Chapter 36- Reunited

47 5 0
                                    

Daniel's POV

"Sweetheart, tama na 'yan" inaagaw ni Carina ang bote ng beer mula sa akin.

"Please, Carina, just now"

"Nakailang bote ka na, eh. Please, tama na"

Lumingon ako sa mga bote ng beer na nasa sahig. Mga apat na rin yun.

Tumingin ako kay Carina.

Damn.

Ang laki'ng gulo nito'ng napasok ko.

Alam ko'ng hindi pa ako lasing at gising na gising pa ang diwa ko.

Humarap ako kay Carina at hinawakan siya sa magkabilang braso.

"Carina... I-im sorry"

"Sorry for what?" she half-smiled at me.

"Dahil sa pag-aakala ko'ng ikaw ang babaeng mahal ko" sabi ko. "Nakakaalala na ako, Carina"

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Daniel, lasing ka lang." hinawakan niya ang mga kamay ko. "Halika na sa loob para makapag-shower ka na"

"No, Carina. I'm not drunk. I'm really sorry" tumulo na naman ang luha ko.

"Mahal mo talaga siya, ano?" bigla siya'ng nagsalita. Napatigil ako sa paglaklak ng alak.

"Sorry din dahil nagbulag-bulagan ako. Matagal ko nang napapansin na ibang klase ang mga tinginan niyo. Hindi ako tanga para di mapansin 'yun. I should have helped you to remember. Matagal na sana kayo'ng nagkabalikan." umiiyak na din siya. "I guess this is my endpoint. We are not really meant for each other"

"C-carina..." wala ako'ng iba'ng masabi.

I almost held her face.

"Don't be. I'm fine. Masaya ako para sa'yo. Finally, nakakaalala ka na" she gave an assuring smile.

Tuloy parin sa pagtulo ang luha niya.

Niyakap ko siya.

Nagyakapan kami. Just to ease her pain.

Atleast nasabi ko na ang totoo.

Ayoko nang dagdagan ang mga taong nasasaktan ko.

"Thank you for everything" these are my last words to her.

--------------------------------------------

Javi's POV

30 minutes na ako'ng nakaupo du'n sa beach side. Lahat ng mga kasama ko ay natutulog na, ako pa lang ang hindi. Mag a ala una na ng umaga pero di parin ako makatulog.

I enjoyed myself viewing the waves of the sea.

"Thank you for everything"

Nagpabalik-balik parin sa isipan ko ang na-witness ko kanina.

Narinig ko'ng sinabi yan ni Daniel kay Carina habang nagyayakapan sila.

Muli, nadurog na naman ang puso ko sa eksenang 'yun.

Balak ko sana'ng kausapin ulit si Daniel ngunit huli na ang lahat...

Mukhang nagkakamabutihan na naman sila.

Kaya ba ganu'n ang reaksiyon niya kanina?

Na-realize ba niya'ng mas mahal nga niya si Carina kesa sa'kin?

Napaluha ako sa naisip.

Pinahid ko ang luha ko at tumayo.

Sa pagtayo ko ay nakita ko si Daniel... Nakayukong naglalakad papunta din sa tabing-dagat.

Mag-isa.

Hindi ko alam pero mukhang napangiti ako.

Inunahan ko siya ng lapit.

Sinadya ko'ng magkabangga kami ng harap-harapan.

Umangat siya ng tingin.

Blanko ang ekspresyon ng mukha niya.

Parang walang nakitang nilampasan niya lang ako.

Napako ako sa kinatatayuan ko.

Nang makaipon ng lakas ay lumingon ako at tinawag siya, "Daniel!"

Ni hindi siya huminto mula sa paglalakad o lumingon man lang.

Tumakbo ako papunta sa kanya at nang maabutan siya, iniharap ko siya sa akin.

"Mag-usap tayo" sabi ko sakanya.

"Wala tayo'ng dapat pag-usapan"

Tumalikod ulit siya.

"Mahal mo ba talaga si Carina? Kakalimutan nalang ba natin kung ano ang meron tayo dati? Ha?!" inipon ko ang lakas ko bago ko sinabi yun.

Galit na hinarap niya ako. "At ikaw pa ang may gana'ng magsabi niyan?"

"Hindi kita maintindihan" sagot ko.

"Ikaw?! M-mahal mo ba talaga ang Dexter na yun at nagawa mo ako'ng lokohin?" nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo?" nagsimula na rin ako'ng magalit.

"Nakita ko kayo'ng magkahalikan sa araw ng monthsary natin. Wag mo nang ipagkaila, Javi. Nakita mismo ng dalawang mata ko" tumulo ang luha niya.

Nu'n naman ay bigla ko'ng naalala ang mga nangyari that day.

"Hindi kita niloko!"

"Ano'ng tawag mo du'n? Ha?" lumapit siya sa'kin at hinawakan ang braso ko.

"T-teka nasasaktan ako"

"Ganito ba ang gusto mo, ha? Ha? Ganito, ba?" mariin niya ako'ng hinalikan. Nasasaktan ako sa ginagawa niya.

"A-ano, ba! Tama na! Daniel, tama na!" tinulak ko siya palayo. "Ano ba'ng problema mo?!"

"Halik lang naman ang gusto mo, diba? I just gave what you want!" he scolded me again.

"I want you to trust me!" hindi ko napigilang maluha. "He forced me, hinalikan niya ako. Hindi ko ginusto yun. Nanlaban ako ng panahong iyon. If you have given me the chance to explain, hindi sana mangyayari to! Tapos ngayon, ginagawa mo na din ang pagpipilit na ginawa niya. Thank you, ha? Atleast nalaman ko'ng hindi mo nga talaga ako mahal kasi ni katiting ng pagtitiwala, di mo maibigay!!"

I stormed away crying.

Di pa man ako nakakalayo, naramdaman ko'ng may yumakap sa'kin mula sa likod ko.

"I'm so sorry, Javi. I'm so sorry for not believing you. How stupid of me! That would be the last. I promise. Please, forgive me." nababasa na ang damit ko sa mga luha niya.

Nag-iiyakan na kami'ng dalawa.





"Javi, mahal kita" mas lalo ako'ng napaluha sa narinig ko'ng sinabi niya.









"Mahal din kita"

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon