CHAPTER 15 ~ Fiancé ~

96.9K 2.5K 405
                                    

CHAPTER 15

STORM'S POV

(1 month later)

Hindi kumukurap na pinagmasdan ko si Hermes na kasalukuyang nakikipagkulitan sa asawa ni Sky na si Adonis. Sa hindi ko mapagtanto na dahilan ay 'wifey at hubby' ang tawagan nila. Mukhang hindi naman nagtataka ang ibang mga agent kaya hindi na lang din ako nagsalita pa.

Nakakatuwa ang closeness nilang dalawa. Ang sabi ng kapatid ni Hermes na si Athena na kanina ay naligaw dito sa Craige's, magkasama daw si Adonis at si Hermes sa iisang ampunan. Ang nakakapagtaka lang wala akong naaalala tungkol kay Adonis. Basta alam ko lang na galing sa ampunan si Hermes, inampon siya ni tita Fierce at tito Cloak at magkasabay kami na lumaki.

The thing is isa pala si Adonis sa mga kababata ko. And I don't know why, but whenever I look at him, my heart aches for no reason. Natutuwa ako kapag nakikita ko na masaya si Sky kapag kasama siya. But sometimes I feel different towards him. Like some part of me is reaching out for him.

Siguro imahinasyon ko lang. Wala naman akong matandaan na may attachment ako sa kaniya. Siguro kaya nawala siya sa memorya ko. Dahil hindi naman importante ang mga alaala ko tungkol sa kaniya.

Napadiretso ako mula sa pagkakakalumbaba ko ng mapatingin sa gawi ko si Hermes. Kita sa mukha niya ang kasiyahan pero kaagad na nawala iyon nang sundan niya ang tinitignan ko. Nag-iwas siya ng tingin at pilit na ngumiti. "May kailangan pa pala akong gawin sa kusina."

Naguguluhang sinundan ko siya ng tingin ng tumayo siya at naglakad papunta sa kusina. Ibinalik ko ang tingin ko kay Adonis at nakita kong sinundan niya rin ng tingin ang kaibigan. Huminga ang binata ng malalim at pagkatapos ay alanganin ang ngiti na binalingan ako.

"Anong nangyari ro'n?" tanong ko.

"Baka may importante lang na naalalang gawin. Alam mo naman iyon basta nandito ka walang gagawin kundi magpacute sa iyo kaya ang daming nakakaligtaan."

Namula ako sa sinabi niya. Natatawang lumapit siya sa pwesto ko malapit sa counter at umupo siya sa harapan ko. Hindi lumagpas sa atensyon ko na napatingin sa gawi namin si Dawn at Triton na nasa di kalayuan. Nagkatinginan sila at nagpalitan ng makahulugang tingin.

"Parang ang weirdo ng mga tao ngayon." sabi ko.

Ngumiti si Adonis. "Puyat lang ang mga iyan. Alam mo na, ang daming trabaho eh."

"Sabagay. Nasan na nga pala si Sky?"

"Nasa BHO CAMP Hospital siya para sa check-up nina Russia at Nero. Kasama niya ang mga magulang niya."

"Bakit hindi ka sumama?"

Napakamot sa ulo niya si Adonis. "Sabi ni Sky samahan ko daw kayo ni Hermes dito. Baka sakaling matrigger ko daw ang alaala mo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang alaala ko? "May importante ba ako na kailangang maalala tungkol sa iyo?"

Saglit na tinitigan lang ako ni Adonis pagkatapos ay umangat ang gilid ng labi niya at umiling. "Wala naman. 'Wag mo na lang intindihin ang kapatid mo. Siguro ayaw niya lang patagalin ang paghihirap ni Hermes."

"What?! Bakit anong problema ni Hermes? May gumugulo ba sa kaniya? May nananakit? Sinong walang kaluluwa ang pahihirapan si Hermes?! Sabihin mo sa akin at ng makatikim sa akin 'yan!" nanlalaki ang mga matang sunod-sunod na tanong ko habang unti-unti ring tumataas ang boses ko.

Napapitlag ako ng bigla na lang tumawa ng pagkalakas-lakas ni Adonis. Naluluha pa ang mga mata niya na parang sinabi ko ang pinakamalaking joke na naimbento sa mundo.

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon