sumugod at kumalmot kaya nakalmot ang braso ko,sugod sya ng sugod na sinasabayan ko ng sipa at suntok.

Determinado talaga syang mapatay ako kaya lahat ng galit ko umakyat sa ulo ko.

Agad akong tumalon sa at ibinaon ang kamay ko sa dibdib nya.

Napaluhod agad ito,malakas kung dinukot ang wala nyang kwentang puso.

"Gerard"malakas na tawag ng isang babae,ngumisi ako dahil nakita ko ang nilalang na gustong gusto kung patayin.
"Pinatay mo ang kapatid ko ahhhh"malakas na sigaw nya at agad akong sinugod.

"Kapatid ko pa nga lang ang napatay ko eh,ikaw nga buong pamilya ko inubos mo."galit ding sagot ko sa kanya.

"Dapat lang sa mga walang kwentang katulad nila ang mamatay,hindi na dapat sila nabubuhay."aniya kaya sinugod ko sya at malakas na sinipa sa dibdib na ikinatalsik nya.

 "Isa ka din namang nilalang na walang kwenta,wala ibang ginawa kunti ang maging masama at pumatay ng mabubuting nilalang.Dapat din sa mga katulad mo pinapatay."lahat nanaman ng galit ko ay napunta sa ulo ko.Lumabas na din ang pangil at matutulis kung koko.

Tumayo sya tyaka ako sinugod,malakas syang tumalon sa gawi ko at sinipa ako.Umatras ako at patalon ding sumipa na naiwasan nya.Magaling din pala sya sa ganitong labanan dahil mas malakas syang umatake sakin kesa sa kapatid nya.

"Hindi ko akalaing ang magagandang nilalang nakatulad mo ay may ugaling disperada.Maganda ka nga pero wala man lang nag kakagusto sa isang katulad mo,how sad.Pati ang lalakeng nakatadhana sa'kin ay pinagtatangkaan mo pang patayin.Nakakaawa ka"saka ulit ako ngumisi,kitang kita ko kung paano nag iba ang expression ng mukha nya.

"Ahhhh kung wala ka ay dapat masaya ako at mapapasakin si Rhei.Isa kang napakalaking punyeta na dumating sa buhay ko.Mang-aagaw ka."hiyaw nya kaya humalakhak ako.

Magkapatid nga sila ni Gerard,parehas pikon.

 "Sino sa ating dalawa ang mangaagaw Emy? ako na nakatadhana na kay Rheim ayon sa lumang propesiya o ikaw na pinalitan ang propesiya para sayo maikasal si Rhei at sa'kin ikakasal ang walang kwenta mo'ng kapatid? alam mo hindi kalang disperada eh,kunti isa karing inggrata."napakuyom sya ng kamao nya sa mga sinabi ko.

"Anong ikakainggit ko naman sa isang tulad mo?"saka nya ako tiningnan mula ulo hanggang paa"Hindi kanaman kagandahan,kahit katiting nakagandahan ay wala ka."sabi din nito sa akin kaya tinaasan ko sya ng kilay at dahan dahang lumapit sa pwesto nya.

"Yes Emy,I admit I have no beauty.But,"saka pa ako lumapit sa kanya at dindutdot ang noo nya"I have my own style to build your insecurity"madiing dugtong ko.

"Fuck you!"hiyaw nya tyaka ako inatake ng sipa at suntok.

Tatawa tawa akong umilag sa mga atake nya at ng makakita ako ng tyempo malakas kung hinila ang dalawang braso nya patalikod tyaka buong lakas na sinipa ang likod nya.

"Accrrkk"daing nya ng tuloy tuloy ang pagsadsad ng mukha nya sa lupa.

"Let go of me!"sigaw nya ng hilain ko ay buhok nya ng malakas.

"Alam mo bang kunting kunti nalang ang pasensya ko na meron ako ngayon?kaya sagadin mo pa ako lalo,hinding hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo"nanlilisik ang mga mata nyang nakatingin sa'kin.

"Hindi mo ako madadala ng pagmamatapang mo!"saka nya hinila ang braso ko kaya tumambling ako sa harap nya.Sinipa nya ako ng malakas kaya ginamit ko ang kaliwang paa ko at nag back dive at malakas na nagpakawala ng suntok sa mukha nya,agad tumulo ang dugo nya sa ilong.

"Damn you!"gigil na aniya.

Mabilis nya akong sinugod ng makalapit sya sa pwesto ko agad kung dinaklot ang leeg nya at sinakal ito,ramdam kung bumaon ang mga koko ko sa leeg nya dahil umagos ang dugo doon.

"Lagi mong iisipin na maaaring may kahihinatnan ang mga kasamaang ginagawa mo ngunit hindi lahat ng ginagawa mo ay maganda ang impak sa mga katulad ko.Kung akala mo uunlad ka sa mga kasamaang ginagawa mo,nagkakamali ka.Hinding hindi ka uunlad,hindi ka mag-iimprove Emy."saad ko.

 "Masyado ka kasing binulag ng pagmamahal Emy kaya ka naging ganyan,masyado kang nakafocus sa taong hindi kanaman gusto.Iniubos mo ang oras mo sa kanya kahit yung totoo wala naman syang pakialam sayo.Kahit hindi ka nya gusto pero patuloy mo padin na ipinagpipilitan yang sarili mo kaya ng tinanggihan ka nya nilamon kana ng galit mo,puro kasamaan ang tumakbo sa isip mo na gusto mung gawin sa mga taong nakapaligid sa mahal mo.May napala kaba sa mga ginagawa mo?siguro nga may napala ka dahil napatay mo ang mga magulang ko,pero napasayo ba sya Emy?"biglang tumulo ang luha nya,alam kung nagagawa nya lang to dahil nasaktan at nabigo sya sa ngalan ng pag-ibig."Uso mag move on Emy,pero paano ka makakamove on eh nakafocus kapa din sa taong di ka naman pinapahalagahan,sa taong di ka naman gusto,wag kang tanga Emy, alam kung maraming nagkakagusto at nagmamahal sayo pero hindi mo lang sila napapansin at nakikita dahil nabalot na ng puot at galit yang puso mo."patuloy na saad ko.Biglang umamo ang mukha nya at umiiyak sya.  

 "Alam mo ba kung bakit ka nasasaktan?Na ayaw nya sayo dahil hindi ikaw ang gusto nya in short hindi ka nya mahal.Tumingin ka sa mga taong nagpapahalaga at nagmamahal sayo at doon mo sa kanya e focus ang atensyon mo,dahil kahit anong sama mo tatanggapin at tatanggapin ka nya Emy,dahil sya ang tunay na makakapag bigay ng ligaya at saya d'yan sa puso mo.Si Rhei?isa lang syang trials na ipinadaan sayo ng dyos para matuto kang bumangon at magmahal muli ng iba kahit na nireject ka nya.Matuto kang magpatawad at tanggapin ang pagkakamali mo,lalong lalo na,matuto kang tanggapin ang mga bagay na dapat ay mapapasaiyo at hindi mapapasaiyo.Lahat tayo may taong nagmamahal sa'tin,kung nasaktan kaman parte lang yan ng buhay natin.Hindi natin masasabi na nag success tayo sa buhay kapag hindi tayo nakakaranas ng paghihirap,sakripisyo at sakit.Mag bago ka,magpatawad ka,tanggapin mo na hindi sya mapapasayo at subukan mung buksan muli yang puso mo,dahil kapag nagtagumpay ka jan isa ako sa hahanga sayo Emy"umiyak sya sa tuhod nya. 

 "Ang tanging magagawa mo lang Emy ay tanggapin ang pagkakamali mo at mag move on.Look for someone that would love you the way you love him.You need to start a new life and find someone better than him,cause if you just waste your time and thinking magbabago ang lahat kapag naging masama ka,masasayang lang ang oras mo na makakilala ng taong magmamahal at magpapasaya sayo.Try to look back,good luck and start a new life."nakangiting saad ko sa kanya tyaka sya tinalikuran.

"Salamat"aniya kaya napatigil ako sa paglalakad ko,humarap ako sa kanya tyaka binigyan sya ng matamis na ngiti.

"Walang anuman,bestfriend"saad ko at nagulat ako ng bigla syang tumakbo sa gawi ko at niyakap ako ng mahigpit.

Sinuklian ko din sya ng mahigpit na yakap,umiiyak lang sya ng umiyak sa balikat ko.

Naawa ako sa kanya,naaawa ako sa bestfriend ko dahil naging masama sya sa nararanasan nya.

Alam kung sasaya din sya katulad ko.Makakahanap din sya ng lalakeng tatanggapin at mamahalin sya.

Napatingin ako sa kalangitan at ngumiti.

My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now