CHAPTER 10

2.4K 59 1
                                    

CHAPTER 10

~SEDUCE THE DOCTOR~

"Hi doc"malanding bati ko sa kanya ng pumasok sya ng silid.

Pasiring nya naman akung tiningnan na parang diring diri sakin.

Walangyang doctor to ang sungit pakshet.

"Wag kang maglandi yang anak mo ang asikasuhin mo"aniya na masama ang tingin sakin napapout nalang ako.

"Makamalandi to,kung di ko lang alam na ikaw si Rhei hindi naman kita lalandiin no!"bulong bulong kung sabi.

"Ano ang ipapangalan mo sa baby mo?"tanong nya na hawak ang chart na pang doctor.

"Rheim Peckerton"nangunot agad ang noo nya.

"Peckerton ang ama nyan?"

"Malamang,bakit?"tanong ko agad.

"Wala,Peckerton din kasi ako."aniya.

Malamang dahil ikaw si Rhei hihihi.

"Baka ikaw ang ama ng anak ko?"biro ko kaya sinamaan nya nanaman ako ng tingin.

"Kapal ng mukha"bulong nya tyaka itinuon ang atinuon ang attensyon sa chart na hawak nya.
"Paki ready ang damit ng baby,paliliguan ko sya at e born screening."aniya tyaka umalis ng silid.

Anakshutang doctor ni mag paalam di ma gawa.

BWESET!

 Maya maya ulit pumasok sya tyaka kinuha si baby Rheim.

"Pakaligo mo sa baby natin doc ha."pabiro kung sabi sa kanya at ayun nanaman ang masasamang tingin na binigay nya sakin.

Ngisi ngisi ko syang tiningnan paalis.

Kelan kaya kita mapapahulog sa alindog ko?

Pero excited na ako sa seduce thingy na gagawin ko hihihi

"Wag mo tanggalin ang sumbrero ng baby--"

"Baby natin?"nakangising pang aasar ko kaya tumalim lalo ang tingin nya sakin.

"Pwede ba tigilan mo ang kakasabi na parang ako ang ama nyang anak mo!matuto kang mahiya coz in the first place hinti kita kilala at lalong hindi ako ang ama nyang anak mo,pathetic girl"saka nya pabalibag na sinara ang pinto.

Ang sungit nya talaga.hahaha

Sige lang doc magpaka hard to get ka dahil mas lalong thrill iyon para sakin.

At kapag ikaw nahulog sa alindog ko malaking who you ka sakin hihihi.

 Isang araw lang ang itinagal namin sa hospital,pero ang problema wala kaming matutulugan dahil hindi pwede ang baby sa bahay.

Bawal daw kasi dahil si baby sa bahay habang nandoon pa ang labi ni lola.

"Bakit nandito pa kayo?"si doc,may bigla namang nag light bulb sa utak ko dahil nakita ko sya.

"Doc,ako na talaga ang makapal ang mukha.Pwede ba kaming makituloy muna sa inyo?"ngiti ngiting usal ko.

"What?"masamang tingin nanaman ang tinapon nya sakin.

"Makikituloy sana kami sa inyo."ulit ko na hindi parin tinatanggal ang ngiti sa labi ko.

"Mas makapal pa sa dictionary talaga yang mukha mo ano?hindi ka pwede tumira samin."singhal nya.

"Bakit naman doc?hindi kaba naaawa samin ng baby natin?"

"Hindi ko anak yang anak mo stupida."galit na aniya.

"Please doc?ilang linggo lang naman eh,kapag nalibing na si lola pwede na kaming makabalik sa bahay."tyaka ako nagmakaawa sa kanya,yung parang maiiyak na talaga hihihi.

"Doon ka matulog sa luneta."aniya tyaka lumabas ng hospital.

Waaaah wala talaga syang puso.

 "Doc naman eh."with matching tulo luha na ako.

Jusko luha umepekto ka naman sana huhuhu

"Bitiwan mo yang anak mo."aniya.

"Ihahagis ko to si baby,sige ka."pananakot ko sa kanya.

"Wala akong pakialam,ihagis mo kung gusto mo,hindi ko naman yan anak."aniya tyaka binuksan ang pinto ng kotse nya.

Bago pa sya makapasok sa kotse nya tinulak ko sya kahit bitbit ko si baby at ng mapasalampak sya sa sahig dali dali akong sumakay ng kotse hihihi.

"LABAS!"malakas na sigaw nya sakin kaya umiyak si baby dahil siguro sa gulat.

Hindi ko pinansin bagkos itinuon ko kay baby ang atensyon ko.Nakita ko namang humawak sya sa sintido nya tyaka pumasok sa driver seat.

Hindi ko mapigilang mapangisi dahil hindi na sya nag reklamo pa.

Wohoo ito na,ito na nga talaga ang umpisa ng pagiging malandi mo Kim hihihi.

Kinuha ko sa bag ang bote ni baby para maka drink na sya ng milk nya. Nagdadrive lang naman si Rhei este si doc pala.

Tiningnan ko sya habang nag dadrive at kyaaah ang gwapo nya talaga! Rhei na Rhei ang mukha.

