Chapter 22- Betrayal

56 4 5
                                    

"Thank you, aling Nene" pasalamat ko pagka-abot sa papel na binigay ng aming landlady. Nakasulat doon ang address kung saan nag i-istay si Kristen ngayon. Lumipat na siya ng boarding house nang walang pasabi-sabi. Hindi rin naman siya nagrereply sa mga texts ko pati tawag.

Hinahanap na kasi ni Shiela ang presensya niya.

Siyempre, kaibigan din namin siya and it's my responsibility na ipaalam sakanya ang sitwasyon namin ngayong magkakaibigan.

Aside from Daniel, si Kristen lang din ang makakapitan ko sa panahon ngayon.

"Loves..."

"Daniel" lumingon ako sa tumawag sa'kin. Wala namang iba'ng tumatawag ng loves sa'kin kundi sa Daniel lang.

"Sa'n ba punta mo? Sasamahan na kita" nagpaalam na ako kay aling Nene na aalis na.

"Dito" inabot ko sa kanya yu'ng papel na binigay ng landlady namin. "Diyan daw lumipat si Kristen. Pupuntahan ko"

He nodded as a response. "Tamang-tama. Dala ko ang sasakyan. Tara?"

"Thanks" I hugged him afterwards.

Shet. Ang bango -____-

On our way to Kristen's place, nakaramdam ako ng call of nature. He-he.

"Daniel, pwede ba tayo huminto saglit? Nasi-CR ako, eh" I asked him.

"Sure" lumiko siya papunta sa isang malapit na mall mula sa kinaroroonan namin.

"Dito ka nalang maghintay. Saglit lang naman ako. Diyan lang ako magsi-CR sa ground floor" bumaba na ako ng sasakyan habang siya ay magpa-park muna.

Pumasok ako sa loob ng mall at nagmamadaling lumakad papunta sa malapit na CR du'n sa ground floor.

"Aray! Naku, pasensiya na. Nagmamadali kasi ako" nahulog yu'ng gamit nang nakabangga ko. Lumuhod ako at tinulungan sa pagpupulot ng gamit na nahulog yu'ng batang lalaki na mukhang nasa high school level pa.

Sa hindi malamang dahilan, napatingin ako sa taas kung saan may nakikita ako'ng couple na nagtatawanan sa labas ng isang coffee shop.

The guy held the girl's hand and kissed it, while the girl chuckled and pinched his cheeks.

He held her waist and kissed her lips in such a SLOW-MO atmosphere.

She wrapped her arms around his neck. They were very passionate in that scene.

Nang tumigil ang halik, he hugged the girl and led her inside the shop. They look so inlove.

Indeed, they look so perfect.

But for one thing, they don't.

Dahil ang nakikita ng dalawang mata ko ay isang SCENE of BETRAYAL.






























Yes, you're right. I just saw my ex-boyfriend and bestfriend kissing.

Kristen... Dexter... Bakit niyo nagawa to? Nakaramdam ako ng galit at pighati sa nakikita ko'ng eksena ngayon. Para ako'ng pinagbagsakan ng langit at lupa.



Also, I can see myself crying from the reflection of the glass walls.

Hindi ko pa man natatapos tulungan yu'ng batang lalaking nakabangga ko, tumayo na ako at nagbadyang aalis na.

Wrong timing. Tumingin sila sa direksyon ko.

I saw Dexter's face so worried... So worried that he tried to go after me.

Tumalikod ako para tumakbo palayo.

I don't want them to see me in a very weak state.

Sa pagtalikod ko ay nasalubungan ako ng isang yakap.

Umangat ang ulo ko sa yumakap sa'kin. "Daniel..."

Tumutulo pa ang luha sa mga mata ko nang hinalikan niya ako... Sa lips.

It was so gentle. Kung sa nagdadala pa ng balde, ingat na ingat na hindi matapon ang tubig na nilalaman nito.

Nakalimutan ko ang lahat at ngayon ay ninanamnam ko ang halik na iginagawad niya sa mga labi ko.

Ibig ko'ng tumutol nang matapos ang halik.

Hindi pa man ako nakakatingin ulit sa direksyon nila, hinila na ako ni Daniel palayo... Palabas ng mall.

Sumakay kami sa sasakyan niya at walang sali-salitang bumiyahe kami sa kung saan.

Nakita ko rin sa mukha ni Daniel ang galit.

Wala pa ma'ng treinta minutos ay nakarating na kami sa isang private beach resort.

"Good morning, sir. Bigla kayo'ng napadalaw?" ani receptionist na naka blue uniform. Biglang nagsipagtayuan ang mga tauhan doon at binati kami isa't isa.

"Susi sa beach house" utos ni Daniel.

Pagkaabot ng susi sakanya ay wala sa sariling sumunod lang ako sa kanya.

Nakarating kami sa isang beach house di malayo sa beach side.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" sa wakas ay natanong ko na rin.

"Dito ako lumalagi pag masama ang loob ko. Dito ako nagpapalamig. Kaya gawin mo na rin dito" pumasok na kami sa beach house.

Magara ang loob niyon. Maraming seashell na chimes. Heavenly ang ambiance since puros kulay blue ang makikita doon.

"Naku... Baka mahal ang mababayad natin dito?" tanong ko pagkaupo sa duyan na nasa mini terrace ng beach house.

"You don't have to worry anything. Libre tayo dito. We own this entire resort" sagot naman niya.

And I was like O___O

"Joker ka talaga kahit kailan. Nice try" tumawa pa ako kahit na dapat ako'y malungkot.

He just smiled.

I connected all my thought sa mga na-witness ko kanina.

OMG. Oo nga. Binigay lang yung susi sa kanya kanina. Ni hindi nga siya naglabas ng pera plus private ang resort na ito. So it means...

He's goddamn rich?

Shet. Nakakahiya.

Tumingin ako sa kanya. "Samahan mo naman ako sa may beach side"

Nang hindi siya sumagot, ako na mismo naunang tumakbo papunta roon.



"WALANGHIYA KAYO! MGA GAGO! MANLOLOKO!! MAGSAMA KAYONG MGA OCTOPUS!" sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa maubos ang lakas ko.

Napaluhod ako pagkatapos.

Naiyak.

Pero kahit papano, medyo nawala ang bigat sa dibdib ko.

"Helpful ba?" lumapit na si Daniel sa'kin at may inabot sa'kin.

Isang gallon ng ice cream.

"Pampatanggal depresyon" nag-initiative na siya'ng buksan ang gallon.

Pinagsaluhan namin yu'ng ice cream.

Tahimik lang kami'ng kumakain habang nakaupo du'n sa buhanginan.

Bigla siyang nagsalita.

"Javi"

"Hmmm?"








"Mahal mo pa ba siya? Mahal mo pa ba ang Dexter na yu'n?"

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon