CHAPTER 6 ~ Detective ~

100K 2.5K 123
                                    

CHAPTER 6

STORM'S POV

Ibinaba ko ang hood sa ulo ko at napapangiti na lamang ako sa kabila ng mouth mask na suot ko. Nakatingin sa akin ang mga taong nadaraanan ko, halatang hindi sila sanay na makakita ng taong nakablack leather jacket, black huge visor na halos takpan ang kalahati ng mukha ko at mouth mask. Lahat sila ay naka-corporate suit at kung hindi naman ay mga naka-uniporme na pang pulis.

According to my research this place was a den for illegal activities before. Puro mga bar na hindi autorisado at mga tumatanggap na menor de edad na babae, stores for unlicensed arms and drugs, tambayan ng mga krimanal at kung ano-ano pa.

Then the authorities converted this place and turned it into the exact opposite. Dito nila timabak ang mga law firms, base units, licensed gun emporium, at ang isang investigation agency, ang 'Key'.

Tumigil ako sa paglalakad ng makita ko ang four storey building na nasa pinakadulo ng lugar na ito. Tumaas ang kilay ko ng makita ko na sa akin na ngayon nakatingin ang dalawang pulis na nasa harapan ng building ng Key.

Mukhang may bisita si Detective.

Hindi pinapansin ang mga pulis na naglakad ako paakyat sa pintuan ng Key. Akmang papasok na ako nang bumukas ang automatic sliding door nang tawagin ako ng isa sa pulis.

"Anong kailangan mo?"

Bahagya ko siyang nilingon. "You don't need to know anything except you're not the one I'm here for."

Humakbang na ako papasok pero muli akong napahinto ng may humawak naman ngayon sa braso ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at mabilis na iginalaw ko ang braso ko hanggang sa ako na ngayon ay may hawak sa lalaki. Inikot ko ang kamay niya sa likod niya dahilan para mapasigaw siya.

"Do not dare touch me again."

Bahagya akong yumuko ng makita kong bumunot ng baril ang isa niyang kasamahan. Agad na binitiwan ko ang pulis na hawak ko at binunot ko ang baril niya. Itinulak ko ang lalaki pababa sa apat na baitang na hagdanan at mabilis akong umayos ng tayo. Nagpaputok ako sa direksyon ng isa pang pulis pero pinatama ko iyon sa police car na nakaparada sa likuran niya. Then instead of shooting at him, I raise the gun and threw it at him...clocking the gun in his hand.

Bago pa sila makakilos ay naglakad na ako papasok ng Key. Napailing na lang ako ng makita ko ang mga empleyado doon na ngayon ay nakatutok na ang mga baril sa akin. "Pakibaba ang mga baril ninyo. Hindi kayo ang pinunta ko dito."

"Identify yourself!"

Pinaikot ko ang mga mata ko. Kinapa ko ang isang bagay sa bulsa ko at hindi ko pinansin ang pagkaalarma nila. "Everyone, relax. This is not a gun." I said and showed them a circular device. With a smile that they cannot see, I tossed the thing on a nearby wall where it stuck. "But it's a bomb."

Nanigas ang mga empleyado ng Key sa kinatatayuan nila. Itinuro ko ang explosive, "Ibaba niyo ang mga baril niyo kung ayaw niyong pasabugin ko ang lugar na ito."

Nag-aalangan man ay wala na silang nagawa. Maliban na lang sa isang lalaki sa hilaga ko na ngayon ay matalim pa rin ang pagkakatingin sa akin. Lumapit ako sa kaniya, "Lower your gun."

"Papatayin mo rin naman kami kapag nakuha mo na ang gusto mo di ba? Pasasabugin mo rin naman ang lugar na ito kaya sisiguraduhin ko na muna na kasama ka namin na mawawala."

Malamig ang tingin na hinawakan ko ang baril na hawak niya gamit ng mga kamay na may suot na itim na gwantes. Nanlaki ang mga mata ng lalaki ng nayupi ang nguso ng hawak niyang baril. "You watch too much movies, Sir. I won't gain anything by killing you all so I won't but if you pissed me off maybe I'll reconsider."

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon