CHAPTER 2

2.8K 80 1
                                    

CHAPTER 2

Inikot ko ang paningin ko sa bahay nila,maganda malaki kaso ang creepy dahil hindi masyadong maliwanag ang bahay nila.

Kulay pula pala ang ilaw sa loob kaya hindi masyado kita sa labas. Na amaze ako sa ganda ng design ng bahay. Kulay creamy brown ang dingding tapos yung tiles kulay white na may pink. Hindi ako sigurado dahil gabi,madaming naka sabit na paintings sa dingding.

Parang bahay nga ng isang bampira. Sana naman kung bampira sya hindi nya sisipsipin ang dugo ko.

"Deretsuhin mo yan tapos lumiko ka makikita mo ang cr."sabi nya,tumango naman ako saka naglakad sa dereksyong tinuro nya.

Dahil curious nga ako walang tigil ang pagtingin tingin ko sa paligid nagbabakasakaling makahanap ng ebedensya na makapag patunay na isa nga syang bampira.

Pumasok lang ako saglit ng cr nila,hindi naman talaga kasi ako natatae,palusot ko lang yun para makapasok sa bahay nila.

Lumiko ulit ako sa kanan,may daan kasi akung nakita kaya titingnan ko saglit kung anong meron dun.Hindi naman nya siguro malalaman.

Kinakabahan ako sa ginagawa ko.

Paano kung bampira nga sya ano gagawin ko?

Bahala na nga ang bampira hahaha

Pumunta ako sa kwartong nakita ko,malaki kasi ang pinto kaya na curious nanaman ang pusang katulad ko.

Lumingon ako saglit sa likod ko para makasiguro na hindi nya ako nakita.Nang walang tao dahan dahan akung lumapit sa pinto at dahan dahan ko ding binuksan ang pinto.

"Waaaaaah"tili ko agad ng pag bukas ko ng pinto may tumalon sakin.

 Napasalampak agad ako sa tiles na sahig nila dahil may malaking aso,hindi ko alam kung aso ba o ano basta para s'yang aso na kulay puti ang makapal n'yang balahibo.

"Waaah wag mo akung lapain huhuhu"sabi ko sa aso habang umaatras ng pagapang.

Nakakatakot ang mata ng aso,parang lobo ai ewan kung ano.

Atras lang ako ng atras hanggang sa may maramdaman akong humawak sa batok ko.

"Ahhh ayaw ko na"takot na sigaw ko.

Sana hindi nalang ako pumunta dito,may humawak ng batok ko pero wala naman tao sa likod ko tapos yung aso naman sa harap ko ang sama ng tingin sa'kin tapos nakalabas ang pangil.

Nasan na ba kasi si pogi!

Jusko may mga nakatira yatang ibang nilalang sa bahay na to.

Dali dali akong tumayo at tumakbo pero hindi pa man ako nakalayo nadapa ako,at ang nakakapagtataka parang may tumisod sa'kin eh walang tao.

"Ahhhhh"malakas na talagang sigaw ko ng may humila ng paa ko kaya pinapalo ko na ang sahig at naghahanap ng makapitan.

Nilingon ko ang paa ko pero wala namang may hawak paanong may humila sakin?

 Kahit wala akong nakikitang may humawak ng paa ko nag tatadyak tadyak ako at naramdaman kung wala ng humahawak.

Mabilis akong tumayo,hindi na ako nag iisip pa ng kung ano kahit takot na ang bumalot sa katawan ko.

Takbo lang ako ng takbo pero ng nasa kalagitnaan ulo napaatras ako ng malakas dahil nauntog ako.

Para na akong mahihimatay sa takot dahil wala nanamang nakaharang sa tinatakbuhan ko kaya bakit na untog ako at ramdam ko talagang nauntog ako.

Hindi na talaga ako papasok sa bahay na to.
Bakit may ganito,anong klaseng bahay ba to.

Sinubukan kung tumakbo ulit at thanks God hindi na ako nauntog.
Daig ko pa ang sumali sa fun run dahil ang bilis ng ginagawa kung pagtakbo.

Hindi na ako lumingon pa sa pesteng lugar na yun,tuloy tuloy lang ang pagtakbo ko hanggang sa makarating ako ng sala.

Nakita kung nakaupo si pogi sa single sofa na parang baliwala lang sa kanya ang pagtakbo ko.

"Nandito kalang pala bakit hindi mo ko pinuntahan ng magsisisigaw ako?"

"Hindi kita narinig na sumigaw"sagot nya sakin.

 "Anong hindi eh kulang nalang maputol ang ugat ko sa kakasigaw tapos sasabihin mo hindi mo ako narinig?kalukuhan yan."inis na sabi ko,ikaw ba naman ang nasa sitwasyon ko di ka maiinis?

"Hindi talaga kita narinig.Sabi mo mag babanyo ka kaya hinintay kita dito.Para ka ngang hindi nag banyo ang bumilis mo'ng bumalik eh,wala pang isang minuto."sabay tingin nya sa relo nya.

ANO DAW?

wala pang isang minuto bumalik na agad ako?

KALUKUHAN!

Sa dami ng nangyari sa akin wala pang isang minuto yun?

OMYGHAD MAMAMATAY ATA AKO NG MAAGA DAHIL SA TAKOT NA NARANASAN KO.HUHUHU



My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now