 Pagdating sa bahay nila bumaba agad sya ng kotse tyaka umikot at pinagbuksan ako ng pinto,kinuha nya naman agad si baby sakin.

"Gentleman kanaman pala doc eh."pang aasar ko sa kanya tyaka akmang lalabas na ako kaso isinara nya agad ang pinto ng kotse at ang masaklap muntik ng maipit ang paa ko.

Napakawalanjo talaga doctor yun. Bakit naging doctor yun kung ganun kasama ang ugali.

Asar kung binuksan ang pinto ng kotse tyaka dahan dahang bumaba.Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila. Ka design nya ang bahay nila Rhei dun sa tabing bahay namin.

Pansin ko wala syang kasama sa bahay nila,kaya napangisi ako.

Kung walang tao dito maliban samin edi kyaaaah madali ko syang malalandi kung ganun.

Hahahaha ano kayang paglalandi ang una kung maging move sa kanya.

Yun bang mauulol sya,wahaha.

"Wag kang mag feeling na libre ang pagtira mo dito,kapag mag isang buwan na yang anak mo maging katulong ka dito."aniya kaya gulat akong napalingon sa kanya.

"You mean ilang buwan pa kaming titira dito?"tanong ko.

 Lumipas ang dalawang linggo pero wala man akong nagawang move na landiin sya kaya nakakabuset.

Pag dumadating sya hindi sya lumalabas ng kwarto at kamag natyambahan ko sya bigla syang umaalis na parang diring diri sa'kin.

Ito narin ang araw na ililibing si lola,gusto ko pumuntang libing kaso walang magbabantay kay baby Rheim.

Nasa sala nga ako ngayon binabantayan ko si Doc hihihi plano ko kasi sanang ipabantay sa kanya si baby Rheim.

Kalahating oras ang lumipas ng marinig ko ang kotse nya sa labas,binuhat ko agad si baby at pumuntang pinto para salubungin si doc.

"Hi honey,kamusta trabaho."agad na bati ko sa kanya na akala mo tunay akong asawa hihihi.

"Maayos naman sana kung hindi ko lang nakita yang pagmumukha mo'ng tanga."aniya at sinamaan ako ng tingin.

"Honey naman eh."panlalambing ko with haplos pa sa balikat nya,tinapik nya naman agad ito."Honey?"

"Fuck,honey your face,stay away from me biath."aniya pero bago sya makaalis binigay ko agad sa kanya si baby."Hey!"angil nya pero tumakbo agad ako.

 Narinig ko pa syang nagmura hihihi.

Pumara agad ako ng tricycle tyaka nagpahatid sa bahay,madaming tao na makikilibing,ilang minuto rin dinala na namin si lola sa himlayan nya.

Iyak lang ako ng iyak,mahal na mahal ko kasi talaga si lola dahil sya ang nag alaga sakin tapos ganito ang mangyayari sakanya.

Nang matapos ang libing hindi na ako nagtagal,umuwi agad ako dahil baka gutom na si baby Rheim at hindi pinainom ng gatas ni doc.

"Doc?"tawag ko ng makapasok ako sa bahay nya pero walang sumagot.

Kaya nagdesisyon akung tingnan ang kwarto nya.Dahan dahan kung binuksan ang pinto tyaka ako pumasok,dumeretso ako kung saan ang kama nya at doon ko sya nakita na nakahiga sa dibdib nya si Rheim.

Ang cute ni doc,kamukhang kamukha nya si Rheim,walang duda anak nya talaga sya.

Dahan dahan kung kinuha si Rheim tyaka nilagay sa gitna tapos humiga ako sa tabi ni doc at niyakap sya.

Paksheet ang bango nya talaga hihihi. Nakakamiss tuloy ang mga yakap at lambing ni Rhei sakin.

 Nagising ako ng may pumitik sa ilong ko ng subrang lakas kaya namulat ko agad ang mata ko tsaka napahawak sa ilong ko.

Pakiramdam ko matatanggal ang ilong ko huhuhu.

"Bakit kaba namimitik?"sigaw ko,bagkus na sumagot sya pinitik nya ang labi ko."Waaaah bothered wife na ako dito ha"sigaw ko ulit.

"Natutulog ang anak mo ang ingay mo at bakit ba nandito ka sa kwarto ko?kapal din ng mukha mung yumakap sakin"galit na sabi nya sakin.

"Ganyan naman ang mag asawa diba nag yayakapan?hihihi"kinikilig na sabi ko at pinitik na naman nya ang noo ko kaya dahil sa inis ko bigla ko syang hinala at wrong move pala yun dahil nasa gilid ako.

Nang babagsak na ako sa sahig humawak agad ako sa damit at pati sya na sama sakin and worst is

Naglanding ang labi nya sa labi ko Parehas kaming nanlaki ang mga mata at agad din syang tumayo.

"Kyaaah,nag kiss tayo doc so it means lalabs mo na ako hahaha."galit syang tumingin sakin saka pinahid ang labi nya

Ako naman daig ko pa ang buntot ng butiki na naputol sa subrang kilig hihihi.

My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon