CHAPTER 25 ~ Through The Years ~

99.2K 2.3K 151
                                    

CHAPTER 25

STORM'S POV

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa pagkakatingin sa salamin. Sa kabila ng nakikita ko repleksyon ko ay tila wala doon ang atensyon ko. Hindi ko kasi maiwasan balikan lahat ng nangyari. Hindi ko mapigilan na alalahanin lahat ng pinagdaanan namin. Namin ng lalaking pinakamamahal ko.

Kung na-realize ko lang siguro ng maaga pa wala na sanang panahon na nasayang. Siguro matagal na kaming nakabuo ng pamilya.

Aaminin ko kasalanan ko lahat. Kasalanan ng puso ko na hindi ko siya kaagad nakita. Kasalanan ko na pinili kong saktan ang sarili ko habang patuloy na minamahal ang taong hindi kailan magiging akin. Na pinili kong hindi makita ang isa pang taong nasasaktan. Pero ganoon siguro talaga. Hindi pwedeng nasa harapan mo na agad ang gusto mo. Hindi pwedeng makuha mo agad hanggat hindi mo pinaghihirapan.

"Storm?"

Napakurap ako at nilingon ko ang tumawag sa akin. Bahagya akong napangiti ng makita ko ang ama ko na nakatayo sa may pinto ng kwarto na kinaroroonan ko at nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Yes, Dad?"

Hindi siya sumagot at sa halip ay lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap ako sa salamin. Tinignan ko siya mula sa repleksyon ng salamin. Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya.

"Are you okay?" he whispered.

"Of course. I'm fine, Dad."

"Are you ready to see him?"

Umiling ako. "To be honest Dad, I'm not. Natatakot ako. Natatakot ako na umalis dito at pumunta sa kaniya."

Naramdaman ko na humigpit ang pagkakapit niya sa balikat ko na para bang binibigyan niya ako ng lakas sa pamamagitan niyon. "You don't need to be scared anymore, Storm. Nothing will happen again."

Ilang sandali na nakatingin lang ako sa kaniya bago ako tumango. Inalalayan niya ako at naglakad kami palabas hanggang sa marating namin ang kinapaparadahan ng kotse na gagamitin namin kung saan naghihintay na sa amin si Mommy.

Pumasok ako sa loob ng kotse at kaagad na niyakap ako ng aking ina na mahinang bumulong sa tapat ng tenga ko. "Are you okay, sweetheart?"

"I'm trying." I whispered back.

Tahimik ang naging byahe namin. Panaka-naka ay lumilingon sa akin sila Mommy at Daddy pero nanatiling nakatingin lang ako sa mga kamay ko habang pilit na kinakalma ang sarili ko. I can't lose it now.

Pababa na ang araw ng makarating kami sa lugar na kailangan naming puntahan. Sa labas ay makikita ang mga taong nauna na sa amin at kanina pa kami hinihintay. Humarap sa akin si Mommmy at hinalikan ako sa pisngi bago siya lumabas ng sasakyan. Naiwan kami ni Daddy na ngayon ay tahimik na nakatingin sa akin.

"Dad..."

Kinuha niya ang isang kamay ko at napatingin ako roon ng maramdaman ko na may kinabit siya roon. Napakagat-labi ako kasabay ng pagtulo ng luha mula sa mga mata ko. "Dad...h-how?"

"Itinapon mo ang bracelet na iyan noong panahon na umalis si Sky papunta sa ibang bansa. Nakita ko ng tinapon mo iyan at kinuha ko ng makaalis ka na. I know that you love this bracelet. But when Sky went away and you threw this, I realized that you were depriving yourself of something good because of guilt."

"Dad." I whispered with pain in my voice.

"Alam ko kung anong ginawa mo, Storm. Alam namin ng Mommy mo. Pero hindi ka namin sinisisi dahil nakita namin kung gaano mo pinilit na mapasaya si Sky. Gumawa ka ng mali pero gumawa ka din ng tama. Storm you remember what I said at your prom night?"

BHO CAMP #4: The RetributionWhere stories live. Discover now