CHAPTER 18 ~ Start ~

96.7K 2.4K 123
                                    

CHAPTER 18

STORM'S POV

Unti-unting nagising ang diwa ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi ako naalarma dahil alam ko naman kung sino ang pumasok. Hindi ako gumalaw at nanatili akong nagpapanggap na tulog. I can hear him walking towards Ale's crib, followed by a faint rustling of the hanging toys on the crib. I can't help but smile a little. He must missed him so much. Dahil noong mga panahon na wala ako, siya ang laging kasama ni Ale. Kahit pa noong mga panahon na hindi niya alam na anak niya si Ale.

He's a good man. And I will be the most foolish woman in the world if I will let go of him. I know that now. Everyone knows that.

I remembered what King said yesterday after our little scene at Paige's. Saglit na naiwan ako ni Hermes dahil nagdidiwang ang mga agent sa nakitang nangyari sa amin sa gitna ng dance floor. To my surprise, si King ang lumapit sa akin para kausapin ako.

"I'm glad that you're awake now. I'm glad that you realized what you have before you do more damage that will be too hard to live with for the rest of your life."

He was straight forward and I almost punched him for that. Pero naisip ko, tama naman siya. He knows what his talking about more than I do. Tama siya. Marami na akong nagawa. Marami ng sakit akong naibigay kay Hermes. It's about time that I stop. It's about time for me to wake up.

Napapitlag ako ng maramdaman ko ang mainit na pagdampi ng labi sa balikat ko. "You're awake."

Umikot ako at humarap ako kay Hermes. Nabungaran ko ang nakatunghaw niyang mukha sa akin. "Paano mo nalaman?"

"Dahil gawain ko din 'yan noon at mas magaling ako sa'yo."

"Ewan ko sayo." natatawang sabi ko. "Anong nangyari? Pintawag ka daw ni Dawn. Everything alright?"

Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil sa dilim pero may kung ano na nagbago sa boses niya. "Yes, everything's alright. Tinanong niya lang ako kung balak ko ba raw na kumuha ng mission."

"Iyon lang pero ginabi ka na ng ganito? It's..." nilingon ko ang alarm clock sa bedside table. "Two in the morning."

"Namiss mo kaagad ako? Naks naman, misis."

Napahiyaw siya ng bigla ko na lang siyang kurutin. Umupo ako at binuksan ko ang lampshade bago ko siya binigyan ng masamang tingin. "Misis ka diyan. Itapon kita sa bintana eh."

Nangingiting pinisil niya ang pisngi ko. "Bumabalik ka na sa dati alam mo ba 'yon? Pinagbabantaan mo na naman kasi ako ng masama."

"Whatever." I said, rolling my eyes. "Ano nga? Bakit ka ginabi? Ang sabi mo dito ka magdidinner kaya nag order na ako kanina pa sa Craige's. Ayon, kainin mo mag-isa mo dahil mas malamig pa iyon sa hangin dito sa Tagaytay!"

Imbis na sagutin ako ay nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko mabasa ang mga emosyon sa mga mata niya. Isang bagay na nakakapagtaka dahil madaling basahin si Hermes. He's so easy to read because he's an open book. Well at least that's who he was for me before.

"May problema ba?" tanong ko.

"No...no, of course not."

Iniangat ko ang isa kong kamay at inilapat ko iyon sa pisngi niya. "Please, don't lie to me." I said in a whisper.

"I'm not. Walang problema, Storm. You're safe, our child's safe. Iyon ang mahalaga. Ginabi lang ako dahil nireview ko pa ang ilang mga mission na binabalak kong kunin. Nagkita din kami nila Adonis at nagkainuman kaya natagalan ako."

"Dapat tinawagan mo ako."

"I'm sorry." Inalis niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at siya naman ang humawak sa akin. Inipit niya sa magkabila niyang kamay ang mukha ko. He leaned towards me and looked at me straight into my eyes. "Forgive me? I promise, sa susunod tatawag na ako."

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon