Chapter 26- NEW Friendship

46 4 0
                                    

Naglalakad ako papuntang sementeryo habang hawak-hawak sa kanang kamay ko ang mga puting bulaklak na pinapalooban ng basket.

Huminto ako sa tapat ng puntod ni Shiela at naupo. Sinindihan ko ang kandila at nagsimulang maiyak.

"Shi.." sambit ko.

"Bakit niyo ba ako iniiwan? Do I deserve this?"

Tumingin ako sa langit at nakita ko'ng dumidilim ito.

Mukhang uulan yata.

"Leche. Nakikisabay pa ang langit sa pag e emote ko ngayon" I wiped my tears.

"Shi, gabayan mo naman ako... Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko." I was talking like she was really there beside me.

Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan. Mahina...

Hanggang sa lumakas...

Pero di parin ako umaalis sa kinauupuan ko.

Bagkus sinabayan ko ang ulan sa pag-iyak.

"Masakitin na nga, nagpapaulan pa. Ano? Magpapakamatay ka ba?" napalingon ako sa kumausap sa'kin.

Napansin ko'ng di na ako nababasa at may pumayong pala sa'kin.

Napaangat ako ng tingin.

"Dex..."

"Tumayo ka diyan" he tried to pull me but I was stubborn.

I was acting like I didn't know he was there. Nanatili ako'ng nakaupo sa may puntod ni Shiela.

"Please, Javi, stop doing this to yourself. Stop doing this to me."

Sa di malamang pagkakataon, nahila niya ako patayo at napayakap ako sakanya.

"D-dex" sinubukan ko'ng lumayo mula sa katawan niya pero mahigpit siya.

"Just this once, Javi... Please. I know you don't love me anymore, but let me act this way. Let me act that I'm happy because I still think you have feelings for me" nababasa na nga ako sa ulan, nababasa na naman ulit ako sa mga luha niya.

My heart broke.

It's like we had that old love at the wrong time.

Wrong time because it's too late.
---------------------------------------------
Sa lakas ng ulan, hindi agad kami nakaalis doon. Sumilong nalang muna kami sa area kung sa'n pwede makisilong.

Nilalamig ako kaya'y may inabot si Dexter. "Suotin mo 'to."

"Hindi ok lang"

"Wag ka nang makulit" isiniksik niya ang jacket sa katawan ko.

Wala na ako'ng magawa kundi sinuot yu'ng jacket na iniabot niya.

"I'll be back in Japan by tomorrow"

Bigla ako'ng napatingin sakanya. "Pardon?"

"I have a greater future in Japan and I want to pursue my studies there. Du'n na siguro ako magtatapos ng college" he said, not looking at my direction.

Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti. Yung ngiting hindi masaya at hindi rin malungkot. Basta ganu'n.

"P-paano si Kristen?" nag-aalangan pa ako'ng magtanong.

"I told you there was never an us. Nagkalakas-loob na ako'ng i-confront siya at tinapos ang kung anumang kabaliwan ang meron kami." napatiim-bagang siya habang sinasabi yu'n.

"You know, I'm sorry... For what happened. I hope we can get along well in the future" he held my hand pagkasabi niya nu'n.

Agad ko'ng binawi ang kamay ko. "Pinatawad na kita hindi ka pa man nakakagawa ng kasalanan"

"You were so forgiving as always"

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman or ire-react ko. Tiningnan ko siya. He was looking in other direction and I felt a bit sad looking at him that way.

I used to love this man so much.

It's a wonder I don't feel the same way now.

"I'm sorry din, Dex, for not giving you another chance. I hope mahanap mo rin ang taong para sayo...

At sana pag nagkita tayo ulit in the future, wala ng heartaches."

We both smiled at each other.

Despite of the people who left me, atleast I found a NEW friendship in him.






My first love.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon