Chapter 28- Determined

49 4 0
                                    

"Anak, ok ka lang ba talaga? Sigurado ka ba sa ginagawa mo? Nak, please, magsabi ka naman" nasa kabilang linya si mama via call.

"Yes, ma. I'm fine" maya't maya ay naputol na ang tawag.

I released a deep sigh.

Tiningnan ko ulit yung papel na hawak-hawak ko. Sa papel ay nakasulat ang address nina Daniel sa Korea.

Ilang weeks din ako'ng nagtiis at nag-asikaso ng papeles para lang ma-arrange ang flight ko papuntang Korea.

October na at timing for two weeks sembreak, hindi maaapektuhan ang schooling ko sa pag alis ko.

Eda, thank you talaga.
Message sent.

Ilang araw ko ring kinulit si Eda para lang maibigay niya ang address nila Daniel sa Korea.

I looked around me. All were very busy on their own businesses samantalang ako, 1 hour nang nandito sa airport.

Masyado ako'ng napaaga buhat ng excitement.

Hawak hawak ko rin yung picture mula sa album kung sa'n nandu'n ako at si Daniel.

Makikita na rin kita.

Konting push nalang.

--------------------------------------------

"Unnie, unnie" unti-unti ako'ng napamulat dahil sa kung sinumang tumatapik sa left shoulder ko.

"Gwaenchana (are you ok) ? Look, Seoul already" medyo nahihirapan pa siyang mag-English pero naintindihan ko naman.

"De, gwaenchana. Kamsahamnida (Yes, I'm fine. Thank you)". I bowed at the young lady at bumaba na ng bus.

Mabuti nalang at medyo nakakaintindi at nakakapagsalita ng Ingles yung nakatabi ko'ng Koreana sa bus at sinabi ko'ng ipahinto ako sa lugar malapit sa address na ibinigay sa akin.

Ako din naman, medyo natuto ng Korean language since avid fan ako ng mga Koreanovelas. Natuto ako sa mga subtitles. XD

Jet lag pa ako mula sa eroplano at gutom pa kaya naisipan ko'ng mag-check in muna sa hotel.

"Yes, one room please. Thank you" I said to the counter. "And with dinner. Kamsahamnida"

Papunta na ako du'n sa room ko nang may napansin ako'ng dumaan sa may kabilang hall. Pamilyar ang kaniyang bulto kaya awtomatikong napalingon ako.

"Daniel? Daniel!" sinubukan ko'ng habulin yung mga lalaking namataan ko.

Pagbaba ko sa ground floor.

Wala na sila.

Wala na siya.

Siya ba talaga yu'n? O baka nagha-hallucinate na naman ako.

"Miss! Miss! You left your hanky" someone patted me at my back.

I looked around to see a gorgeous woman standing in front of me. "O-oh, thanks"

"Pinay?" she smiled. "Sabi ko nga't pinay, eh. Here"

Inabot niya yu'ng panyo ko. "Salamat talaga, ah"

"Ay naku, wala yun. I better keep going. Nagmamadali kasi ako, eh. May naghihintay sa akin sa labas. Nice to meet you" she gave me a last smile before she went away.

The woman seems so familiar.

Sa'n ko nga ba siya nakita?

Ah, siya yu'ng babaeng nakabangga ko sa CR one time kumain kami ni Daniel sa labas.

I felt relieved seeing her happy in this state.

Umiiyak pa siya dati nung nakita ko, ngayon ay masaya na.

Haha.

Tadhana nga naman.

Why do I keep seeing familiar faces?

Sana si Daniel na naman ang makita ko.

Bago pa man ako mawalan ng lakas ng loob, pumasok na ako sa room ko at kumain nang kumain nang kumain...

Ng ice cream. My cure for depression.

Maka-isang gallon nga.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon