Chapter 20- It's All About Timing

62 3 0
                                    

Hindi na kami nakatulog pagkatapos ng kantahan. Agad nang pinapasok nila mama at papa ang mga bisita sa loob ng bahay. Another surprise, may handaan na pala'ng naka-prepare. Makikita mo na sa iba't ibang sulok ay may nagkakantahan, nagkakainan, nagchi-chit chat at kung anu-ano pa'ng recreational activity. XD

"Ako na diyan" pinapatabi ko si Daniel mula sa lababo pero umayaw siya.

"Sige na, magpahinga ka na diyan. I know na wala ka pa'ng tulog. Ako na tatapos nito, loves ;)" he insisted. Halos mahimatay ako sa "loves" na yan.

"Excuse me? Nag-iisa lang ako. Bakit loves?" hindi ko naipigilang masabi.

He laughed, "Haha! Eh di, sweetheart nalang. Babe? Honey? What do you want, huh?" patapos na yata siya sa paghuhugas.

"Aba, nagmamadali ka, sir? Nage-enumerate ka na ng endearments, eh. May deadline ba tayo?"

"Hahaha! There's no deadline for an eternal love I have for you" sa wakas ay natapos na rin siya.

Umalis na pala sila at mag-aalas sinco na pala ng umaga. Naiwan na si Shiela at Daniel ng bahay. Magse-stay muna sila for today and aalis rin sila mamaya. Si Shiela ay himbing nang natutulog.

"Matulog ka na muna. Tama na ya'ng paghu-human gazing sa'kin"

"Human gazing? Excuse me, Mr. Pahamak?" I was sarcastically laughing.

He pinched my nose at inutusan na ako'ng matulog sa kwarto. We all slept peacefully kahit na 5am na ng umaga...

---------------------------------------------

Ilang oras ang lumipas ay nagising ako'ng may nota sa lamesa ko...

Happy Birthday, loves! Sorry may emergency at kailangan ko nang bumalik ng Manila. Hoping to see you soon. Babawi ako. I love you to infinity and beyond *kiss mark*

The human you always gaze at,
Daniel❤️

I felt sad and at the same time, happy. More than that, I feel so happy. Hindi ko naman 'to hinihingi, Lord, pero binigay mo na yu'ng total package, eh. Alam niyo yu'n? Yung tipong tuloy-tuloy na sa jackpot round. XD

Right at that very moment, napag-desisyunan ko'ng sasagutin ko na siya.

Sasagutin ko na siya ng "Oo, Daniel, mahal na kita."




Hindi na ako makapaghihintay pa. Susundan ko siya sa Manila. Magtatapat na ako ng damdamin ko.

*beep beep*

*opens text message*




Javi, this is Dex. I heard nasa Davao ka raw ngayon, and so I am. Pwede ba tayo'ng magkita? I want to talk about us. I want us to be back together again.







</3

In just a blink of an eye, nasa confusion stage na ako.

Ano ba ang gagawin ko? Or should I say, ano ba dapat ang gawin ko?
---------------------------------------------

Nanginginig ako sa kaba papuntang mall. Maliban sa'king sarili, dala ko na rin ang speech ko. Ang speech na ilang oras ko pinagpractisan.

Gusto ko'ng tumakbo pagka-kita ko sa bultong yu'n.

As usual, nauuna si Dex kesa sa'kin pagdating sa meetups.

"H-hi. It's been a long time" I was in an awkward state to smile nang makalapit ako sakanya. I took a seat at napansin ko'ng pinagpapawisan ng sobra ang mga kamay ko nang dahil sa nerbiyos.

"Javi, I'll go straight to the point. Mahal pa din kita" I saw pain and sincerity in his eyes as he spoke to those words. "Sorry sa lahat ng nagawa ko. I'm not yet ready to say everything, pero promise, on the right time, I'll confess everything to you... Just give me a second chance" he was about to cry.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. The moment I saw him. I felt no spark nor excitement. I felt empty... rather, I felt pity for him.

"Dex..."

He looked at me as if he could wait forever for me to answer.

"Mahal pa kita pero nahulog na ako sa iba" tumulo ang luha ko nang sinabi ko yu'n.

"Sino ang pipiliin mo? Bibigyan mo ba siya ng chance or bibigyan mo ako ng second chance?" he was crying like a small kid.






"Sorry Dex pero siya ang pipiliin ko." pagkasabi ko nu'n ay pareho na kaming humahagulhol sa iyak.

"Actually, I already gave you a hundred chances na sinayang mo. Hindi na ito second chance para sayo, and Daniel? He deserves a chance."

Bakit kasi ngayon pa? It's too late.

Indeed, love is something unexpected. There is no specific direction. Kahit na masaya ka na, may darating pa din na challenge na susubok sa isipan mo... Hindi lamang sa isipan kundi sa puso na rin.

Is everything according to fate?

We can't even justify.

We just have to make a choice...

Because choice will answer everything.

And I choose to be happy with the man I really love,






Mr. Daniel Pahamak.

---------------------------------------------
1 month and half later

"Ter, sagutin mo na kasi. Akala ko ba sasagutin mo na siya that day on your 18th birthday? Echusera ka, ha. Masyado ka'ng choosy. Lunurin kita sa seasoning ngayon" nakapameywang na sermon sa'kin ni Shiela. Culinary class namin at nagluluto kami ng Main Course. Oo nga pala, HRM ang course ko. (^__^)/

Sa bilis ng panahon, 3rd year college na kami. Konting push nalang. Kasalukuyang nasa laboratory kami at nagkukulitan.

"Tingnan mo, nilagnat tuloy" mukhang mas worried pa siya. Talaga lang, ha?

"Sa init ng pagmahahal ko, kaya nilagnat siya" biro ko naman.

"Yun naman pala, eh! Mahal mo na pala, eh! Ano pa'ng ek ek mo diyan? Sagutin mo na, ter! Jusko, modern era na tayo ngayon. Bulok na ya'ng style mo'ng pa-conservative type!" tumawa lang ako sa panenermon niya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon