CHAPTER 15

2K 52 0
                                    

CHAPTER 15

"Wear this necklace first before we go"natigil ako sa pagsuklay ng buhok ni baby Rheim tyaka kinuha ang binigay nyang kwentas.

"Para saan naman to?"naguguluhang tanong ko.

"Para hindi ka maamoy ng kapwa ko bampira,isa kang tao kaya maamoy agad nila iyon."tumango nalang ako,nagulat ako ng hawiin nya ang buhok ko tyaka kinuha yung kwentas at isinuot sa leeg ko.

"Thanks doc"tyaka ako humalik sa pesngi nya,tinapunan nya agad ako ng masamang tingin.

Ang suplado talaga.

"Lets go"sumunod naman kami ni baby sya kanya.

Ngayon palang kinakabahan na ako.

Parang gusto kung umurong at wag ng sumama sa pag punta ng palasyo,iba kasi ang kaba ko at parang may mangyayaring hindi ko magustuhan.

I'm wearing a black dress na hanggang tuhod tyaka naka suot na sandals na mahaba ang takong.

"Doc wag nalang kaya ako sasama."sabi ko sa kanya.

"Why?"takang tanong nya.

"Iba ang pakiramdam ko eh."sagot ko naman.

 "Hibang kalang"aniya tyaka ipinasok sa kotse si Rheim at sumunod din sya,wala akong magawa kundi sumunod narin sa kanila.

Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalayo kami sa mansyon.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ang kaba na bumubundol sa dibdib ko.

Isang oras din siguro ang byahe namin bago huminto ang sasakyan.

'Mahal na Prinsesa kasama ko po si Gerard Niwitzki'ani Zyrielle.

'Ikinagagalak kitang makilala Prinsesa Kim'

Napahawak nanaman ako sa ulo ko ng may pumasok na imahe sa isip ko.

"Lumabas kana,naghihintay na sina amang hari at inang reyna."sulpot ni Rhei,tumango lang ako sa kanya habang sapo ko parin ang ulo kung biglang sumakit.

'Prinsesa Kim gusto daw kayo makausap ni Gerard'ani Bianca.

'Pakisabi susunod na ako'yumuko saglit si Bianca bago umalis sa harap ko.

"Arrhhh letche ba't ba may pumapasok na ganyang eksena."inis na sabi ko.

"Bumaba kana dyan"sigaw ni doc kaya kahit sumasakit ang ulo ko bumaba ako ng sasakyan at sumunod sa kanya.

Parang pamilyar sakin ang lugar.

 "Naghihintay na po ang inyong ina at ama mahal na hari"sabi ni Ysiad,tama sya nga yung biglang sumulpot sa mansyon.

"Salamat sa impormasyon Ysiad"sagot naman ni Rhei,napapairap nalang ako dahil pakiramdam ko may gusto ang bampirang yan sa honey ko.

"Back off bitch"bulong ko sa kanya ng dumaan ako sa pwesto nya.

Lumingon naman sya sakin tyaka binigyan ako ng matamis na ngiti,inirapan ko lang sya at ipinagpatuloy ang pag sunod sa mag ama ko.

"Masaya kami anak na tuluyan kanang nakabalik sa pagiging bampira"sabi ng ina nya,nakangiti naman ang ama nito.

Pagtitingnan para lang silang pag tropa dahil parehas lang ng itsura at wala man lang kakulubot sa katawan ang ina at ama ni Rhei.

Mga bampira nga pala sila kaya hindi tumatanda.

"May kasama ka pala anak,isa rin ba syang bampira";masayang tanong ng kanyang ina.

"Isa syang tao."sagot naman ni Rhei.

"Tao?naka sara ang portal at tanging mga bampira lamang ang makakapasok sa lugar na ito at kung isa man sya sa mga itinakda hindi lahat ay makakapasok anak."

 "Kelangan kung malaman ang totoo mong katauhan iha,Nikita Tessa paki dala sya sa kwarto kung saan idinadala ang mga taong katulad nya."sabi ng hari kaya kinabahan ako.

Waaaah ito na nga ba ang sinasabi ko eh,dapat hindi na ako sumama huhuhu.

"Ngunit ama--"hindi na nya itunuloy ang dapat nya pa sanang sabihin ng ibinagsak ng kanyang ama ang kamay nito sa mesa.

Hala,natatakot na ako sa kanila.

"Nikita Tessa dahil mo na sya ngayon din.Ikaw naman Ysiad paki kuha ang kanyang anak kay Danvie"utos ng hari.

Ahuhuhu katapusan ko na talaga yata.

Inakay naman agad ako ni Nikita daw,gusto ko syang sapakin kaso natatakot ako baka bigla nyang sipsipin ang dugo ko.

"Wag kang magalala wala namang mangyayari sayo,etetest kalang ng hari."nakangiting aniya.

"Sigurado ka?"tumango naman sya.Inalalayan nya ako na makapasok ng kwarto,malawak sya at may lamesa sa gilid at puno ng.

"Waaaah Nikita sigurado kabang walang may mangyari sakin eh tingnan mo nga yang mga patalim sa mesa.Ayoko na uuwi nako"huhuhu papatayin nila ako.

 "Uumpisahan na natin dahil maya maya ay mag sisimula na ang salo salo."aniya tyaka nya ako hinagisan ng kutsilyo at yun.

"Waaaah Nikita kaya pala sabi mo wag ako mag alala dahil ikaw pala ang papatay sakin."sabi ko habang tumatakbo palayo sa kanya,patuloy parin sya sa pag tapon ng kung ano ano.

Lalo akong kinabakan ng gumawa sya ng apoy sa kamay nya at tinapon sa dereksyon ko.Nagpagulong gulong na ako sa sahig para di matamaan,daig ko pa ang action star sa ginagawa ko.

Nagtapon nanaman sya ng yelo at tumama ito sa laylayan ng damit ko kaya napirat at lumitaw ang legs ko.

Asar akong tumingin sa kanya dahil sa ginawa nya.

"Walangya kang babae ka,dapat bumalik sayo yang tinatapon mo sakin."malakas na sigaw ko na halos dumagundong sa loob ng kwarto ang boses ko.

Napanganga ako ng bumalik nga kay Nikita lahat ng tinapon sya sakin,buti nalang naiiwasan at nasasalo nya.

Paano nangyari yun?
Biro ko lang naman yun pero bakit naging ganyan.

"Hindi ka tao kundi isa kang ajmlgtj"

"Ano?"hindi ko narinig eh huhuhu.

 Hindi nya na ako pinansin at naunang lumabas ng kwarto,dali dali din akong sumunod palabas mahirap ng mauilit yung nangyari sakin sa bahay nila Rhei.

Nagka phobia tuloy ako haha.

"Anong resulta?"tanong agad ng hari pagkarating namin kung nasan sila.

Nag hintay paako kung sasabihin ni Nikita kaso wala akong narinig ni isang salita.

Waaah ang daya nila,bakit sa isip sila naguusap.

"Ikinagagalak naming malaman ang iyong tunay na katauhan."sabi ng reyna.

"Ano po ba ang katauhang meron ako?"tanong ko,gusto kung masagot yung tanong ko.

"Bakit di mo alam ang tunay mong katauhan?"balik na tanong ng reyna sakin.

"Hindi ko po alam"napapahiyang sagot ko.

"Iha isa ka kasing ma--"

"Maguumpisa na po ang salo salo kamahalan"napa facepalm agad ako sa biglang pag singit ni Ysiad.

Hindi na tinuloy ang sasabihin ng ina ni Rhei.

Isa isa na silang tumayo,siguro alam naman ni Rhei kung ano ako kaya sya nalang ang kulitin ko mamaya.

Gusto ko malaman kung sino ba talaga ako at ano ba talaga ako.



My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now