CHAPTER 11 ~ Ale ~

104K 2.6K 197
                                    

CHAPTER 11

STORM'S POV

Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman ko na gumalaw si Hermes at hinapit ako palapit sa kaniya. Nakasandal siya sa isa sa mga puno malapit sa batis habang ako naman ay nakasandal sa kaniya. He said that we can stay here for awhile. That we can stay here until I can be ready to go back home.

Home. My real home.

"Paano mo naalala ang papunta rito?" tanong ni Hermes.

Nagbaba ako ng tingin. Tumingin ako sa harapan namin. Tanging ang bilog na buwan lang ang ilaw namin sa madilim na gabi. "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ng mga paa ko dito. Basta ang alam ko lang magiging ligtas ako rito."

"Pumupunta pa rin ako rito noon. Kahit nasasaktan ako kapag nagpupunta ako ginagawa ko pa rin. Dahil kapag nandito ako pakiramdam ko kasama pa rin kita."

Malungkot akong ngumiti at bahagya kong pinisil ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. "Hindi din naman magaganda ang ala-ala natin dito. Noong mga bata pa tayo, noong mawala ko ang kid tracker natin at naligaw tayong dalawa rito, ilang oras tayong nastuck dito dahil biglang bumagyo. Dito ako pumupunta kapag napapagalitan ako ng parents ko, kapag bumabagsak ang grades ko, kapag..."

Napatigil ako at pilit na inapuhap ko ang dapat kong sasabihin. Pero hindi ko nagawa dahil hindi ko maalala kung ano ba ang dapat na sasabihin ko.

"But it's still our place. Kahit puro away at problema lang ang pinupunta natin rito. Dahil sa lugar na ito meron lang Storm at Hermes." sabi niya.

Animo boses ang mga ala-ala ko kasama si Hermes. Naririnig ko kung paano niya sabihin sa akin na mahal niya ako. Kung paano siya nasasaktan dahil hindi ko siya magawang mahalin. Na kahit anong mangyari hihintayin pa rin niya ako.

"You really love me." I murmured.

"Mahal kita higit pa sa inaakala mo. Higit pa sa kung ano ang sa tingin mo ang kayang ibigay ng isang lalaking nagmamahal."

Muli akong nag-angat ng tingin at sinalubong ko ang mga mata niya. "Bakit?"

"I've been loving you for two life times. Minahal na kita noon pa bago ka mawala. When you died, when I thought you died, akala ko namatay na rin ako. And now I'm back again because you're here...and I still love you. I love you even more."

Pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko sa mga salita niya. Hindi ko alam kung bakit pero nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Na para bang nasasaktan ako dahil alam ko na nasaktan siya sa pagkawala ko.

"Storm." tawag pansin sa akin ni Hermes ng hindi na ako muling magsalita pa.

"Natatakot ako."

"Hindi mo kailangan matakot." bulong niya at hinaplos ang buhok ko. "Hindi ka namin pababayaan."

"Natatakot ako na masaktan kayo." nagbaba ako ng tingin sa magkahugpong namin na mga kamay. "Hindi nakita ni Detective Bach ang mukha ko. Pero alam ko na inalerto niya ang Claw. They can find me here. Kaya nila kayong saktan. Hermes-"

"Napapalibutan tayo ng mga agent, Storm. Inalerto ko na sila. But Claw won't attack now."

"They will."

"No they won't. You rattled them, Storm. Binawasan mo ang mga tao nila. Hindi lang basta tauhan nila kundi mga matataas pa ang posisyon. They won't attack us now. Not when they're outnumbered."

Kumawala ako sa kaniya at tuluyan na akong humarap sa kaniya pero hinila niya lang ako pabalik pero sa pagkakataon na ito ay kinandong niya ako patagilid. "I'm sorry." he murmured. "I can't bear not to touch you. Pakiramdam ko mawawala ka ulit."

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon