S I M U L A

59.9K 652 18
                                    

T E A R S OF T H E D E V I L

by eychtee






A N G S I M U L A



"O ano ngayon?! Sabihin mo ang totoo Denise!  Umamin ka na ikaw ang nagpakalat ng punyetang chismis na yan! Umamin  ka!" Sumulak ng todo ang dugo ko't medyo nanikip ang dibdib.





"Hindi nga sabing ako eh! Hindi! Pakawalan mo  na ako!" Sinampal at pinaulanan ko ng kalmot ang mukha nito habang  nakalambitin sa isang mahabang lubid.





"Ayaw mong magsalita ha! Give me the damn gun  Maria!" Dali-daling inabot ng aking pinsan ang baril. Ngayon palang ako  nakahawak ng ganito kaya't nahihirapan ako sa pagkasa. Napahalakhak ako  sa takot at panginginig na nakapinta sa kanyang mukha.





"Napakabarumbada mo talaga Barbara! Magbabayad  ka sa lahat ng ginawa mo sa akin! Sukdulan ang kasamaan mo!" Nag-abot  ang aking mga kilay at buong lakas na kinasa ang baril. Dumagundong ang  buong bodega nang biglang pumutok ito at tumama sa kanyang balikat  malapit sa dibdib. Nagulat ako sa pagbagsak ng kanyang ulo at pagkawala  ng malay. Nanginginig kong itinapon ang baril sa sahig at hinarap si  Maria. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.






"H..hindi ko sinasadya! I was just trying to scare her! What have I done?!" Napadausdos ako sa sahig.






"Let's go Barbara! Tumakas na tayo!" Hinila ni Maria ang aking kamay ngunit kaagad ko itong iwinaksi.






"D..dalhin natin sya sa ospital. Wag natin  syang iwan dito." Nanghihina na ang aking katawan ngunit pinilit ko  paring makatayo at makalas ang bihag sa pagkakatali. Sumalampak sya sa  sahig kaya mabilis ko itong dinaluhan. Pinagtulungan namin syang  maipasok sa kotse at pinaharurot ang sasakyan papunta sa isang malapit  na ospital. Kandong ko ang kanyang ulo habang mabilis na nagpapatakbo si  Maria. Binuksan nya ang bintana at itinapon ang baril sa bangin na nasa  tabi ng kalsada.





"Barbara wear this. And put a very dark mark on  your face using this eyeliner. Tapos na akong maglagay ng dumi sa mukha  ko. Make sure na hindi ka makikilala!" Mangiyak-ngiyak kong ginuhitan  ang aking mukha at isinuot ang jacket na may hood. Huminto si Maria sa  pagmamaneho at lumabas sa driver's seat. Lumapit sya sa matandang  nagtitinda ng balot. Ilang minuto nya itong kinausap at pagkatapos ay  binuksan nya ang pintuan ng kinauupuan namin at buong lakas na inangat  si Denise, ang babaeng nagkalat ng chismis na ngayon ay ganito ang  inabot.





"Parang awa nyo na po. Tulungan nyo po kami.  Pinaghahabol po kami ng mga masasamang tao. May tama po sya at kailangan  nyang maidala sa ospital pero hindi po kami pwedeng manatili dito."  Umiiyak si Maria habang nagmamakaawa. Hinawakan ng matanda ang kanyang  ulo at bumigkas ng ilang salita bago tumango.





"Gamitin nyo po ito para makarating agad kayo  sa ospital. Maraming salamat po!" Sabay abot ng ilang libong pera na  kanyang inilukot. Taranta syang napatakbo pabalik sa driver's seat at  humarurot paalis.





Pinagmasdan ko ang papaliit na imahe ng matanda  at ni Denise sa likod. Maya-maya ay may isang sasakyan ang huminto  kaya't hinatak ni Maria ang akselerador upang hindi kami maabutan.





Nagtungo kami sa kabilang bayan at huminto sa  isang beach resort. Wala pang tao sa oras na ito dahil alas kuwatro pa  lang ng umaga. Agad kaming naligo sa banyo bago dumiretso ulit sa  sasakyan. Binuhay ni Maria ang makina at napagdesisyunan naming umuwi sa  bahay upang hindi makatanggap ng panghihinala. Ipinalagay nya sa'kin sa  plastik ang aming mga hinubad na damit at ipinatapon sa bangin ng  kalsadang aming dinaanan.





Tears Of The DevilWhere stories live. Discover now