EPILOGUE

119K 2.7K 205
                                    

EPILOGUE

STORM'S POV

(Three months later)

Inalis ko ang tingin ko sa langit at nakangiting ibinaling ko ang atensyon sa mga kasama ko. Nandito kami sa likod ng BHO CAMP kung saan napakalaking tela ang inilatag para sa picnic na naisipang gawin ng mga agent.

Sarado pa rin ang buong BHO CAMP. Pinanindigan na kasi namin na iparenovate ang lugar. Baka maging issue pa kasi kapag bumalik ang mga patron guest namin at makitang wala namang nagbago sa lugar. Dahil malapit na rin matapos ang renovation ay naisipan ng mga agent na magpicnic dito sa likod ng headquarters bilang selebrasyon.

Kasama rin namin dito ang anak nila Sky at Adonis na si Russia at Nero, si Freezale na karga-karga ang new baby girl niya na si Tia at ang asawa niya na si King na buhat ang panganay nila na lalaki na si Irish.

Di kalayuan naman sa amin ay nandoon si Dawn na nakaunan sa kandungan ni Triton na karga naman ang anak na si baby Vodka. Yes it's a girl at very spoiled sa daddy niya.

"Mag bo-bonfire daw ang mga Original Elites."

Nilingon ko si Snow na siyang nagsalita. Napapailing na tinignan ko ang tinuro niya at nakita ko nga ang Original Elites na nagtutumpok-tumpok. Sigurado naman ako na wala ng ibang makakaisip na sirain ang mamahaling damo na nakapalibot sa grounds kundi ang pinakaunang head ng BHO na si Poseidon Davids.

"Hanggang gabi tayo dito?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya at hindi na umimik. Hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Kahit na kasi sabihin na pinipilit ni Snow na ipakita sa amin na walang nagbago sa kaniya ay hindi iyon umuubra. Malaki ang pinagbago ni Snow. Lalo na ngayon na malapit na ang kasal ni Phoenix.

I want to hate that woman but I can't. Sa tagal niya dito sa BHO CAMP nakita naman namin na mabuti siyang tao. And she's in good terms with Snow for some reason.

"What?"

Napakurap ako ng mapansin ko na nagtatakang nakatingin na din sa akin si Snow. Umiling ako at tumayo. "Wala. Sandali nga lang at kukuha muna ako ng maiinom."

Tumayo ako at naglakad ako papunta malapit sa back door ng headquarters kung saan namin iniwan ang mga cooler. Binuksan ko ang lalagyan at akmang kukuha ako ng San Mig Light ng may maalala ako. Nangingiting kumuha na lang ako ng juice at sinarado ko na ang cooler.

"Favorite ni Russia 'yan. Baka iyakan ka no'n mamaya kapag nakita niyang wala diyan ang juice niya."

Nilingon ko ang nagsalita at napangiti ako ng makita ko si Adonis. "She'll live." sabi ko at itinusok ko na ang straw sa buko juice pack na hawak ko.

"Ikaw talaga. Pati pamangkin mo na baby pa ay pinapatulan mo."

Binelatan ko siya. "Baby din ako ni Hermes kaya quits lang kami."

Napahalakhak ang lalaki. Hindi ko mapigilang hindi mapatulala sa kaniya. After all he's been my long time love. Idagdag pa na iba na ngayon si Adonis. Halos lagi ko na siyang nakikita na nakangiti o tumatawa. Hindi katulad noon.

"I'm glad." he whispered.

"Hmm?"

"I'm glad that you didn't remember me before."

Kaagad na naintindihan ko ang tinutukoy niya. Iyong mga panahon na hindi pa nagbabalik lahat ng ala-ala ko. "Bakit?"

"Nakatuon sa akin ang atensyon mo noon kaya hindi mo magawang tumingin sa paligid mo, Storm. Pero ng mawala sa iyo ang memorya nagawa mong makita ang mga hindi mo makita noon."

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon