CHAPTER 5

2.4K 68 2
                                    

 CHAPTER 5

Nagising ako ng nasa kwarto na ako ng bahay namin at naririnig ko na naman ang bunganga ni lola sa tabi ko na parang may kinakausap.

"Salamat sa dyos at nagising kana,gusto mo na yata akong patayin Kim sa nerbyos.Ano ba ang nangyayari sayo?"si lola.

"Bakit naman la,inaano kita?"takang tanong ko.

"Anong inaano?enjoy ba ang pagtulog ng limang araw?palagi ka nalang nakikita na nakahandusay sa harap ng gate ng kapit bahay natin."aniya.

"Anong limang araw lola?kanina lang ako natulog pagkatapos naming mag ano ni Rhei"napatakip agad ako sa bunganga ko.Nangunot naman ang noo ni lola.

"Ikaw bata ka,wag ka ngang pumupunta sa harap ng bahay ng kapitbahay natin palaging ganyan ka pag nagigising."pasermon nya sakin.

Tumayo nalang ako sa kama at nag hilapos.

Gumulo nanaman ang utak ko. Dalawang beses na sinabi ni lola na limang araw akong natutulog eh galing lang naman ako sa bahay nila Rhei.

Gusto kung malaman kung totoo ba ang sinasabi ni lola kaya mamaya pupunta ulit ako sa bahay nila Rhei.

 "Oh Luz buti napadalaw ka."masiglang bati ko sa kanya,isa sya sa mga naging kaibigan ko.

"Nabalitaan ko kasi ang nangyari sayo.oh kamusta kana pala?"tanong nya.

"Bakit may nangyari ba sakin?"naguguluhang tanong ko.

"Kalat na sa lugar natin ang nangyari sayo,dalawang beses kanadaw nakikitang nakahandusay sa daan."

"Wala akong alam sa sinasabi mo eh."talaga naman kasing wala akong alam sa mga sinasabi nila.

"Paano mo malalaman eh limang araw kang walang malay."sabi nya.

Hindi naman kasi talaga ako nawawalan ng malay,ewan ko kung saan nila nalalaman yan.

"Luz gusto mo ba na ipakilala kita sa boyfriend ko?"excited na tanong ko,hindi ako sure kung boyfriend ko naba si Rhei,siguro nga kami na maynangyari na eh.

"Sige san mo ba nakilala yan?"

"Si Rhei ang boyfriend ko,jan sya nakatira oh"sabay turo ko sa bahay nila,binigyan naman ako ng nagtatakang tingin ni Luz.

"Sigurado ka?"paninigurado nya.

"Oo,tara punta tayo sa kanila."sumangayon naman sya.

Pagdating namin sa gate nag doorbell ako ng nag doorbell.

 Ilang beses na akong nag doorbell pero walang Rhei na nagbukas ng gate.

"Wala namang tao,praning kana yata eh."natatawang sabi nya.

Nakakainis naman si Rhei,kung kelan ipapakilala ko na sya kay Luz dun pa sya wala.

"Baka may pinuntahan,wala ang kotse nya eh."pero tinawanan lang ako ni Luz at iling iling na bumalik ng bahay,lumingon mo'na ako sa bahay nila Rhei.

"Kim"gulat akong napatingin sa gate ng lumabas sya.

"Rhei ba't antagal mong buksan ang gate."sabi sabay yakad sa kanya,niyakap nya naman agad ako.

"Hindi kita nakita,kanina pa nga ako nakatambay dito sa labas."sabi nya kaya nangunot ang noo ko.

"Kanina pa din kami dito kasama ko ang kaibigan ko pero wala kanaman eh.Ayy teka."lumingon ako sa likod ko pero wala na si Luz,nakapasok na yata sa bahay.

"Ipapakilala sana kita sa kaibigan ko kaso wala ka kanina kaya bumalik sya ng bahay."sabi ko.

"Ah ganun ba?gusto mo ba pumasok?tara sa loob may ibibigay ako sayo."tumango agad ako,wala naman akung gagawin sa bahay kaya dito mona ako sa kanila Rhei.

 Tumalon agad ako sa kama kung saan kami nag alam nyo na hihihi.

May part two kaya?

eehhkkk ang landi ko hihihi

"Ito oh,palagi mong isuot yan ha dahil yan ang nagpapahiwatig ng pagmamahal ko sayo,at pag dumating ang oras na mawala ako sa paningin mo,maalala mo na minsan may Rhei na nagmamahal sayo."

Kahit naguguluhan ngumiti at nagpasalamat ako sa binigay nyang kwentas.

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya.

Mawawala ba sya sa'kin?

Wag naman sana dahil hindi ko kaya.

"Salamat Rhei,andaya dapat may ibibigay din ako,pero next time nalang maraming pa namang araw na magkakasama tayo eh."puno ng kagalakang sabi ko.

"Basta once na hindi mo na ako makita palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."saka nya ako hinalikan sa labi pero smack lang natin.

"Kinakabahan ako sa mga pinagsasabi mo Rhei,umamin ka nga darating ba ang araw na iiwan mo ako?"malungkot na tanong ko,ngumiti sya ng pilit sakin kaya kumirot ang puso ko.

"Sa ayaw at sa gusto natin maiiwan at maiiwan ka,sorry"nakayukong sagot nya.



My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now