Chapter 37- Settled

53 3 0
                                    

Magkahawak-kamay na pumasok kami ni Daniel sa hotel kung sa'n naka check-in ang ibang barkada niya.

Nakita namin sa may reception area sina Mia at Paige.

"Gising pa kayo?" untag ni Daniel sa dalawa.

Mukhang nagulat sila pagka-kita sa'min.

"T-teka, naguguluhan ako. Ano ba'ng nangyayari?" si Mia na mukhang kinakabahan.

"I'll explain later. Si Carina?" ani Daniel.

"Yun na nga, pare, eh. Umalis na nang di nagpapaalam" sagot ni Paige.

"Ano?!" nagpaalam si Daniel na aakyat muna sa kwarto ni Carina.

Lumapit sina Mia sa akin.

"Javi, ano'ng ibig sabihin nito? Ba't magkahawak kayo ng kamay ni Daniel?"

"Eh, k-kasi..."

"Bumalik na ang memorya niya" may nagsalita mula sa kung saan.

"Eda?" si Paige.

Lumapit si Eda sa amin.

"Gising ka din pa pala?" tanong ko.

"Hindi, hindi. Picture lang to."

"Tsss" I slapped his shoulder.

"Teka, teka, so you're saying na... Nakakaalala na talaga si Daniel? Pa'no na... Pa'no na ang mom ni Daniel?" mukhang nag-aalala si Mia.

"Chill, guys. Malaki na si Daniel. He already knows how to handle such things.  Let's just be happy na nakakaalala na siya with the help of his own. Atleast alam na natin na si Javi parin pala talaga ang babaeng mahal niya. Diba bes?" Eda bumped my left shoulder.

Nagtinginan kami'ng lahat. The three of them gave me a happy smile and nag-group hug kami.

"Javi, magsabi ka naman kung nasasaktan ka talaga. Tutulungan ka naman namin, eh. Even against sa mother niya. Parte ka na rin ng barkada, diba?" naluha ako sa sinabi ni Mia. "Naglihim ka pa. Akala namin ok lang. Mahal mo pala parin siya"

"Thank you, guys..." wala na ako'ng ibang masabi dahil masaya na ako.

Masaya na ako dahil may mga taong tutulungan ako sa kung ano ma'ng problema ang meron ako.

Narinig nami'ng bumukas ang pintuan ng elevator. Lumabas doon si Daniel.

"She's gone..."

---------------------------------------------

Mataas na ang sikat ng araw at naka-empake na ang mga gamit namin.

Tinatanaw ko ang alon ng dagat mula sa bintana ng closed cottage house.

Hindi pa kami nakakaalis kasi kinakausap pa ni Daniel ang mga barkada niya tungkol sa nangyari.

Tiningnan ko ulit ang direksiyon nila.

Nasa balcon lang sila.

Sana naman matanggap nila na kami na naman ulit.

Hawak-hawak ko ang sulat na ibinilin ni Carina para sa'kin.

Javi,
    Medyo awkward to para sa'kin pero "hi". Sana pagkatapos mo'ng basahin to, hindi ka magkimkim ng galit sa akin. Gusto ko lang sabihing sorry dahil nagpanggap ako'ng walang alam. Mula nu'ng nakikita ko kayo'ng magkasama ni Daniel at iba ang tinginan niyo, gumawa ako ng research. I checked your background profile at nalaman ko'ng... You're his ex. Let me correct that, ikaw ang taong mahal niya. Araw-araw sinasabi niya sa'kin na may isang babaeng palaging nasa isip niya, na ganito ganiyan ang lagi nilang ginagawa, and all those times, inakala niya'ng ako yun, pero hindi, eh. Alam ko'ng hindi ako yun, pero nagpanggap ako'ng "oo ako nga yun. Ginawa natin yun dati". Masakit pero pinagpatuloy ko ang pagpapanggap dahil mahal ko siya. Now, what can I do? Kung kayo'ng dalawa ang tunay na nagmamahalan. I'm not giving him up for you, Javi, I'm giving him up for myself. Ayoko nang itali ang sarili ko sa bagay na hindi na man na ako masaya. I hope you get along well. Ako na bahala kay Tita Hanni.

-Carina Montealegre

Sinirado ko ang papel kung saan nakapaloob ang sulat niya.

Umangat ang ulo ko sa langit.

Pinapatawad na kita.

Sana ay maging masaya na rin si Carina.


"Javi..." lumingon ako sa kung sino ma'ng tumawag. Nakita ko'ng nakatayo sila'ng lahat sa may pintuan at isa isa na nila ako'ng nilapitan.

"We're so sorry" they hugged me all at once.

I think everything was settled.

Nagpapasalamat na tumingin ako kay Daniel.











He winked at me.

Matagal-tagal ko na ri'ng hinintay na gawin niya yu'n sa'kin. ;)

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon