Chapter 5- The Real Beginning (cont.)

99 6 0
                                    

How long will I wait?
I only have my faith.
Will it take forever to wait?
I think this is my fate.

Sa takot na baka ma-late at mapahiya na naman ulit, maaga ako'ng dumating sa English class ko which is 9:00am. 8:00am pa lang ay nasa room na ako. Mabuti nalang at walang class before sa time namin. Kaya ayan, nagsusulat nalang ako nang kung anu-ano sa notebook ko.

Bigla ko'ng naalala si Dexter.

Four months na pala ang nakalipas pero mahal ko pa din siya.
Kamusta na kaya siya?
May bago na kaya siya?

Biglang kumirot ang puso ko sa naisip.


Hindi ko kaya.

Masakit.

Deep inside, alam ko'ng babalikan ako ni Dexter nang gaya sa pagbabalik niya galing Japan.

*sarcastic laugh* Ayan, Javi, umaasa ka na naman sa wala.

*RRRRRIIIIINNNNNGGGG*
9:00 am na pala. Maya't maya ay nagsipasukan na ang mga kaklase ko.
Wala pa ako'ng close friend dito. Help (-_-)

Napatingin ako sa may pintuan. Teka, si Eda yu'n, ha? Magkaklase din ba kami dito? O.o
Mukhang may kausap siya.

"GOOD MORNING, CLASS! A WONDERFUL DAY FOR AN ACTIVITY, ISN'T IT? GO TO YOUR RESPECTIVE GROUPS. NOW!!" nasa room na pala si Ma'am.

"Ay gaga!" napasabi ko sa gulat. Nagsitawanan yung mga tao sa loob.

"Are you mocking at me, Ms. Magpugay?" magkasalubong ang kilay na tanong ni ma'am.

"No, ma'am. I'm sorry" paumanhin ko.

Ay grabe lang. Nagulat talaga ako, noh. Ang laki pa naman kasi ng boses. Walang kwentang professor. Bad shot na agad ako kahapon pa. Pa'no na yan? Baka dito na mawala ang scholarship ko. (-___-)

Nag-start na kami sa group activity.
Nawala na sa isip ko si Eda at yung kausap niya kanina. Hindi pala kami magkaklase. Baka napadaan lang.

Natuwa naman ako dahil nagkaroon na ako ng mga acquaintances. Yeheeeeeyyyy!!! (^__^)v

Lahat kami ay nakakuha ng good score sa activity kaya lahat ng group ay may prizes. Box of assorted chocolates yun kaya pinaghati-hatian na namin ng mga kagrupo ko. Hindi ko nalang kinuha yung parte ko since hindi naman ako mahilig sa chocolates. Binigay ko nalang sa iba yung parte ko.

Dismissed na ang class pagkatapos nu'ng distribution of prizes. Nag-aayos na ako ng gamit nang biglang...

*poke poke*
Napalingon ako sa kung sino'ng nagpo-"poke poke" sa akin. "Yes?"

A smiling guy in front of me. Matangkad. Chinito. Maputi. Hindi masyadong mataba nor payat. Tama lang ang pangangatawan.

Hindi lang yu'n. Siya yung lalaking kasama ni Eda dati sa Cafeteria.

Aside from that, gwapo rin siya.


JAW DROPPED.
Magkaklase pala kami? O.O
Siya yata yung kausap ni Eda kanina.

"Napansin ko'ng hindi mo tinanggap yung parte mo kanina kaya heto yung parte ko. Sayo na. Hindi ako mahilig sa tsokolate. Kumain ka naman ng chocolate nang tumaba ka" he smiled while handing three chocolates.

Nag-aalangan pa ako'ng tanggapin. "Ay thanks" Sa wakas after two years, nakasagot na rin ako. He smiled again and left away.

Bakit sakin niya binigay? Marami namang ibang pwedeng pagbigyan diyan, ah.

Teka, ba't kinikilig ako? *holds the chocolates close to chest* *daydreams*

Sige na nga. Aaminin ko na. Crush ko na yata siya nu'ng una ko siya'ng nakita na kasama si Eda dati. WAIT. May something kaya sila ni Eda? Ew. Wala naman siguro. Hindi niya yung tipong papatol sa bakla.

Hindi ko kakainin to. May sentimental value, eh. BWAHAHAHAHA. >:D

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito. After almost six years, nagka-crush na din ako ulit. For inspiration lang naman, diba, readers? ;)

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon