CHAPTER 3 ~ Kiss ~

109K 2.6K 148
                                    

CHAPTER 3

DETECTIVE DALTON'S POV

Napapailing na lamang ako habang nakatingin sa isang malaking abandonadong bodega na nasa harapan ko. Kasalukuyang nasa loob ang police team na ipinadala upang hulihin ang mga taong sangkot sa pagkawala ng benteng katao na matagal ng hinahanap ng pulisya. Maayos sana ang operasyon kung hindi lamang sa media at mga tao na ngayon ay nagkakagulo sa harapan ng warehouse.

Ayon sa isang napagtangungan ko kanina ay mayroon daw nag tip sa media ukol sa magaganap na operasyon. Kung sino, walang nakakaalam.

"Relax ka lang, Detective. Mukhang wala na namang takas ang mga salarin."

Malamig ang tingin na binalingan ko ang pulis na malapit sa akin na siyang nagsalita, "SPO1 Garcia, hindi biro ang kaharap natin ngayon. Connie Willard is suspected to be a member of Claw. Magagawa ko lang magrelax katulad ng sabi mo kapag nasa kulungan na ang lahat ng miyembro niyon."

"Isa-isa ng pinapatay ang mga miyembro ng Claw. Sa tingin ko ay hindi naman na natin sila kailangang problemahin-"

Naputol ang sasabihin ng lalaki ng makita ang ekspresyon sa mukha ko. Tahimik na ibinalik na niya ang tingin sa harapan namin. Ang pagpatay ay krimen. Kahit pa sabihin na mga halang ang kaluluwa ang binubura sa mundo ng killer ay hindi ibig sabihin ay tama ang ginagawa ng kung sino mang gumagawa ng mga pagpatay sa miyembro ng Claw. May nararapat na parusa para sa kanila at hindi sa paraan na ganito.

Napatingin ako sa abandonadong warehouse ng makarinig ako ng mga putukan. 12:40 na ng hapon. Mag-iisang oras ng nasa loob ang team.

Sa kabila ng ingay ng mga tao sa paligid ay rinig na rinig pa rin ang sumunod na mga putok. Nagsigawan ang mga tao at nagsimulang tumakbo palayo pero dahil sa dami nila, kasama pa ng media na mukhang walang balak umalis, ay hindi sila makausad mula sa kinaroroonan nila.

Mabilis na kumilos ang mga kasama kong pulis at sumuong sa napakaraming tao. Bukod pa sa kanina pa mga nakaharang sa pintuan ng warehouse na pulis ay gumawa naman ang iba ngayon ng daraanan ng mga nahuli.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan ng warehouse at lumabas ang mga pulis na ngayon ay may kaniya-kaniyang hawak na mga taong nakaposas. Ang pinakahuling lumabas ay isang babae. Connie Willards. Ayon sa source siya ang namuno sa pagdakip sa mga kababaihan na kalunan ay ibebenta nila sa mga kliyente nila.

Walang bakas ng kahit na anong pagsisisi sa mukha ng babae. Halata rin na nanlaban siya dahil sa pamamaga ng kaliwang pisngi niya at ng kanang mata niya na hindi na maidilat.

Hindi ako lumapit sa kanila. Ang trabaho ko ay suriin ang maiiwan na crime scene. Hindi dapat ako ang nakatoka rito pero dahil sa pakiusap ng head namin ay wala na rin akong nagawa.

I was about to turn around when my eyes caught something. A lean man with a bulky leather jacket. May suot siyang bullcap at nakataas din ang hood ng suot niyang jacket. Palapit siya ng palapit sa kinaroroonan ng mga pulis na pilit itinatawid ang mga salarin pero dahil sa dami ng mga tao ay hindi gaanong makausad Hindi katulad ng mga taong nakikiusyoso o ng media ay walang pagmamadali sa kilos niya. Para bang kalkulado at alam niya ang ginagawa niya.

Sinundan ko ang tinitignan niya at tumigil iyon kay Connie Willard.

Mabilis na tumakbo ako palapit sa kanila pero naharangan ako ng mga tao. "Halt!"

Hinugot ko ang baril ko mula sa holster niyon at nagpakawala ako ng warning shot. Nagkagulo ang mga tao at naalarmang napatingin sa akin ang mga pulis. Mabilis na iginaya nila ang mga salarin pero hindi sila makaalis. Ginigitgit sila. Pinilit na hinawi ko ang mga tao pero alam ko. Alam ko na hindi ako aabot.

BHO CAMP #4: The RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon