CHAPTER 8

2.4K 60 0
                                    

CHAPTER 8

Pitong buwan pa ang nagdaan pero wala paring Rhei na nagpakita.

'I can't' yan ang huling salita nya ang narinig ko.

Galit ako sa kanya dahil nakaya nya akung tiisin ng ganito katagal.

Iniwan nya akong maraming tanong sa isip at iniwan nya akong may sanggol na dinadala sa sinapupunan.

"Baby,kahit wala ang papa mo nandito naman si mama para alagaan ka at palakihin ng maayos"sabi ko sa anak ko na nasa loob ng tyan ko.

"Nasan ba kasi ang ama nyang dinadala mo?aba kabuwanan mo na missing parin ang king ina?" sabi sakin ng pinsan ko sa mother side na si Katherine Lee.

"Patay na ang ama ng dinadala ko Katherine."singhal ko sa kanya.

"Sigurado ka bang patay na o talagang ayaw nya lang panindigan yang dinadala mo?king inang yun pagkatapos ng sarap biglang mawawala na parang bula?astig"sarkastikong aniya.

 "Ganyan talaga ang buhay,hindi lahat ng tao masaya,kelangan din natin maranasan ang ganito,alam kung pagsubok lang to."sabi ko sa hinimas himas ang tyan kung gumagalaw dahil sumisipa ang anak ko.

"Kelangan?ulol! sinadya ng lalakeng yan na sirain ang buhay mo,tingnan mo nga nasan sya ngayon?baka nga may iba na at nagpapakasarap na."inirapan ko lang sya sa tinuran nya.

Kung totoo mang may iba na si Rhei,abay ang galing nya naman kung ganoon.

Hindi ako babaeng parausan lang pero nakakalungkot dahil parang ganun narin naman.
Pagkatapos ng araw na yun naglaho sya.

"Ewan mo nalang muna ako Katherine,gusto ko mapag isa."sabi ko sa kanya,binigyan nya naman ako ng masamang tingin bago umalis.

Si Kathrine ang kasama ko ng ilang buwan dahil kelangan ko nga ng kasama dito sa bahay pag nakapanganak na ako.

Nasa terrace ako ng bahay namin,tiningnan ko ang bahay nila Rhei,bigla kung naalala ang unang pagkikita namin ni Rhei.

Yung nagdidilig sya tapos ako naman si malandi nagkunwaring nagwawalis at kumakanta.

Napapangiti naman ako habang inaalala ang mga kalukuhan ko ng araw na yun.

"Aaaaahh Kim tulongan mo ako si lola."agad akong napatayo sa inuupuan ko ng marinig ang sigaw nya.

Kahit bawal sakin ang tumakbo at tumalon ginawa ko,tinalon ko ang tatlong baitang na hagdan at nagmamadaling tumakbo sa kusina.

Biglang sumakit ang puson ko sa ginawa kung iyon pero hindi ko pinansin dahil nag aalala ako kay lola.

"Anong nangyari?"hinihingal na tanong ko sa kanya at napapahawak sa puson kung kumikirot.

"Tulungan mo ako dalhin natin sa hospital si lola."

 Kahit nahihirapan ako sa sitwasyon ko dahil kumikirot ang puson ko tulong tulong kaming buhatin si lola palabas.

Hindi ko maipaliwanag ang matinding kabog ng puso ko at ang kirot sa puson ko.

'Baby wag ka muna sumabay kay lola ha.'kausap ko sa anak ko sa isip.

Pagdating ng hospital inasikaso naman agad si lola,palakad lakad ako sa hallway ng hospital.

Biglang lumabas ang doctor kaya lumapit agad kami ni Katherine.

"I'm sorry,hindi na sya umabot.Dapat kanina nyo pa dinala."

"Ano po ba ang nangyari sa lola ko."umiyak na tanong ko.

"Na stroke ang lola nyo dahil sa init ng panahon.Sige una na ko,paki dala nalang sa morgue para maasikaso ang bangkay ng lola nyo."napaupo ako sa narinig ko at biglang sumakit ng matindi ang puson ko.

"Hala Kim dinudugo ka."natatarantang sabi ni Katherine kaya gulat akong napa tingin sa binti at dumudugo nga iyon.

"Ahhhh"malakas na sigaw ko ng sumakit ang tyan ko.

Natataranta namang lumipit si Katherine,hindi nya alam kung sino saamin ni lola ang uunahin kaya napaiyak ako.

Kung nandito kalang sana Rhei edi sana may tutulong sakin.

"Ako na po ang bubuhat sa kanya."sabi ng lalakeng lumapit saamin.

Bigla akong napatingin sa lalake at para akong mapapahiga sa sahig sa gulat.

"Rhei?"kahit masakit ang nararamdaman ko nakuha ko pa syang titigan.

Kamukhang kamukha sila ni Rhei,yung singkit nyang mata,matangos nyang ilong,mapupula nyang labi at ang kanyang jaw line.Kasing kulay nya din ang balat ni Rhei kaya nagulat talaga ako.

Kinunutan nya ako ng noo sa pagtawag ko sa kanya,kaya nanlulumong nagpa buhat ako.

Akala ko si Rhei na ang lalakeng lumapit sa'kin.

Dinala nila ako sa emergency room tyaka tiningnan kung anong CM na ako.

"7 CM sa labor ka po muna."tapos pinapasok nya yung lalakeng kamukha ni Rhei,isa din pala syang doctor.

Dinala nila ako sa labor room,wala akong kasama dahil inaasikaso ni Katherine ang bangkay ni lola.

"Pwede bang dito kalang?"nagmamakaawang sabi ko,nakahawak ako sa kamay nya.

"May mga pasyente pa akong aasikasuhin"aniya.

"Rhei please?"

 Nagulat ako ng sumangayon sya sa pakiusap ko.Parang hinaplos ang puso ko ng hawakan nya ang kamay,pakiramdam ko talaga sya si Rhei.

Nakahiga ako sa kama at sya naman nakaupo sa gilid ng higaan ko habang hawak ang kamay ko.

"Waaaah"i shouted at the top of my lungs ng maramdaman kung humilab na ang tyan ko.

Sobrang sakit at hindi ko alam kung ano ang posisyon na dapat kung gawin,hahawak hawak nya parin ang kamay ko at nagpapasalamat ako dahil pinipisil nya yun kapag sumisigaw ako sa sakit,ang bawat pisil nya ay nagpapahiwatig na kayanin ko at sinasabing wag akung mag alala dahil hindi nya akong iiwan.

"Ahhhh hindi ko na kaya lalabas na siya."sigaw ko habang namimilipit.

"Dapat kayanin mo,nasa labor stage kapalang at kung iisipin sampung sakit pa ang mararanasan ko."aniya kaya lalo pa akong napasigaw ng humilab na talaga."Just hold my hands,andito lang ako,hindi kita iiwan."

Parang dalawa ang ibig nyang sabihin para sakin.

SANA HINDI NYA AKO IIWAN KATULAD NI RHEI.

Nang pumutok ang panubigan ko binuhat nya agad ako palabas ng labor room,pakiramdam ko talaga sya si Rhei,at sya ang tatay ng anak ko.

Nararamdaman ko sa bawat dikit ng mga balat namin na pamilyar sya,pero kung sya nga si Rhei bakit hindi nya ako kilala?

"Ako na ang magpapaanak sa kanya."aniya sa mga doctor na nasa loob ng emergency room.

"Sigurado ka po doc?"paninigurado ng babaeng doctor.

"Yes,and I don't want to repeat my words."tumango naman ang tao sa loob tyaka sila lumabas."Ok hinga ng malalim tyaka pag sumakit sabayan mo ng malakas na pag iri."aniya kaya ng sumakit buong lakas akong umiri at pakiramdam ko mapuputol ang ugat ko.

"Kunti pa,sige sundin mo lang ang gusto ng baby."aniya,pumasok ang isang nurse at dumeretso sa gilid ko tyaka inilagay ang siko nya sa taas ng tyan ko."Ok in the count of three umiri ka at wag mo'ng pigilan at bitinin pakiusap lang."sinusunod ko naman ang mga instruction nya,umiri ako sa abot ng makakaya ko,sya nakaalalay sa pag labas ng bata.

 Nanghihina ang buong katawan ko ng lumabas ng tuluyan ang baby ko.

Gulat ako sa nakita kung kulay ng baby ko,kulay violet sya kaya kinabahan ako.

Nilagay mo'na ni Rhei sa puson ko ang bata tyaka nya pinalo ang pwet.

Kinabahan ako ng hindi ito umiyak kahit tatlong beses ng pinalo ang pwet nya.

"Nurse"sigaw nya kaya nagsipasukan yung mga doctor na lumabas.

Biglang nanlamig ang pakiramdam ko ng makitang may kinakabit sila sa katawan ng anak ko.Pinapakalma ako ng ibang nurse dahil gusto kung tumayo at lumapit sa anak ko.

"Saan nyo sya dadalhin?"malakas na sigaw ko ng nagmamadali silang ilabas ang anak ko,hindi parin ito umiiyak at lalong nag iiba ang kulay nya.

'LORD PLEASE WAG MO NAMANG KUNIN ANG BABY KO,KINUHA MO NA SI LOLA SAKIN PATI BA NAMAN ANG ANAK KO KUKUNIN MO?'nananalanging sambit ko sa isip.

Naramdaman kung may itinurok sila sa balikat ko at unti unting nandilim ang paningin ko.

My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now