CHAPTER 3

2.5K 73 4
                                    

CHAPTER 3

"GINAGAGO MO BA AKO?"sigaw ko talaga sa kanya na halos dumagundong na ang boses ko sa buong kabahayan nila.

"Totoo ang sinasabi ko,bakit naman kita gagaguhin"seryosong sagot nya.

Wala na,mababaliw na yata ako sa bahay na to.

"Uwi nako baka hinahanap na ko ni lola."asar paring sabi ko.

"Kumain ka muna nagpaluto ako sa katulong namin."

"May katulong kayo?"naguguluhang tanong ko,ngumiti naman sya sa reaksyon ko.

"Oo.Tara sa kusina"saka sya tumayo at naunang maglakad.

May katulong pala sila pero bakit ni isang beses di ko pa nakita?

Mag iisang buwan na ako sa lugar na to pero talagang wala akong nakikitang tao.

Nag umpisa nanaman akong ma curious kaya sumunod ako sa kanya.Pag dating sa kusina halos malaglag ang panga ko sa dami ng pagkain.

"Bitay ko na ba?"tanong ko agad,andami kasi talagang pagkain sa mesa at itsura palang masasarap na,nakakatakam tuloy kainin.

"Hindi,kaw talaga pinapatawa mo ko"sagot nya.

Paano naluto ang ganito kadaming pagkain kung wala pa akung isang minutong nawala?

 "Nasan ang katulong na sinasabi mo?"tanong ko sa kanya.Magkaalaman na kung talagang meron nga ba.

"Nasa tabi mo sya kanina"napalingon agad ako sa gilid ko.

Paanong nasa tabi ko sya kanina eh pagpasok ko ng kusina sya lang ang nakita ko.

"Pinagloloko mo ba ako?"


"Ilang beses mo ng tinanong yan sakin at sasagutin kita ulit,bakit naman kita lolokuhin?"

NAKSHUTANG BUHAY TO! ANBILIBABOL!!

"Tawagin mo ang katulong na sinasabi mo gusto kung makita."bahala na,papatayin na talaga ako ng pagiging curious ko pag hindi ko makita ang katulong na sinabi nya.

"Ayon sa oh nag tutupi ng damit."tiningnan ko ang tinuro nya at may babae ngang nakaupo na nagtutupi ng damit.

"Bakit hindi ko sya nakita eh jan lang din naman tayo dumaan kanina,saka hindi ko sya nakita na nandito sa tabi ko kanina."gulong gulo na talaga ang utak ko.

"Hindi ko alam kung bakit di mo sya nakita."aniya.

Tinamad na akung magtanong pa kaya umupo ako sa upuan.

Tiningnan ko ang mga pagkain,kung si manang lang mag isa naluto nya to agad?

Napapaisip habang kumakain,may katulong naman pala sila bakit sya ang nakita kung nagdilig noong isang araw?

Nagtataka na talaga ako dahil panay lang ang tupi ni manang ng damit at hindi man lang lumingon sa dereksyon kung nasan kami.

"Gusto kung sumabay satin si manang kumain."sabi ko sa kanya.Gusto ko makita ang mukha ng katulong nila.

Hindi sya sumagot,tumingin sya kung saan ang katulong nila at doon lang ito humarap samin.

Nakakaloko na talaga,kanina nung ako ang tumingin sa kanya tupi lang sya ng tupi tapos ngayon isang tingin lang ni pogi sa kanya humarap sya agad samin.

ANO SYA ROBBOT?

"Manang ang sarap po ng luto nyo,ang galing din po ninyo dahil naluto nyo ito agad ng wala pang isang minuto"sabi ko sa kanya.

Hindi sya sumagot,umupo lang sya sa upuan saka nag umpisang kumain,ni pag lingon nya hindi nya ginawa sakin.

Nagpatuloy ulit ako sa pagkain,pa simple akong sumusulyap sa katulong tapos kay pogi.

BAKIT WALA MAN LANG KA REAKSYON ANG MGA MUKHA NILA HABANG KUMAKAIN?

PARA SILANG ROBBOT.

 Hanggang sa matapos kaming kumain wala man lang nagsalita sa kanilang dalawa.

Pansin ko lang ha,simula ng pumasok kami ng kusina hindi ko pa sila naririnig na nag uusap,puro lang sila tinginang dalawa at ang katulong sa isang dereksyon lang tumitingin.

Bakit kaya ganyang ang katulong nila hindi man lang nagsasalita.

"Saglit lang may kukunin lang ako pagbalik ko hatid na kita sa inyo."sabi ni pogi,tumango naman sya saka umalis.
Sinundan ko sya ng tingin haggang sa mawala sya sa paningin.Ang bilis nyang maglakad,ang ganda ng likod nya hihihi.

"Ah man-"natigil ako sa dapat ay sasabihin ko ng pagtingin ko sa dereksyon ng katulong nila wala na sya sa upuan.

Luminga linga ako sa paligid baka makita ko pa sya,pero wala na sya.

Saglit lang nawala ang paningin ko sa kanya nawala agad sya?

At hindi ko man lang narinig na umusog ang upuan na inupuan na manang.Hindi ko talaga naramdaman ang pag alis nya,sobrang bilis naman ata nya gumalaw.

Dapat narinig ko ang upuan nya pero ni kunting paggalaw wala talaga.



My Mysterious Neighbor [COMPLETED]Where stories live. Discover now