Chapter 3- A New Beginning?

138 4 0
                                    

"Sir, please naman po. Kahit 2.5 lang sir. Pleaseeee" naiiyak na talaga ako sa harap ng Math professor ko.

"I'm really sorry, Ms. Magpugay, but we can't change anything about it. Look, you lack 200 points to get a final grade of 2.5. 2.6 is the only grade I can offer, unless you want to have a 5.0" he firmly said.

"But sir... I'm a dean's lister in this college and I may lost my scholarship. Please sir. Maawa naman po kayo" halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa. Lecheng buhay to. Nakakahiya na.

Nagtitinginan na ang ibang staffs sa faculty. Yung ibang taong nandu'n ay natatawa, yung iba naman ay awang-awa sa'kin. "Pagbigyan mo na, sir. We should understand that it may be a big lost for her" sabi nu'ng isang prof habang binabasa ang records ko, "She has high grades. Too bad for her side kung isang dos na grado lang ang ikasisira ng pangarap niya" I smiled towards the talking professor.

"O-----kaaaay. I'll think about it. Come again tomorrow, Ms. Magpugay. I'll give you a final decision if I'm going to reconsider about this. You should prepare because I might give you an alternative requirement."

"Sir thank you so much!! Binuhay mo ang katawang lupa ko" grabe ansaya ko lang talaga, mga pre XD "Ma'am thank you rin po" sabi ko sa isang prof na pinagtanggol ako awhile ago.

Bumungad ang mukha ng dalawa ko'ng alalay este mga kaibigan pala, paglabas ko ng faculty room. "Oh, ter? Ano raw" usisa agad ni Shiela.

"Binigyan ako ng chance ni sir. Baka bigyan raw ako ng alternative requirement. Mabuti na rin yu'n. Tara sa canteen. Lunch muna tayo" sagot ko sa kanila. Actually, first time ko nagka-grade ng line of 8 so it's really shocking for my part. Nag-aaral talaga ako nang mabuti at kahit na nga ba may kaya kami, ayoko'ng mawala ang scholarship ko.

Panay ko kasi absent sa Math class ni Sir kaya siguro nabigyan ako ng 2.6. 2.5 above kasi dapat ang maintenance sa grade in all subjects para hindi matanggal sa dean's list. Iniisip ko parin ang status ng grade ko hanggang natapos ang lunch time.

*bell rings*

"Besh, ang tanga mo'ng tingnan. Ikaw talaga, ano, napaka-nega mo. Maghintay ka lang dahil sasagutin na ng langit pati ng whole universe ang mga problema mo" untag ni Eddie (aka Eda) na classmate ko sa Mgt. subject.

Nakatutok parin ako sa kawalan habang nagsasalita si Eda. Napansin ko'ng marami siya'ng kasama.

"Eds, tara na. Hinihintay na tayo ni Dad" napalingon ako sa pamilyar na boses na narinig ko. Napatingin ako sa direksyon nila Eda. Marami pala sila. Nasa anim yata. Apat na lalaki (kasama si Eda XD) at dalawang babae na sa tingin ko ay kaklase ko rin sa Mgt.

Bigla ako'ng napatingin du'n sa lalaking nagsalita kani-kanina lang.

He looked into my eyes...


And suddenly, my whole world stopped.

Yung sinasabi nila na SLOWMO? Dude, ito na yun, eh. Everything's in SLOWMO. I never felt this way before. Is this the beginning of something?

"HOY TER, UMALIS NA SILA. NAPANIS NA YATA YUNG LAWAY MO, EH. KANINA PA TUMUNOG YUNG BELL. MAY NEXT CLASS PA. WAKE UP" bigla ako'ng nawala sa moment ko. Panira naman nito'ng si Shiela.

"Ano ba? Familiar kasi ang boses kaya napalingon ako sa nagsalita." pamimilit ko.

"Talaga? Halos magka-stiffed neck ka na nga sa paglingon mo, eh. 360 degrees? XD" binubully na nila ako. -_-

"Napadaan nga lang sila du'n sa cafeteria, pinagpantasyahan mo na agad yung gwapong kasama ni Eda. Ano? Nakahubad ba sa imagination mo? Hahahahahaha" tawang-tawa sila sa'kin. Tulungan niyo naman ako, oh. (T___T)

"Parang hindi natin yu'n classmate kasi ngayon ko lang nakita, eh. Kaano-ano kaya yun ni Eda? Aba'y matanong ko nga sa susunod baka ito na ang susi sa pagmo-move on mo, Javi" patuloy parin sila sa pang-aasar habang papasok na kami sa next class.

"Tumigil nga kayo. Actually, familiar talaga siya. Hindi ko lang alam kung kailan at saan ko siya nakita." wala pa'ng tao sa classroom pagpasok namin.

"Sabihin mo, sa panaginip mo nakita. Man of your dreams!" ani Kristen.

"Aba, ewan sa inyo. Sa inyo na yun kung gusto niyo" pagkasabi ko noon pa pumasok yung professor namin. Nakita ko naman na panay parin ang pang-aasar ng dalawa gamit ang ngiting pagkalaki-laki.

Naiintindihan ko naman na gustung-gusto na nila ako'ng maka-move on mula kay Dex, pero visible pa talaga ang sakit, eh. Hindi ko pa kaya. Kahit na ba malapit nang mag apat na buwan mula nang maghiwalay kami... Pero yung naramdaman ko kanina. May ibang pahiwatig yu'n. Maybe... For a new beginning?

Dala-dala ko parin ang mga problema hanggang sa pag-uwi ko.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon