Chapter 16- Warm Greetings

71 3 0
                                    

Nasa loob na kami ng eroplano pauwi ng Davao, at mukhang naO-OP ako sa dalawa.

Lumingon ako kay Shiela at kay Daniel na nagtatawanan. Sumama na si Shiela sa'kin dahil gusto rin niyang makapasyal ulit sa'min, tutal bakasyon na. Si Daniel naman ay talagang sumama na... Este, pinayagan ko na talagang sumama.

Naiinis ako.

Nagseselos ba ako?

Because he's my crush and he's talking with my friend instead with me, alright!

Nagtulug-tulugan nalang ako para kunwari wala ako'ng pakialam.

Hindi pa man gumagabi ay nakarating na kami ng Davao at finally sa'min.

"Mahilig ka rin sa basketball? Talaga?" sabi ni Daniel.

"Oo! Grabe! Idol ko yung Miami" sabi naman ni Shiela. Medyo may pagka-boyish kasi ito'ng si Shiela.

Grabe sila, ha. Nakakabingi. Pero mas nakakabingi ito'ng nararamdaman ko'ng selos. </3

Pasakay na kami ng tricycle nang alalayan ako ni Daniel dahil nga marami ako'ng bitbit. "Hindi, ok lang"

Mukhang nagulat siya sa inasta ko at tumahimik nalang. Silang dalawa ni Shiela. Mukhang napansin nilang bad vibes na 'ko.

"Whoa! I didn't thought you're a princess living in a mansion" ani Daniel.

Ngumiti ako bilang tugon. Our house is a two-storey house na modern designed. Dominant du'n ang black color since it is the favorite color of my mom.

"Come, inside. Wag kayo'ng mahiya" Shiela joked.

Natawa naman kami ni Daniel sa pagsunod sa kanya.

Hindi ko napigilang maluha sa pagyakap kay mama at papa since sobra ko sila'ng na-miss. I'm the only child kaya siguro ganito ang trato sa'kin, sobra sobra kung bigyan.

Hindi na nakakapagtrabaho si Papa lately dahil sa sakit niya, kaya medyo nagigipit na kami financially... But it's ok. As long as gagaling si Papa, hindi na muna ako magde-demand ng kahit ano. :)

"Shiela! Kagandang bata, talaga. Kamusta na? Si Kristen, hindi niyo kasama?" bati ni mama.

"Ok lang po, Tita. Hindi na po sumama kasi may aasikasuhin raw po muna sa Manila" Shiela responded.

"Aw mao ba. Kinsa man ni'ng gwapong lake imo'ng dala, Javi?"
(Ganu'n ba? Sino to'ng gwapong lalaking kasama niyo?) nginitian ni mama si Daniel.

"Good day, Ma'am, Sir. Daniel po." nakipagkamayan siya sa mga parents ko. "Ito po, may dala ako'ng saging at mga tinapay" he handed the foods.

Hindi ko napansing may dala siya, ah?

Ayan kasi, Javi, selos ka nang selos.

"Naku, salamat, iho. Akala ko ay magdadala ka ng burger at pizza gaya na lamang ng ginagawa ni Dex--" tiningnan ko si mama bilang babala.

"Ay naku po. Masama po kasi palagi'ng pizza at burger. Hindi po masustansya. Maa mabuti na po yung nagtitinapay at nagpu-prutas. Marami po'ng bitamina tayo'ng nakukuha" natuwa ako aa pagsagot ni Daniel.

Nakita ko'ng natuwa rin si mama at papa. "Iho, mag sarilinan nga tayo" papa invited Daniel to the balcon.

Naiwan kami'ng tatlo nila Shiela at Mama sa sala.

"Shiela, diba pagod ka at wala pa'ng tulog? Du'n ka muna sa kwarto ko magpahinga" tinulungan ko siya'ng mag-ayos ng mga gamit niya.

"Sige, ter. Thank you" maya-maya ay nakapasok na si Shiela sa kwarto.

Tinutulungan ko'ng maghanda ng dinner si Mama sa kusina nang bigla siya'ng magsalita, "Nak, nanliligaw ba yu'n?

"Uhm, opo, ma"

"I like him" napatingin ako sakanya "Magaan ang loob ko sa batang iyon"

I'm in between of amusement and happiness. Boto na agad si mama? Ganu'n?

"Don't you worry. Alam mo namang never kami nakiki-alam sa lovelife mo. Just know your limitations" she adviced to me.

"Yes, ma" I smiled and hugged her.

Pumasok ng sala sina Daniel at Papa na nagtatawanan.

Parang maiiyak ako sa tuwa. Ngayon ko lang kasi nakitang tumawa si Papa ng ganiyan... Ulit.

Daniel...

Masyado mo na ako'ng napapa-in love...


Love?



"Oh, handa na ang hapunan. Javi, tawagin mo na muna si Shiela para sabay sabay na tayo'ng mag-hapunan" utos ni mama.

"Sige po" maya-maya ay nagsimula na kami'ng mag-hapunan. Para kami'ng totoong isang buong pamilya na masayang nagsasalu-salo.

"Iho, dito ka na muna mag-stay. Ok lang ba sayo na sa sofa matulog?" sabi ni Papa.

"Kahit po sa banig pa, ok lang po. Salamat po sa offer" Daniel answered.

The moment I looked at him, he winked at me.

Dang it. -_-

----------------------------------------------
Hindi ako makatulog kaya bumangon na ako at napunta ng balcon.

I heard some footsteps walking towards me. "Javi..."

"Daniel"

"Ba't hindi ka pa natutulog. Mag u umaga na" tumabi na siya sakin habang tinatanaw ang langit.

"Eh, ikaw. Ba't hindi ka pa natutulog?"

"I told you before na don't answer a question with another question" right now he's staring at me.

Hindi ako sumagot.

"Galit ka ba? Galit ka sa'kin?"

Hindi parin ako sumagot.

"Huyyy, sumagot ka naman. May problema ba tayo?" para siya'ng batang humihingi ng lollipop.

"Wala dahil wala namang TAYO"

"Ouch. Tagos sa puso yu'n, ah?" he answered.

Bakit? Hindi ba ako nasaktan sa pagselos ko kanina? I almost confronted him.

"Wag ka'ng mag-alala, magkakaroon din ng TAYO" he pinched my right cheek.

Shet. Weakness.

"Ano'ng napag-usapan niyo ni Papa kanina?" nag-change topic ako.

"Secret. Sasabihin ko sa araw ng pagsagot mo sa'kin."

"Ano, ba. -_-" nakakainis talaga siya ever.

"Gusto mo'ng malaman ngayon? Eh di sagutin mo na ako ngayon nang malaman mo" he teasingly smiled towards me.

I slightly punched him.

Later on, I smiled.


He never fails to make me smile.

"I love you, Javi."






Ngayon, hindi ko na alam ku'ng makakatulog pa ako.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon