CHAPTER 14 ~ Beauty ~

91.8K 2.6K 175
                                    

CHAPTER 14

STORM'S POV

"Storm, please open the door. Kailangan mong kumain. Magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo."

Hindi ako umimik at lalo ko lamang mariin na ipinikit ang mga mata ko. Ayoko silang makita. Gusto ko na mapag-isa. Gusto ko lang ng katahimikan na hindi ko makuha-kuha mula ng dumating ang lahat ng kamalasan sa buhay ko.

"Bakit hindi na lang natin sirain ang pintuan Hermes? Mamaya kung ano pa ang gawin niya. Baka-"

"She's fine Dawn. She won't do that."

"What if she do? Paano kapag sinaktan niya ang sarili niya?"

"She won't do that to Ale."

"Iniwan niya si Ale kaila Tita Hurricane. What if the information about Wyatt was the last straw? What if she committed-"

"She won't do that to Ale."

Niyakap ko ang tuhod ko habang nanatiling nakasiksik sa gilid ng kama. I don't want to see anyone. I don't want them to see me like this. I don't want them to hurt more knowing I'm like this. I was barely keeping myself together and this. Hindi ko na alam kung hanggang saan ko pa kakayanin.

"Storm buong araw ka ng hindi lumalabas. Just let me see you. Kahit sandali lang. Pangako aalis ako kaagad." Nanatili akong hindi sumasagot sa kabila ng pakiusap ni Hermes. "Storm please."

Yat Yat and Mi Mi. Tama si grandmie. I am Mi Mi. Once upon a time naging ako si Mi Mi para sa isang bata na laging mag-isa at walang kalaro. Kahit inaayawan siya ng mga bata sa paligid namin dahil nakakatakot ang pamilya niya ay nanatili ako para maging kaibigan niya.

But I was a child back then. Madaling humanap ng kaibigan, madaling magtiwala. It was so easy to forget. Dahil kapag bata ka simple lang lahat ng bagay. Kapag nasaktan ka isang band aid lang wala na ang sakit at kapag iniwan ka madali mong matatanggap dahil kalaunan ay makakalimutan mo na rin.

Lumaki ako na malaki ang pamilya. Lumaki ako na maraming kaibigan. Parte lang ng kabataan ko si Yat Yat. But for him...I was everything. Pero ngayon siya ang taong kinamumuhian ko. Ang tao na sumira sa akin. Ang tao na gusto ko na burahin sa mundong ito.

Hindi ko maiwasang maisip, kung kilala ba namin ang isa't-isa ngayon gagawin niya ba ang mga ginawa niya sa akin? Sasaktan niya ba ako? Ilalayo niya ba ako sa mga taong mahalaga sa buhay ko? Maybe he will hate me more. Dahil kinalimutan ko siya.

Napapitlag ako ng makarinig ako ng malakas na pagkalabog. Lalo akong nagsumiksik at yumukyok ako sa hita ko. Ang mga luha na akala ko ay naubos na ay sunod-sunod na naman na pumatak.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko at kasunod niyon ay humakbang palapit sa akin ang tao na pamilyar na pamilyar sa akin.

"Storm..."

"G-Get out." I said with a voice so quiet that I'm not even sure if he can hear me clearly.

"You need to eat. Baka magkasakit ka-"

"Get out!"

"Hindi na ako lalayo sa iyo kahit na gaano pa karaming beses mo ako na ipagtulakan."

"Get out...please..."

Narinig ko na may ibinaba siya sa bedside table ko. Pagkaraan ay naramdaman ko na pumalibot sa akin ang mga bisig niya. Sinubukan ko na magpumiglas pero hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa akin. "It will be okay. I promise."

"Pagod na pagod na ako Hermes." pumipiyok ang boses na bulong ko. "Hindi ko na kaya...hindi ko alam...hindi..."

"Naiintindihan ko kung napapagod ka na. It's okay, I'll take care of you. Nandito lang ako parati dahil mahal na mahal kita."

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon